Chapter 2 ~ Meeting an Angel

145 5 6
                                    

Chapter 2 ~ Meeting an Angel

“Ang ganda mo ‘pag nakangiti!”

Ano raw???

Ako, maganda ‘pag nakangiti?

Natigilan ako sa pwesto ko, hinihintay ko munang ma-absorb ng brain ko yung sinabi nya. Lumingon ako, wala na siya. Oh my gosh, ‘di kaya multo siya? Naku, hindi pwede iyon, ang gwapo pa naman niya tapos ghost lang siya.

Kinotongan ko ‘yung sarili ko.

“Baliw ka Eip, may multo bang ganoon kagwapo? Wala ‘di ba? At isa pa, kung multo ‘yun dapat kanina ka pa tinakot n’un.” Sabi ko sa sarili ko. Pero pwede ring multo lang talaga siya. Malay ko ba ‘di ba?

Hay ewan, nababaliw na yata ako.

Kinabukasan, ‘pag pasok ko sa school, binati ako agad ako ng mga new friends ko. Actually, isang grupo sila at ako ang new recruit nila. F4 ‘yung name ng grupo nila, ‘yung kagaya sa Meteor Gaden, Flower Four ‘yung meaning. Since sumali ako, F5 na daw, Flower Five. Nakakatuwa ‘di ba? Binago nila ‘yung name ng grupo nila para sa akin. Masaya naman daw sila na may bago silang friend. Naramdaman ko rin na welcome na welcome ako sa grupo nila.

Habang nagku-kwentuhan kami, may dumaan na isang lalaki. ‘Di ko masyadong nakita ang mukha niya dahil nakaharang si Bullet.

“Uy Kiel, buti pumasok ka na!” sigaw ng isa kong kaklase na lalaki, Nicole yung pangalan niya. Ewan ko ba kung bakit Nicole yung pangalan niya eh samantalang lalaki siya.

“Yo Nick, namiss ba ako ng tropa?” tanong ng pamilyar na boses. ‘Di kaya siya nga? Tumingin ako sa kanya. Nakatalikod siya.

“Kiel?” sabi ko sabay tayo. Napatingin siya sakin.

“Dara?” sabi niya, “Dara, ikaw nga! Magkaklase pala tayo?” sabi niya nang nakangiti.

“Oo nga eh, ngayon ko lang din nalaman. ‘Di ka kasi pumasok kahapon.”

“AYIIEEE!” nagulat naman ako sa biglang pagsigaw ng mga kaklase ko.

“May bagong love team oh!” sigaw ni Nicole.

“Ayiie, Apryl, si Kiel pala ah.” Kantyaw naman ni Bullet. Nang-asar din ‘yung iba kong mga kaibigan.

Naku naman, nagkumustahan lang, naging love team na?

“Guys, magbigay na kayo ng name ng bago nating love team.” Sigaw ni Bullet.

“Apriel!” sigaw ng isang kaklase namin.

“Ang corny,” sabi ni Bullet.

“Kiepryl.” Sigaw ng isa pang kaklase namin.

“Ang bantot naman niyan.” Si Bullet ulit ang nagsalita.

“AHA!” sabi Nicole. Ano kayang naisip ng lalaking ‘to?

“’Di ba ang second name ni Arpyl ay Dara?” tanong niya.

Tumungo naman ang mga kaklase ko, seryoso sila. Wow ah! Parang big deal ‘tong love team na ‘to.

“Dariel!” sigaw niya at sumangayon naman ang mga kaklase ko.

“I now announce our new love team –Dariel!” Sabi ni Bullet at nag-‘ayiieee’ na naman ang mga kaklase ko.

Nanahimik lang ang lahat sa pagpasok ni Miss Marissa. Buti naman at tumahimik na sila. Medyo naiilang na ako eh. Gusto ko ng maayos at tahimik na buhay sa school na ‘to. May napansin ako kay Miss Marissa, mukhang malungkot siya at any time ay iiyak.

I Will Never ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon