--Manila
"Oh mag ingat ka dito ha? Kapag may problema naman, tawagan mo kami agad ha?" sunod sunod na sabi ni mama, habang si papa naman tinutulungan ako sa pag pasok ng mga gamit ko sa Dorm. Tumango naman ako, saktong tabi naman ni papa kay mama at inakbayan ito. Nakatingin lang si mama sakin at naiiyak pa, natawa naman ako. Hinatid kasi nila ako sa Dorm ko, at eto namang nanay ko parang gusto pa ata ako pabalikin
"Ano ba yan ma! Para namang mag iibang bansa ako, Eh dito lang naman ako sa Maynila." Natatawang sabi ko, pinunasan naman ni mama yung mata nya
"Aba syempre! First time malalayo samin." Napatingin naman ako kay papa at natawa kami pareho. "Halika at payakap muna si mama" bigla akong niyakap ni mama at hinimas yung ulo ko "Nako ang baby panganay ko." Napalayo naman ako.
"Mama naman e! 17 na 'ko, napaka drama mo naman." Bigla nya ko pinalo ng mahina sa braso, hinimas ko naman agad yon "Tska, uuwi naman ako sa Puerto Galera kapag bakasyon, tska after ko mag graduate dito, babalik na ko dun! Isang taon lang naman ma." Pag explain ko, at pinag titinginan na kami ng mga tao dito dahil ang drama ng mama ko.
"Ah basta, ikaw ha?" At tinuro ako "Maynila 'to anak, hindi ito tulad ng atin. Magiingat ka lagi! Tska wag ka mag lalakwatsa ng mag isa ka lang ha? Mamaya maligaw ka pa." Tango naman ako ng tango, kasi kanina pa nya ko pinagsasabihan tungkol dito sa Maynila kulang na lang di nila ako paalisin eh. "At eto paka tandaan mo ha. Makinig ka" hinawakan ni mama yung kamay ko at pinatingin sa kanya "Wag na wag ka mag papaligaw sa panget ha? Dapat pogi!"natatawang sabi nya.
"Ma!" Suway ko, tumawa naman sya. Biglang umaliwalas mukha ko at napatalon "Ibig sabihin ma, pinapayagan nyo na ko mag bo--" hindi na natapos yung kaexcitan ko ng binatukan nya ko, tignan mo 'to napaka brutal. "Aray ko naman ma!" At hinimas yung batok ko.
"Siraulo ka, hindi! Bawal ka pa rin mag boyfriend. Mag aral ka muna. Nako, sayang yung scholarship mo kung hindi ka magtitino!" Nastre-stress na naman nanay ko, hehe.
"Joke lang! Eto napaka serious eh. Iniistress mo na naman sarili mo." Napailing sila ni papa.
Onting kwentuhan lang kami at umalis na rin sila mama. Ayaw pa nga umalis ni mama e' kung hindi lang sya pinilit ni papa dahil baka mahuli pa sila sa Sunod na byahe pabalik sa Puerto.
Inikot ko ang mata ko sa buong kwarto, malaki naman itong Dorm na 'to tska dalawa kami dito, kaso yung karoommate ko wala e, umalis ata. Maganda din to, kasi malapit sa university. Pero makikita mo sa mga gamit nya, babaeng babae sya tska ang daming gamit hehe. Inisa isa kong tignan yung andito, syempre umipisahan natin sa banyo, pag bukas ko ng C.R
BINABASA MO ANG
Young Love
FanfictionYou're my "Worth the wait" in this world full of "ayoko na, pagod na ko"