HDHA - Seven - She Calls Him Ser

3.7K 78 10
                                    

Oh, ito na ang hihintay nyong UD. Medyo lame ang umpisa. HAHA! Thank you sa mga bagong sumusuporta kahit unti pa lang reads. WAAAAAAHHHHH :'< Drama! LOOOL. Support support! ♥

=======================================================

SEVEN

She Calls Him Ser

SHEKINAH'S POV

Pagmulat pa lang ng mga mata ko, may kakaiba na akong nararamdaman sa katawan ko. Hindi ko lang malaman kung ano. Basta mas kakaiba talaga sa pakiramdam kesa noong unang beses akong magising. Kung kahapon ay parang lalamya-lamya ang pakiramdam ko, ngayon parang masigla na. At kung kahapon ay parang sobrang blanko ng utak ko, ngayon hindi na gaano. Basta ibang-iba talaga sa pakiramdam. 

Bumangon ako sa kama at tumayo sa may bintana para sumilip. Paghawi ko ng kurtina para sumilip sa labas ay namangha ako sa araw na pakisat pa lang. Napangiti ako. Ang ganda...ang ganda sa paningin ko. Ngayon ko lang nasaksihan ang pagsikat ng araw. Parang isa lang akong baguhan na ipinanganak sa mundong to. Parang unang beses ko lang na minulat ang mga mata ko at nakakita ng magandang view. Pero...

Napaisip ako bigla. Sino nga ba ako? Bakit hindi ko alam ang pangalan ko at kung saan ako galing? Wala akong matandaan na kahit ano. Sinusubukan kong alalahanin pero wala. Wala! Ang tanging memorya ko lang ay yung mga nangyari kahapon. Yun lang meron ako. At yun lang ang laman ng isipan ko. Ano ba ang nangyari? At nasaan na yung lalakeng kasama ko kahapon? 

Lumingon ako sa may pinto. "S-ser?"

--o--

LUIGI'S POV

TITIT TITIT TITIT

Nag-alarm na ang phone ko. Oras na naman para bumangon. First day of school for this week. Nakakatamad pero wala akong magagawa kundi pumasok. Putek. 

Tumihaya ako at saka nag-unat habang nakapikit. Nung tumagilid ako sa kanan at dahan-dahang minulat ang mga mata ko...

May isa akong anghel na nakita sa gilid ko. Nakasalumbaba sya sa kama habang tinititigan ako. Shit, ang ganda niya! Napakaamo ng mukha kahit di sya nakangiti. Sino kaya ang nilalang na to? Ang ganda ng salubong sa aking umaga.

HE'S DATING HIS ANGEL ☺Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon