Chapter 24 "Rissa Is A GANGSTER??"
[Ruan's POV]
- PRRRTT -
Tsk, kainis humaharang pa kasi, nabunggo ko tuloy.
"Mr. Vermuelen! FOUL!", sabi ng referee
Wala akong paki kung foul ako. Bwiset.
"Break muna coach, mukhang may umiinit na dito", sabi ni Alex na nakatingin sa akin.
"Sige, water break muna. Magpalamig muna kayo"
Umupo agad ako sa bleachers, sumunod naman ang mga kaibigan ko at umupo sa magkabilang gilid ko habang si Mayco, nasa harapan ko at naka-cross arms.
"Anong tinitingin niyo?", sabi ko sa kanila. Kanina pa kasi ako tinitigan ng apat na mga ito. Parang may kasalanan ako at malapit na akong ikulong.
"Anong nagyayari sa iyo Ruan? OK ka lang?", tanong ni Mayco
Umiwas lang ako ng tingin at uminom ng tubig.
"Ruan, talaga bang OK ka lang? Kanina ka pa wala sa sarili at palagi ka na lang nagkaka-foul sa practice natin"
"May problema yan, trust me"
Napatingin naman sila kay Alex. Tsk, hindi ba obvious na may problema ako?? Bwiset lang.
"Alam namin yan Alex, ang amin lang ano ang problema ng kumag na ito at biglaan na lang umiinit ang ulo. Nag-away na naman ba kayo ng mom mo?", tanong ni Nath sa akin
"Hindi"
"Oh bakit ka nagkakaganyan?", singit ni Ken
"Wala. Wala ito", pinunasan ko na lang ang pawis ko. Ang club namin ay basketball. Hindi naman talaga namin ito gusto pero sadyang kinakailangan kasi bigatin ang makakalaban namin. Ang last year kasi na mga players ay nang-graduate na kaya kami na ang new players.
"Leader, OK ka lang ba talaga? Baka naman babae yang iniisip mo?", ngiting tanong ni Alex sa akin
Napatingin ako sa kanya. Bwiset, grabe talaga ang lalakeng ito basta babae ang pag-uusapan.
"O see?? Babae ang problema ni Leader!! Sino Ruan!? Si Ice ba yan?? TSK! SABI NA--- ARAY!!", binatukan siya ni Ken
"Pwede ba Alex, hinaan mo ang boses mo?? Alam mo bang bukambibig sila ngayon sa university dahil sa scene last week??", sermon ni Ken kay Alex
It's been weeks since noong Acquaintance Party. Tsk, naiinis ako sa Five Queens at binully nila ang limang iyon. At ngayon, naiinis ako sa sarili ko kung bakit apektado ako sa pangyayari. Iniiwasan kami ng limang iyon! Bwiset!
"So all this time, siya ang iniisip mo Ruan?" - Nath
"Tsk, oo. Pero iniisip ko kung anong hakbang ang gagawin natin sa susunod"
"Tama ka diyan" - Mayco
Nag-isip kami kung ano ang gagawin namin.
"Para saan ba talaga ang ginagawa natin?", Ken blurted
Napaisip din ako. Ngayon, parang unti-unting nawawala ang pagdududa ko sa kanila
"Sa simula, akala natin sila talaga ang Skotadi Kyriarchia pero parang hindi talaga sila", Mayco answered
"Wait, ang gusto mong palabasin na hindi sila ang limang iyon?" - Alex
"It might be possible. Hindi na ba kayo nakakahalata? They always deny that sila ang gangsters na iyon. What if they are telling the truth? What if this whole time, we are pointing them with someone na hindi naman talaga sila? Can't you see the puzzle? Ni hindi nga nila dinefend ang sarili nila noong binatuhan sila ng water balloons last Acquaintance. Ang Skotadi Kyriarchia na nakilala natin ay palaban at hindi umiiyak. Hindi umaatras sa anumang laban. Pero pinakita nilang hanggang sa salita at porma lang sila" - Ken
BINABASA MO ANG
The Comeback of the Legendary Gangster
AksiIsa siyang gangster noon at nagdisguise na nerd ngayon. Tinalikuran niya ito dahil sa isang pangyayari. Tinagurian silang "THE LEGENDARY GANGSTERS". Pumasok sila sa eskwelahang hindi nila inaasahan. Kahit hindi transferees, iba ang tingin ng kanilan...