Last UD ngayong gabi. Medyo mahaba sana magustuhan nyo po. :) Bukas na lang ulit. Happy reading! Happy 400+ readers, sana bukas tumaas pa. Hehe ^____^
HAHA! Wala akong ma-title kaloka. Pagpasensiyaha na! :))
=======================================================
EIGHT
The Search
Sa Kalangitan...
"Ayan! Angel Shekinah is starting to get curious, beybe!" tuwang-tuwang sabi ni Israfel kay Mihr at nakipag-apir pa dito.
"Ah! Ah! Angel Israfel, pahinging tissue naman oh." sabi ni Mihr na iniipit ang ilong nya.
"Ha? Bakit Angel Mihr?" takang-takang tanong ng malusog na anghel.
"Ay hindi mo gets, Angel Israfel? Nag-english ka kasi eh. Ayan, sangkatutak na dugo ang lumabas sa ilong ko." pabirong sagot ni Mihr.
"Weh? Ikaw nga eh may nalalaman ka pang 'back to scratch". My nose bled too, don't you know that?" ngumisi si Israfel.
"Nge!" pang-asar na tuksong sagot ni Mihr kay Israfel. Alam ni Mihr na maiinis ang kapwa anghel niya kaya ang ginagawa niya ay lumipad siya para makalayo kay Israfel.
"Angel Mihr! Lagot ka talaga sa akin!" At naghabulan nga ang dalawang anghel. "Binabara mo na ako ngayon ha, Angel Mihr."
"Joke lang Angel Israfel! Ikaw naman oh!" patuloy pa ring naghahabulan ang dalawa hanggang si Ama ay nagsalita...
"Mga anak, huminahon naman kayo." Dahil dito ay tumigil sa paghahabulan ang dalawa at bumalik sa tabi ni Ama. Nasa kabilang dulo si Israfel at nasa kabila naman si Mihr.
"Pasensya na, Ama." pagpapaumanhin ng dalawa. Ayan, dahil sa kaharutan ng dalawa ay nasaway tuloy sila ni Ama. Muli na namang silang nakinood sa mahiwagang fountain upang tingnan si Angel Shekinah.
"Ama. May tanong po ako. Ano na po bang balak niyo kay Angel Shekinah?" tanong ni Israfel.
"Oo nga po, Ama. Dahil sa walang memorya at walang alam si Angel Shekinah ay inaaway siya ng mortal na yan." sabat ni Mihr. Tumayo si Ama at lumapit sa may fountain. Pinagmasdan nito si Shekinah na nakahiga lang sa kama. Natutulog ulit ang naparusahang anghel.
"Mga anak, parte lamang talaga iyon ng kanyang kaparusahan. Dahil siya ay isang mortal na ngayon, mararanasan niya kung paano ba talaga maging isang normal na tao." paliwanag sa kanila ni Ama.
"Pero Ama...hindi po ba pwedeng kahit paunti-unti ay bigyan ninyo ng kaunting kaalaman si Angel Shekinah? Nang hindi naman po sya makutya ng mortal na iyan." mungkahi ni Israfel. Napaisip ng malalim si Ama. Pinagiisipan niya ng mabuti kung kokonsederahin ninya ang mungkahi ng anghel.
BINABASA MO ANG
HE'S DATING HIS ANGEL ☺
FantasyNang dahil sa paglabag sa batas ng Kalangitan, isang anghel ang mahuhulog sa lupa at mamumuhay ng NORMAL. WALANG ALAM SA ANO MANG BAGAY. WALANG PAMILYA. WALANG MEMORYA. Magmumukha siyang si "Eva". Upang makabalik sa langit, dapat siyang magtagumpay...