HELLOOOOOOOO!! May isang storya nanaman akong naisip. Eto, sana magustuhan niyo.
--
Andito ako ngayon sa kwarto ko at hindi ako mapakali.. Pabalik balik ako ng lakad.. Pano ko ngayon sasabihin kay mama at papa? Kay bespren?? PANO?!!
Napaupo nalang ako sa kama ko...
"HUHUHUHUHUHU..." Iyak nalang ako ng iyak.. Kailangan kong humingi ng tulong..
Teka, kanino naman? Eh kung sabihin ko na kaya kay bespren? Siya nalang muna pagsasabihan ko..
Tinawagan ko si bespren..
-Calling... Bespren-
"Hello?"
"HUHUHUHUHU.. Bess.."
"Oh, bess.. Ba't ka umiiyak?"
"B-bess.. Punta ka dito sa bahay.. M-may sasabihin ako.."
"O'sge. Wait lang, nagpapalit ako.."
"Bess, pumunta ka na ngayon.. Pag wala ka pa dito in 5 minutes, maglalaslas ako!"
"O'sige!! Papunta na kooooo!"
~End call
xxxxxx
"BEEEEEEEEEEEEEEESS!!!!" Sigaw ng bespren ko... May dala pa siyang bread knife..
"Ano baaaa! Makasigaw ka naman!!"
"Bess!! Ano? Ano? Naglaslas ka na ba? Ha?!" tarantang sagot niya. Inaalog alog niya pa ko..
"Hoy, ang OA mo naman! Naalog alog na utak ko! Tsaka, teka.. Ba't may dala kang bread knife? Ha?"
"Ehh, naninigurado lang.. Maglalaslas ka diba? Oh, eto.. Bread knife.."
Binatukan ko nga..
"Ano ka ba? Talagang gusto mong maglaslas ako no?"
"Hindi naman! Oh, sorry na.. Teka, ano ba kase yung sasabihin mo, ha? Pinamadali madali mo pa ko!"
"Ehh, kase bess... HUHUHUHU. Bess.. M-may.. HUHUHUHU.."
"Ano ba yan.. Ayusin mo nga!"
"Ehhhhhh, bess... M-may ca-cancer ako... HUHUHUHUHU..."
"A-ANO?!!"
"Bess, nakakabingi ka naman e.."
"Ay, sorry.. T-teka.. alam na ba nila tita? Nasabi mo na ba?"
"H-hindi pa.. D-di ko alam kung pano sasabihin e.."
"Eh, tutulungan kita.. Wait. Pano mo naman nalaman na may cancer ka?"
Tapos, ayun.. Kinwento ko sa kanya lahat..
"HAAAAAAAA?! Nako, bess!! Kailangan na nating sabihin kila tita yan!! Bess, sorry sa lahat ng ginawa ko.. Lahat ng kasalanan ko sayo.. Bess, patawarin mo ko.. Bess, wag mong kakalimutan lahat ng mga masasayang alaala natin ha? Lahat ng mga kalokohan natin.."
"Oo, bess.. Pero, pano natin sasabihin kila mama? Kinakabahan ako... HUHUHUHU."
Lumapit naman siya sa'kin at niyakap ako..
"HUHUHUHU.. Bess, lagi mong tatandaan, mahal na mahal kita.."
"Mahal na mahal din kita bess.. Wag mo kong kakalimutan ha? Kundi, mumultuhin kita.."
"Oo bess.. Ano, tara na sa baba? Sabihin na natin kila tita.."
Bumaba na kami..
"Ma...Pa.."
"Oh, anak? Baket umiiyak kayo? Anong nangyari? Rose, anong nangyari?" Nagtatakang sabi ni mama..
"Tita, may sasabihin po kami ni Lara..." Sabi ni Bess.. Nagkatinginan naman si Mama tsaka Papa..
"A-ano yon?" Tanong ni mama..
Tumingin naman ako kay Bess para siya na ang magsabi kay mama..
"Tita, tito... M-may cancer po si Lara.." Sabi ni Bess, sabay yumuko..
"ANO?!" Sigaw na parehas ni mama tsaka papa..
"Pano? Kelan pa?" Pagtatanong ni Papa..
Nagkwento ako sa kanila...
"HAHAHHAHAHAHHAHAHA!" Tawa nila..
Huh? Ba't sila tumatawa? Diba dapat, malungkot sila? Diba dapat, iiyak sila?
"Bess, baket sila tumatawa?" Bulong ko kay Bess..
"Ha? Ewan ko rin.."
"Ma? Ba't kayo tumatawa?"
"Ehh, kase anak, wala ka namang cancer!" Natatawang sabi ni mama..
Nagkatinginan kami ni bess..
"Ma. may cancer ako!! Ayun yung sabi sa nabasa ko.. Ang sabi dun, pag mas malaki yung kamay mo sa mukha mo, may cancer ka!"
"HAHAHAHHAHAHAHAHA!! Anak, ano ba naman yan?" Tawa pa rin ng tawa si mama.. Ba't ba ayaw nilang maniwala?
Nilagay ko yung kamay ko sa mukha ko...
"Ma, tignan mo! Mas malaki yung kamay ko sa mukha ko.. Tignan mo ma!" Sabi ko..
"Bess, oo nga.. HUHUHUHU. Bess, mahal kita, tandaan mo yan.." Umiiyak na sabi ni Rose..
Ibinaba ko na yung kamay ko..
"Oo, bess.." Sabi ko tapos nagyakapan kami..
"HAHAHAHAHHAHAAHAHAH! Anak, tigilan niyo nga yan!" Sabi ni Papa..
Napatigil naman kaming dalawa ni Rose.. At kumalas sa yakap..
"Anak, wala kang cancer.. Hindi naman totoo yung nabasa mo.. HAHAHAHHA! Walang ganun.. Sige na, umakyat na kayo sa taas.. Maglaro nalang kayo dun. Ang bata bata niyo pa, 10 years old palang kayo, tapos kung ano ano ng iniisip niyo.. Sige na, umakyat na kayo dun.." Sabi ni Papa..
END.
--
Okay, thankyou! Sana nagustuhan niyo. :)))
Salamat sa lahat ng nagbasa!