-Daniel-Weekend.
Nandito ako sa bahay. Kagagaling ko lang sa office ng tatay ko.
May bago kasing inilabas na product at nagkaroon ng meeting so i manage it.
I checked out kung sinong tao sa bahay since ngayon na lang ulit ako nagkaroon ng time makabalik dito.
I found nothing.
I went to her room. And again, i saw her crying.
"K-kuya!" Sabi niya at tumakbo palapit sa'kin.
"K-kuya, ayaw na niya sa'kin," sabi niya ng umiiyak.
Again and again. Another situation. Another stupidity things.
"Hayaan mo na kasi 'yon Dianne. Let him go, you're too young to feel like that"
"Pero kuya siya lang mahal ko. I try my best to moved on but still him. Kuya help me please?"
"Dianne marami pa d'yan, he doesn't deserve you" sabi ko sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit.
Inalalayan ko siya sa kama niya at inihiga siya.
Si Dianne. She's sixteen years old, i'm older than her.
Palagi ko siyang nakikitang umiiyak dahil sa isang gagong lalaki. Gabi-gabi na lang ganito siya.
Maganda ang kapatid ko, maraming suitors pero ni isa wala siyang in-entertain dahil do'n pa rin ang atensyon niya sa gago niyang ex.
Iniwan siya ng walang dahilan.
Galit na galit ako dahil sa isang walang kwentang lalaki nagkakaganito ang kapatid ko.
Bukod sa mommy ko, siya lang ang pinapahalagahan kong babae.
Hiwalay ang mommy at daddy ko. Wala namang time ang daddy ko para sa kapatid ko dahil masyado siyang nakatuon sa trabaho.
Tanging yaya lang ang nag-aalaga kay Dianne.
Si mommy? Nandoon siya sa ibang bansa, nagsarili. Pero tumatawag naman siya paminsan-minsan.
Hindi ko alam kung bakit sila naghiwalay. Hindi na ako nag-atubiling tanungin pa dahil alam kong wala naman balak ipaalam sa'kin 'yon ng tatay ko. Hindi ako galit sa mama ko, hindi ko naman alam at walang dahilan para magalit. Hanggang ngayon kasi hanggang communication lang kami.
Nag-aalala nanaman ako sa kapatid ko. Kapag talaga nakita ko 'yang gagong ex niya na 'yon, i will kill him.
She's now sleeping. I kissed her forehead.
Makapagpalamig nga muna.
---
I went to VB bar.
Dito ako palagi napunta tuwing stress ako.
Stress sa school, stress sa work sa kompanya ng tatay ko and the worst, stress dahil nakikita ko yung kapatid ko na nahihirapan.
Nakakagago isipin ang lahat. Ang sarap sumapak.
Naiinis rin ako sa kapatid ko dahil hindi ko alam kung ano bang nakita niya sa lalaking 'yon. Is he has a portion? Bakit siya mahal na mahal ng kapatid ko? Tss.
I ordered one shot of vodka.
"Here it is sir!" Sabi nung bartender.
Bigla akong may naalala. Dito sa bar na 'to ko siya nakita at dito ko rin nalaman na babae siya.
Si Kurt Valdez.
Hindi ko alam kung Kurt ba talaga ang name niya dahil nga babae siya.
Nang umamin siya sa'kin i was so shocked.
