Natalya

15 2 2
                                    

(Natalya)

Sa isang malawak na hardin kung saan ay naghahabulan kami ng aking kasintahan na si Harris.

"Natalya, huli ka. Haha hindi ka makakatakas sakin ngayon." Sabi niya at niyakap ako ng napaka higpit.

"Sayo lang naman ako mahal, kaya kahit makatakas ako sayo ngayon ay babalik pa din ako sayo." Tapos ay humarap ako sa kanya at niyakap siya pabalik.

"Mabuti na ang malinaw mahal." Nakangiti niyang sambit.

(Harris)

Matapos ang araw na iyon na kasama ko si Natalya. Hindi ko alam na iyon na din pala ang huli sapagkat ipinadala ako ng mga kinilala kong magulang sa malayong lugar ng hindi man lang ako nakapag-paalam kay Natalya at sa mismong araw ng pag-alis ko ay ang araw na may ipinagkasundong lalaki kay Natalya at hindi ako yun.


(Natalya)

Araw na ng aking kasal ngunit hindi ako masaya. Pinilit kong mahalin ang lalaking ipinagkasundo sakin dahil yung ang usapan namin ni Papa pero hindi ko talaga kaya si Harris, siya talaga ang mahal ko.


Si Harris na hindi ko na alam kung asan siya. Sa oras ng kasal ay pumunta ako sa lugar kung saan kami huling nagkita ni Harris pero laking gulat ko ng nanduon siya, ang lalaking mahal ko.

Nakaupo lang siya sa ilalim ng puno. Nilapitan ko siya at nakita ko sa napakakisig niyang mukha ang pagkagulat. "Natalya? Anong ginagawa mo dito, hindi ba't araw ng kasal mo ngayon?"

Nginitian ko siya. "Masama bang makita muna ang lalaking mahal ko?" Hahawakan ko na sana ang mukha niya ng iiwas niya ito.

"Kaya ka nga ikakasal na dahil ayaw sakin ng magulang mo. Ayaw ng magulang mo ang relasyon na meron tayo. At ito ang paraan nila para maputol iyon." Matapos niyang sabihin yan ay may tumulong luha sa kanyang mga mata.

"Mahal alam mo namang ikaw lang ang gusto. Ipaglalaban kita sa kanila, sana ganun ka din." Ngumiti at tumango naman siya sakin. "Mahal, kaya mo namang sundin lahat ng sasabihin ko diba?"

"Oo naman mahal." Tapos ay inalalayan niya ko umupo katabi niya.


Ang ganda ng senaryong meron kami ngunit akala ko ay magtatagal kami sa sitwasyong ito ngunit hindi, biglang dumating ang papa at ang lalaking ipinagkasundo sa akin, si Alexander.

Nang makita kami ni Papa ay hindi na siya nagdalawang isip na ilabas ang baril niya at itutok ito kay Harris ng kinalabit niya na ang gatilyo ay agad kong itinulak si Harris, kapakit nuon ay ang pagtama ng bala sa akin, nang matumba ako ay agad naman akong nasalo ni Harris. "Tumakbo ka na. Umalis ka na. Pakiusap."


"Hindi kita iiwan dito." Pagmamatigas niya.

"Diba sabi mo sakin susundin mo lahat ng sasabihin ko."

"Oo pero..." hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya. "Umalis ka na." Sigaw ko sa kanya.

Tumayo naman siya pero bago siya umalis ay hinalikan niya muna ang noo ko at tumakbo na. "Paalam mahal."

Pagkalayo ni Harris ay ang paglapit naman ni Alexander at papa sa akin. "Natalya, anak bakit mo ginawa yun?" Umiiyak siya ng sambitin niya iyon. "Dahil mahal ko siya." Sagot ko naman.

"Dalhin na natin siya sa ospital Alexander." Sigaw ni papa at binuhat na ko ni Alexander.

"Prinsesa, hindi mo na ba talaga ko maalala." Sambit ni Alexander bago ako mawalan ng malay.

Nadala nila ko sa ospital at ng naging maayos ako ay napagpasyahan ni papa na ituloy ang kasal at lumayo sa lugar kung asan si Harris. Wala akong magawa dahil buo na ang desisyon ni Papa.

(Harris)

Dito sa punong to nakatatak ang pagmamahal ko kay Natalya at hanggang dito na lang. "Paalam na mahal."

Matapos kong mabalitaan na natuloy ang kasal ni Natalya kay Alexander at lumayo sila ay araw-araw na akong napunta kung nasan ang punong may nakatatak, dito ko na rin iiwan ang pagmamahal na meron ako kay Natalya. "Excuse me, palagi kasi akong napapadaan dito at palagi kitang nakikita. Anong drama mo diyan?" Lapit sakin ng isang babae na hindi ko naman kilala.

Nginitian niya ko. "Ria Cartner." Sabay abot niya sakin ng kamay niya akmang aabutin ko na yun ng...

"Hoy, Harris gumising ka na. Ang sarap ng tulog mo ha?" Gising sakin ng isang pamilyar na boses.

Bumangon naman agad ako. "Hay nako naman kuya, abala ka." Matapos kong sabihin yan ay lumabas na siya ng kwarto ko.

Tsk. Abala, pero panaginip? Bakit ang sakit? Hay nako ang drama ko na.

Pero yung Ria, bakit parang totoo siya. Sino yun?

-END-

Natalya (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon