Andito ako sa bahay magisa, just like what Zed said, huwag ako umalis basta basta.Natakam ako doon sa patalastas sa TV doon sa selecta mango graham cake ice cream, ang init kaya ng panahon at tyaka dalawang araw na ako dito sa bahay, gusto kong kumain ng ice cream gusto ko rin ng Blizzard ng Dairy Queen sabi ng katrabaho ko dati ay masarap daw iyon, lalo na iyong brownie batter blizzard.
I can't help it, naligo ako at nagbihis pupunta ako sa mall tutal naman ay mamamalengke na rin naman ako dahil kakaunti na ang stock ng groceries
Kinuha ko iyong wallet ko at tiningnan ang laman, kakaunti na ang ipon ko, hindi ako kumukuha ng pera kay Zed, ayoko ng umaasa ako sa kanya, lahat ng ginagastos ko ay galing sa ipon ko, kakaunti na lang ito,
I take a cab, mayroon namang kotse sa bahay pero hindi ako marunong mag drive at hindi rin ako sanay na naka kotse pag may pupuntahan.
Pagkababa ko ay dumiretso agad ako sa supermarket,
Orange juice ang iniinom ni Zed tuwing umaga, he's a big eater too, gusto nya rin iyong daing na bangus na boneless tapos ay hindi buo ang araw nya kapag hindi sya nakakain ng marshmallows, kaya tuwing gabi ay umiinon sya ng swiss miss na may marshmallows. Minsan ay ginagawan ko sya ng S'mores. Bumili rin ako ng mga gulay. Mahilig si Zed sa gulay pabirito nya iyong pinakbet, Tapos hindi sya kumakain ng kare kare dahil ayaw nya sa lasa noon, pero paborito ko iyon, nakakamiss ang kare kare. Hindi na ako bumili noong selecta kasi mas gusto ko kumain ng blizzard ng Dairy Queen
Kumuha lang ako ng groceries na alam kong kakasya sa budget ko, pagkatapos kong mamili ay pumunta na ako sa stall ng Dairy queen dito sa mall.
Large agad iyong inorder ko brownie Batter ang flavor, the first spoon was heaven, ang sarap nito, parang mapapadalas ata ako dito pero kung aaraw arawin ko naman ay magkukulang ang ipon ko. Habang nakaupo ako ay tiningnan ko iyong restaurant na katapat ng dairy queen, it's a fine dining restaurant, palagi ko iyong nakikita at nadadaanan pero di pa ako nakakain doon, ano kaya ang lasa ng mga pagkain? Gabi na gutom na rin ako
Habang nagiisip ako ay nakita ko si Zed papasok ng restaurant kasama si Stephanie. Siguro ay mag didinner sila. Nagkekwentuhan sila, kitang kita ko kung paano tumawa si Zed sa mga kwento ni Stephanie, they really love each other, magkahawak pa ang mga kamay nila, and Zed's smile bothered me, hindi sya mahilig ngumiti, mas gwapo sya kapag nakangiti sya, buti pa si Stephanie, nakikita nya si Zed na masaya. Kelan kaya ako magiging katulad ni Stephanie? When will Zed smile at me?
Naiiyak na ako kakaisip, kaya minabuti kong umuwi na lang, gabi na rin, hindi na lang ako magluluto, nakapag dinner naman na si Zed kasama si Stephanie.
Napatawa ako sa sarili ko, I sounded bitter. Pero kasi hindi ko mapigilan.
"Manong sa Mountain Heights Village po" sabi ko sa taxi driver
Nang makababa ako ay inayos ko ang mga pinamili ko, ang bigay bigat nang pakiramdam ko, alam kong may iba siyang mahal pero bakit mas masakit kapag nakita mo ang taong mahal mo na masaya kasama ang iba at alam mong hindi mo kayang pasayahin siya ngkatulad ng ginagawa ng iba. Masakit sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Pero ayokong umiyak,
Napaksakit lang na maramdaman na kahit ibinigigay ko na ang lahat lahat nang sa akin, kahit katiting na importansya ay wala akong makuha mula sa kanya. Pilitin ko mang huwag umiyak ay hibdi ko mapigilan. Napakasakit pala talagang magmahal lalo na kapag ikaw lang ang nagmamahal.
Buong buhay ko lahat ng tao ay iniiwan ako, mula sa tatay ko, ni hindi ko man lamang sya nakita, basta't ang sabi ni nanay ay itinakwil niya kami, ang nanay ko iniwan ako magisa simula bata pa lamang ako, sya lang ang tanging kakampi ko sa buhay, sya ang nakakaintindi sa akin nang lubos ngunit para atang may galit sa akin ang dyos dahil kinuha sya mula sa akin. Nung alukin ako nang kasal ni Zed, alam ko na ang dahilan, sobrang saya ko kasi sa wakas ay may nangangailangan sa akin, alam kong kailangan nya ako. I felt important sa mga oras na iyon. I really do. Napakasaya, pero sa mga nakikita ko ngayon, talagang kailangan lang nya talaga ako, sa mga oras na iyon, at nang makuha na nya ang gusto nya ay nabaliwala nanaman ako, naiwan nanaman ako mag isa. Ito na lang ba ang tanging role ko sa buhay, ang maiwan magisa? Ako yung tipo nang tao na importante ka kapag kailangan ka, pagkatapos ay wala na. Kahit sa mga kaibigan ko ay ganoon din ang pakiramdam ko. Kapag sila ay may mga problema ako ang takbuhan nila, tapos kapag okay na sila, they never notice me, wala rin sila kapag ako naman ang may kailangan.
BINABASA MO ANG
Why me?
General FictionSa una pa lang alam na ni Iris Selene na hindi sya mahal ni Montecon. Pero kahit na alam nyang may dahilan kung bakit siya inayang magpakasal nito ay pumayag pa rin sya, ngunit ang tanging nasa isipan lamang nya ay ang mga tanong na "Bakit ako?"