Chapter One: INSTANT ADMIRER

2 1 0
                                    


Hindi ko alam kong kelan sya nagsimula ang alam ko lang nung April 8 Friday yun at sahod namin, papunta ako sa boarding house ni Ate Julieh nun para sabay na kami kumuha ng sahod, tapos habang naglalakad ako papunta dun, nakasalubong ko pinsan ko, kasama ko din sya sa trabaho kaya nga lang pasaway kaya ayun natanggal. :D Naalala ko pa nga magkasama kaming umuwi nun iniwan namin si Marjie yung isang kasama ko pa. Straight duty na kasi kaming dalawa nun tsaka wala man lang ni isang P.A ang nag abalang pumasok kaya ayun di na kinaya ng powers namin at umuwi na kami. At dahil dun natanggal siya kasi yun nga iniwan namin yung kahera ng walang P.A :D ^_^ Buti di ako natanggal nun, siya lang BWAHAHHAAHAHHA aw? ang sama ko na ba? huhu SORNA AGAD! :3 Peace tayo insan :P ^_^(V)

P.A (Pump Attendant) Let's back to nagkasalubong kaming dalawa.

Siya: " Uy insan may admirer ka pala ah! Yung bagong P.A ..."

Ako: " Huh? Wala nga kong kilala kahit isa sa kanila ey -__- sino daw? .." tanong ko .. iniisip ko kung sino yung tinutukoy nya .. Hmm baka yung bagong trainee nung nakaraang araw, humihingi kasi yun ng number ko, baka yun :3

Siya: " nkipag appear pa nga siya sakin ey, sabi nya boyfriend mo na daw siya, pinakilala pa nga ni Carlo sakin e..." Luh? anong boyfriend !! Takteng yan ..

Ako: " Luh, pakidescribe nga, medyo chubby ba? tas parang kamuka ni 4085 pero mas gwapo pa din si 4085 ^_^ ... Ano ba itsura nya?? " I'm reffering dun sa bagong P.A na nanghihingi sakin ng # ..

Siya: " Hnd!! Para siyang gangster , medyo gangster .." paglilinaw nya.. a..ano DAW??? gangster?? Teka may P.A ba kaming mukang gangster?? :3 wala akong naaalala..Hmm bago nga dba? haaayss ewan :/ nakakabobo.

Ako: " Gangster talaga? wala namn akong napapansin na parang gangster dun ah -_- buti kapa kilala mo, ako hnd :3"

Siya: " Me silver nga na kwentas ey, basta yun yun..makikita mo din mamaya yun .. Anong shift kba?"

Ako: " 2nd .." may silver daw na kwentas tapos parang gangster??? ay ewan, di bale na nga lang .. pero parang naeexcite ata akong makita yung lalaking yun ah..admirer na agad, hnd ko pa nga ata nakikita yung mukha niya :3 baka stalker ko yun hahahhaah xD bahala siya sa buhay nya kasi may 2085 na ako ^_^ ..

Siya: "Iniisip mo talaga kung sino ah .." ngingiting sabi nya .. nang aasar ata to ey -_-

Ako: " Hnd a! si Jervin lang iniisip ko :3 ..." siya lang naman talaga iniisip ko ey hihihi Jervin aka 2085..

Siya: "Wee??"

Ako: "Oo nga!! .. Ge insan mauna nako sayo, kukuha pa kami sahod ni Te Juls ey .. Babye!!! ^_^ .." Paalam ko sa kanya at dumiretso nako sa BHouse .. :)


Hindi parin mawala wala sa isip ko yung sinasabing GANGSTER WANNA BA na sinasabi ng pinsan ko .. Parang gusto ko na siyang makita agad at masapak ng matauhan siya sa mga pinagsasabi nyang BOYFRIEND ko na daw siya :/ LOL nya , nagpapatawa ba siya? Haays ewan :3

AT Bhouse .. with Ate Julieh

Ako: "Ate may bago na naman ba tayong P.A?" tanong ko habang nakaharap sa salamin, nagpapaganda kasi ey hihi inspired much? well, thanks to you 2085 hahahha :D asa pa more!!

Siya: "Oo beh, yung emmanuel ata ey. Yun kasi yung di ko pa nakikita , bakit beh?"

Ako: " Ah nakita ko na yun ey, ano kasi ate .. Me sinabi sakin si Reymart kanina ( yung pinsan ko ) , may gusto daw sakin yung isang P.A dun , mukha dawng gangster -__- may napansin kana bang mukhang gangster dun sa mga bago? wala kasi akong napansin ey .. ano yun GANGSTER WANNA BE?? hhahhahah :D ..." naman kasi ey, naccurious lang ang lola nyo.. Kayo ba naman magkaroon ng INSTANT ADMIRER na hnd nyo kilala malamang admirer ey . Pero yung iba kasi nagpapakilala dba? Baka pabebe lang ahahahhaha xD

Siya: " Wala din akong napansin beh ey.. makikita mo nman yun mamaya hihi .." aw? shoganeerrn guys?? tss :3 okays :/


Pagkatapos namin kumuha ng sahod dumiretso na'ko sa Uni Oil , 2pm pa yung in ko pero 12 palang andito na ako , wahhaha xD hnd halatang excited no? hahahha excited much??

Pagkadating ko dun, una kong nakita sa Emmanuel, kaso wala namn syang silver na kwentas, tsaka hnd nman siya mukhang gangster -___-

Wala pa din akong napapansin hanggang sa nagsalita ang isang asungot, si Carlo .. P.A din siya yun nga lang hnd kami ganun ka close, ayoko kasi sa kanya as in siya lang yung P.A na hnd ko kaCLOSE! Tas ngayon biglang nagsasalita, biglang kakausapin ako :3

Siya: "Uy Riza ! May gustong magpakilala sayo .. AYIEEE!" luh? friends ba tayo?? LOL!

Ako: "Close tayo?" sabi ko with blank space sa mukha ahahhaha :D

Siya: "Luh.! ganyan kana sakin Riza ah!! porket maraming bago di mo na ako pinapansin .." luh? muka nito! hnd nga kami close ey -__- yung totoo ???

Ako: "Tumigil ka nga! .." nakakunot noo kong sabi sa kanya at pinanlakihan ko siya ng mata ahahha :D WACKY FACE MODE .. kasi nman ey ! hahahah :D

Siya: "Luh..Sge ganyan ka namn ey -_- porket ..."

Ako: "Tumahimik ka nga!!" parang baliw to -___- tss! hnd ko pa nga nakikilala yung admirer ko ey :3 mukhang wala nman ata .. wala nmang mukhang gangster dito :/ mga gagangsterin meron ahahhaha :D LOL ...


Okay fine.. wala na talaga :3 pinagloloko ata ako ng pinsan ko .. kutusan ko yun e !!


Natapos na din yung shift ko pero hnd ko pa rin nakikita yung secret crush kong si 2085.. Si 4085 lang yung nakita ko, pinsan ni 4085..Hnd sila P.A , conductor sila ng bus ..
Nakalimutan ko nga pa lang sabihin na nasa Gasoline Station ako nagttrabaho, ako yung manager, ako yung taga pag ganun ganyan at sympre joke lang hahhaha cashier lang ako, pero sympre mahal ko yung trabaho ko ^_^ ..

Si 2085 secret crush ko kasi wala masyadong nakakaalam, si 4085 nman siya yung first crush ko simula pa nung trainee ako, TAKE NOTE 1st day ko pa ng training crush ko na siya..Pero hanggang ngayon di nya pa rin alam..Siya lang yung hnd nakakaalam kasi alam lahat ng mga kasama ko na crush ko siya hihihi ^_^ kami kami lang ang nakakaalam, hnd namin siya friend kaya di nmin sasabihin sa kanya hihihi ... ^^ ssshhh .. wag kayo maingay ah? baka masira pangarap ko aahhahah joke lang.. Dala dalawa crush ey parang mauubusan hahaha :D #CavinJello Carlo tsaka Jervin ^_^ Carlo(4085) .. infairness kapangalan nya si asungot xD pero mas gwapo si 4085 ^_^ .. sympre crush ko ey .. Pero si Jervin hnd ko pa alam, MAHAL ko na ata ahahaha LOLs ko tlaga .. Sorna!


We'll yun na nga, hnd ko nakita si Jervin (2085) .. Hnd na din sya nagttxt , hiningi nya pa # ko hnd rin nman pala na magttxt -_- kakatampo lang kasi .. Pagkatapos namin magdate ganto nlang mangyayari?? pagkatapos nya kong sunduin sa Sm hnd na nya ko papansinin? pagkatapos nyang sabihin na MAHAL KITA parang wala nalang? ano yan? PAASA lang ang peg ganon? LOL wag ako pre .. -__-

Pero kahit ganun, di ko pa rin maintindihan ang nararamdaman ko, isang araw ko lang nman syang nakasama pero ba't ganto na nararamdaman ko? napaka AMMPP >.< !! HAaay naku .. bahala na :3

Natapos ang araw ko na to na sobrang EPIC talaga .. As in Hashtag #EPICDAY! .. Hnd ko na nga nakita si 2085, di ko pa nakita si GANGSTER WANNA BE tsk!! my INSTANT ADMIRER -__- Daw KUNO!









Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lawrence BagnesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon