Kastilyo

272 0 0
                                    

Ako ngayon ay nasa tapat nang inyong pintuan
Lumabas ka na sa iyong durungawan
Makinig ng mabuti, pag-ibig sayo'y aking pagsisigawan
Papamukha natin sa kanila na tayo'y nagmamahalan
Pagmamahalang seryoso, hindi biruan

Pero ako'y pilit na pinapalayo ng hari at reyna
Hindi raw ako bagay sayo dahil hindi ako marangya
Hindi karapat dapat sa prinsesang magara
Sa kastilyo'y ikay kinulong at tuluyang hindi nakita

Ilang araw, buwan at taon akong naghintay
Iniisip kung ang pagibig mo'y nanatiling tapat at tunay
Habang nakakulong sa kwarto at sa kama'y nakahimlay
Kaya ko pa bang maghintay sa babae ng aking buhay

Ilang araw ang nagdaan, at ang loob ay nilaksan
Bumalik sa inyo at ika'y muling haranahan
Pero bakit ganoon ang aking nadatnan
Ika'y may kahawakan at kumikinang na ang palasinsingan

Hindi pala talaga ako ang para sa iyo
Sadyang pinaranas lang sa iyo para ako'y matuto
Ikaw na pala ang Reyna at at siya na ang Hari ng palasiyo
Ako? Isang tao na nahulog at nagmamahal sa iyo hanggang sa dulo

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Poems - Tula (Tagalog & English)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon