Chapter 6
Micah's POV
Ang lakas padin ng kabog ng dibdib ko hanggang ngayon, imagine that ? Ilang araw na bago nangyari yun -- yung sa sinehan, yung lalaking niyakap ko bakit parang feeling ko si Yandss my loves yun ? Magka-amoy kase sila ng pabango at saka kay Yandss lang tumitibok ng ganito ang puso ko ^.^ Okay Micah, enough masyado ka ng OA sa mga sinasabi mo. Pero si Dagger, naalala ko umamin siya sakin na gusto niya ko. KYAAAAAAH ! OMG .. ang gwapo niya nung time na yun, naguluhan na tuloy ako >.< ..
"Micaaaahhh ! Ano ba ? Hindi ka pa ba mag aayos diyan huh ?" here comes my mother, my mother Althea.
"Eto na." mabilis akong tumayo at kinuha ang gamit ko.
May camping kami ngayon, mga white dormer, dalawang gabi kami doon, just for the activity of team building. Kailangan daw kase yun para sa isang business, since nasa isang business school kami kaya kailangan nun. Hmm, by the way kahit na ano pa man yun ay go na go ako, siyempre makakasama ko si Yandss my lovess ! Pwede kayang magsama kami sa iisang tent ? KYAAAHH ! Dalawang gabi kami nandoon, ang saya nun diba ? Tapos kapag nasa tent na kami magtatapat ako sa kanya, magtatapat din siya sakin, hahalikan niya ko, hahalikan ko din siya , tapos gagawin namin yung.... Okay, enough kung saan saan na napupunta yung imagination ko. Pero excited na talaga ako sa camping na to ^.^
"Ano ? hindi ka pa ba tapos diyan huh ?" nagagalit na naman si Althea =__= bakit ba lagi siyang highblood.
"Eto na nga kase, teka lang." mabilisan kong inayos ang mga gamit ko.
Nilapitan niya ako at kinuha yung bag sa kamay ko.
"Ano ka ba naman, hindi ganito ang tamang pag aayos, tupiin mo naman para ka lang magtatapon ng basura sa ginagawa mo. Aish !" I told you, nanay ko siya.
Pinanood ko siya mag ayos ng damit ko, pati mga brassiere at underwear ko inayos niya, ang galing niya magtiklop. Wife material.
"Althea, ang swerte ng mapapangasawa mo." sabi ko habang nakaupo at pinapanood lang siya.
"Ano bang asawa pinagsasabi mo diyan ? Nag aaral palang tayo no."
"Pero 4th year ka na, ilang buwan nalang din gagraduate ka na, so pag nakagraduate ka na at nakapagtrabaho pwede ka na mag asawa diba ?" ngiti ko sa kanya.
"Hindi ganun kadali yun no, mahirap ang buhay Micah hindi dapat minamadali ang pag aasawa." bakit ba napaka mature niya mag isip ? Alam kong mahirap ang buhay pero hindi naman siya naghihirap ah ?
"Tss.. Ganyan ka naman lagi, kaya hindi ka nagkakaboyfriend eh. Uhhmm alam ko na, gusto mo maghanap ako ng makaka date mo huh ?" bigla naman siya napatigil at namula sa sinabi ko.
"Sus ! Wag na no." pinagpatuloy niya ulit ang pagtitiklop niya.
"Kunyari ka pa, sige na ihahanap kita ng makakadate .. uhm sino ba ang pwede ? Ahh si Dex yung taga red dorm, gwapo yun."
"Bakla daw yun."
"Waaah ! talaga ? hindi nga ? ang gwapo pa naman nun." sayang naman.
"Oo no ! May nakakita sa kanya may kahalikang kapwa lalaki."
"Eew .. So gross, uhmm teka --" nag isip pa ko ng pwede .. AHA ! "..eh si Zidge ? Yung taga black dorm, yung varsity player ?" mas gwapo yun.
"Babaero yun no ! Hindi mo ba alam na linggo linggo siya nagpapalit ng girlfriend niya ?" bakit ba lahat alam niya ?
"Ehh ganun ba ? Aish wala na kong ibang kilala .. Aahhh alam ko na si Bullet ? Si Bullet Acker ! Alam ko wala siyang girlfriend at sobrang bait niya, sobran----" bigla niya nalang nahampas yung kama.
BINABASA MO ANG
Chasing Apple
Hài hướcI don't attach weigh to love. I f*cking really don't But ... Once Upon A Time IT TURN THE OTHER WAY AROUND....