Offer

410 21 1
                                    

Joyce's POV

Di ko kaya makitang sobrang nasasaktan yung kaibigan ko because of their break up. I know na break ups are hard to deal with. The fact that someone you really truly love ended your relationship because of some shit nakakabaliw lang.

" bro what do i need to do to lessen your hurt? Di kasi ako sanay na ganyan ka eh. You know just forget it. Forget that girl try to take her off your mind. " sabi ko sa kanya

One week na siyang depressed. Ang tahimik na niya di siya kumakain ng maayos di na rin siya lumalabas ng room niya. Plus the fact na wala yung parents niya dito.

" tss wala to bro. Ok lang ako" sabi niya sabay hawak sa may bridge ng nose niya.

Ha! Ako pa sasabihan niyang ok ah! Ok ba yung tawag sa taong di na halos natutulog at kumakain? 

" wow. Look who's talking. Stop it nga! Look Darren shes gone! Wala na siya. Don't punish yourself because shes gone. probably shes enjoying life right now while you are suffering badly ! seriously Ren you need to forget her. Come on " sabi ko sa kanya. Nakaka awa na kasi siya eh.

" akala mo madali gawin pero hindi. Sinasabi mo yan kasi di mo pa naman naranasan yung ganito eh. " sagot ni saakin.

I sighed.

" I have a offer for you." Sabi ko straightly looking on his eyes.

I have to take the risk para lang sumaya ulit si Darren. I need to make a move.

" Date me " straight kong sabi.

Nakita ko naman yung pagka gulat niya sa sinabi ko. But after that tumawa nalang siya.

" anong trip mo? Tss stop it Joyce" sabi niya saakin tsaka humiga sa kama niya.

" I'm serious here. Date me until you forget her. Just do it Darren. " sabi ko

Umiling naman siya ng paulit ulit habang nakapikit.

" I can't do that Joyce. Kaibigan kita hibdi ko magagawa yun. Ano? Lalabas na rebound lang kita? " sabi naman niya

Umupo ako sa tabi niya " I don't care Darren just do it. Just date me. Para di ka mag mukmuk dito na parang preso" inis na sabi ko sa  kanya. Ang hirap naman pilitin neto ako na nga ang gumagawa ng paraan tapos siya aarte arte pa.

" tapos? Anong kapalit?" Tanong niya.

Tinaasan ko siya ng kilay

" ofcourse ilibre moko kada date natin. Atleast once a week lalabas tayo then dadalhin moko sa EK " masaya kong sabi.

Natawa naman siya at umupo ulit sa kama niya sinandal naman niya yung ulo niya sa balikat ko . Sus nagpapalambing to eh.

" malamang ililibre kita, ako lalaki eh sus tingin mo sakin?" Sabi niya tsaka kinurot yung ilong ko.

" so pumapayag ka na niyan. Ok bukas date tayo ha. Sunduin kita 10 am " nakangiti kong sabi sa kanya

" oh? Pumayag na ba ako? Feeling mo bro!" Sagot niya tsaka sinundot tagiliran ko

" wag mong sabihing hindi . Swerte mo nga eh ang ganda ng nag aaya sayo ng date tapos tatanggihan mo pa! Choosy ka rin eh no!" Marahan ko siyang itinulak

" tss bakit ikaw susundo sino ba lalaki satin? " nakataas na kilay niyang tanong saakin

I smiled " see, di mo rin ako matiis eh. Sige na bro alis na ako i need to rest may date pa naman ako bukas " sabi ko sabay belat sa kanya.

" dapat lang ang gwapo ng ka date mo bukas eh " biro niya

" feeling!" Sigaw ko sabay lakad papuntang pinto.

Darren Espanto // one • shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon