Wala akong nahanap na video niyang "Dyosa" na sa bahay ginawa kaya pagbigyan niyo na :)
1.
***
Kanina pa humahanap ng tamang lugar si Claudine para sa kaniyang ginagawang video. Kahit pa naka make-up na siya at nakaoutfit ay hindi pa rin siya makuntento dahil walang liwanag na tumatama sa kanya sa loob ng sala. Madilim ang pagkakakuha niya naman kaya panay ang delete niya. Umakyat siya sa kanilang terrace at mukhang doon niya nakuha ang tamang lugar para gawin ang kanyang naiisip.
"Oohhh ako'y pinagpala, natagpuan ko na ang hinahanap kong dalaga
Siya ang dyosa, dyosa, dyosa ng buhay ko... dyosa, dyosa, dyosa ng buhay ko"
Nakakaisang take pa lang si Claudine pero nang panoorin niya ito ay na-satisfied na siya sa kanyang ginawang video. Uso kasi ngayon ang musical.ly. Isang application iyon sa iphone o kaya naman sa android phones na kung saan pwede kang mag-video lip sync at i-action ang mga lyrics ng kanta.
In-upload niya iyon sa kanyang fb at instagram. Medyo natagalan pa si Claudine sa pag-upload ng kanyang video dahil hindi makasagap ng maayos ng wifi ang kanyang cellphone. Nasa ibaba kasi ng bahay nila ang wifi connection at nasa kwarto pa iyon ng kanyang ina na si Aling Mirasol. Matapos ang 30 minutes na paghihintay niya ay natapos rin ang kanyang pag-a-upload.
Bumaba na siya ulit ng kanilang bahay at nagtungo sa sala. Kumuha siya ng panyo at ipinahid niya sa kanyang mukha. Mainit kasi sa kanilang terrace Mabuti na lang ay bihasa na si Claudine sa paggawa ng musical.ly kaya hindi agad nalusaw ang make up sa kanyang mukha kanina.
"Magwalis ka naman diyan, Claudine... Hindi 'yung puro pagse-cellphone ang inaatupag mo." Utos sa kanya ng kanyang ina na si Mirasol. Kasalukuyan itong nagluluto para sa kanilang pananghalian..
Hindi ito pinansin ni Claudine. Panay lang kanyang kalikot sa kanyang hawak na cellphone. Natutuwa kasi si Claudine dahil wala pa man sampung minuto nang i-upload niya ang kanyang video ay dinagsa na ito ng mga likes at comments mula sa ibat-iba niyang tiga-hanga.
Sa dami ng nagko-comments sa kanya ay hindi na niya magawang reply-yan ang mga ito isa-isa. Sa katunayan ay hindi na nga rin siya makapag-add ng mga bagong friend request dahil puno na ang kanyang account. Hindi na nga niya magawang i-add ang mga close friend kung kaya't pinag-iisipan niya kung gagawa siya ng bagong account at gagawin niya itong private.
"Sabi ko Claudine mag-walis ka!" ang kanyang mama Mirasol ulit ang nagsalita. Lumapit na ito sa kanyang pwesto at saka marahang hinambas ang walis sa binti ni Claudine.
"Arayy ko naman mama! Sandali lang..."
"Kanina pa ko nagsabing magwalis ka. Kakasandali mo, wala namang nangyari... Jusko talagang bata ka!"
Hindi naman iyon pinansin ni Claudine at relax na relax pa rin siya sa kanyang pagkakaupo. Itinaas niya pa ang kanyang paa sa maliit na lamesang naroon. Pasimple niyang tiningnan ang kanyang ina na kasalukuyan nang nagwawalis sa sala. Hindi niya maiwasang hindi mapangiti ng bahagya. Sa isip-isip ni Claudine, panay ang utos ng kanyang ina pero sa huli ay ito rin pala ang gagawa.
Muli itinuon ni Claudine ang kanyang mata sa hawak niyang cellphone. Lumabas na ang signal na "Low Battery" kung kaya't kinakailangan na niya itong i-charge. Saglit siyang tumayo at kinuha sa ibabaw ng drawer ang kanyang charger. Isinaksak niya ang kanyang cellphone at habang naka-charge ay patuloy lang siya sa paggamit.
BINABASA MO ANG
Closer When We're Young
Mystery / ThrillerPosible kayang magmahal ng isang tao na kahit kailan ay hindi mo pa nakita? Si Claudine, na "Queen of Musical.ly" sa kanilang campus, ay nagmahal ng isang lalaking sa social media lamang niya nakilala. Sa dami ng nanliligaw at umaaligid sa kanya ay...