Irish's Point of View
"Irish! May gustong makipag-usap sayo. Bumaba ka muna dito!", narinig ko ang sigaw ni Manang sa ibaba.
Dali-dali naman akong bumaba. Nung bigla kong nilagpasan yung kwarto ni Kurt, napalingon ako dun at nakita ko siya na nasa kama habang hawak yung phone niya na nakunot noo.
Heh! Wala na akong pake dun.
Bumaba na ako at nakita ko si Manang na may hawak na telepono. Inilahad niya yung telepono sa akin at agad ko naman iyun kinuha.
"Hello?", panimula ko.
"Hello Irish. Ummm. Pwedeng makipagkita?", nanlaki yung mga mata ko nung narinig ko yung boses na yun. "Si DM 'to. Gusto ko sanang makipag-usap sayo"
Kahit boses pa lang ang narinig ko, parang natatakot na ako. Nagflashback yung mga scenes na binugbog ako ng tropa ni DM.
"B-Bakit?", nagningningning kong tanong sa kanya. Hinigpitan ko lalo yung pagkapit ko sa telepono habang lunok ako ng lunok sa kaba at takot.
"Gusto sana naming magpaumanhin sayo at magsorry ng personalan. Please", sincere na boses na sabi ni DM sa telepono. Biglang nanghina yung mga tuhod ko sa relief.
Hay salamat, akala ko pa man. "Oh sige. Asan tayo magkita?", masigla kong tanong sa kanya. Sana maging kaibigan na kami pagkatapos nito.
"Sa isang coffee shop sa tapat ng SM Mall. Naghihintay na kami sayo dito.", masigla naman niyang sagot sa akin. Napangiti naman ako. I hope wala ng aaway sa akin nito.
"Okay. I'll be there in 20 minutes", sabi sabay baba na sa tawag.
Agad naman akong tumakbo patungo sa kwarto namin para magbihis. Habang kumukuha ako ng damit ko sa isang karton, lumapit si Mae sa akin. "Ate parang nagmamadali ka ah?"
"Tumawag sa akin si DM. Gusto sana niyang magpaumanhin sa ginawa niya sa akin noon. Kailangan ko siyang kausapin din." nagmamadali naman akong kumuha ng mga damit ko at dumeretso sa CR at nagbihis.
"Sure ka ba dyan ate? Hindi ba yan trap?", narinig kong tanong ni Fall habang nagbibihis ako.
"Hindi yun trap. Sabi niya na gusto daw niyang magsorry kaya pagbigyan. Hindi ko kasi gustong may magagalit sa akin o may lihim na galit sa akin", sabi ko nung nakalabas na. Nakita ko naman na nag-exhange ng tingin yung kambal tsaka tumingin sa akin.
"Sige, punta na ako", paalam ko sa kanila. Tumango naman ang dalawa as response at bumaba na agad ako. Habang naglalakad ako sa sala, nasalubong ko si Manang.
"Oh Irish? Aalis ka? Hindi na ba masakit yang mga paa mo?", ani Manang. Tumango naman ako at ngumiti sa kanya. Nagpatuloy na ako sa paglakad patungo sa labas ng gate at nagpara na ng taxi.
BINABASA MO ANG
My Fangirl: My Maid
Teen Fiction(Kurt Phillip Espiritu Fanfiction) Irish Brillantes ay isang fangirl ni Kurt Phillip Espiritu na nag-apply bilang isang maid. Hindi man alam ni Irish kung sino ang babantayan niya. But who knows? It's her number one bias. Naging magulo yung buhay ni...