Ang Simula

37 3 0
                                    

Noong unang panahon may isang mabuting wizard ang nagbalik sa mundo ng mga tao, para maghanap ng mga taong may kakayahan na mamuno at makipaglaban. Laban sa mga masasamang diablo na gustong sakupin ang mundo ng Earth at Persia. Sa paglalakbay ng wizard, nakahanap siya ng mga  taong may busilak na kalooban, at kakayahan na isinulat ng propesya. Subalit ang kanyang nakita ay mga bata pa lamang. Ilang taon muna ang kanyang hihintayin bago niya mapapayag na sumama ang mga iyon sa kanya, sa mundo ng Persia. Sa taglay nilang murang edad, nakikitahan na ng wizard ang mga bata na magiging malakas sila na mandirigma, balang araw. Ang mga batang kanyang nakikilala ay sina Dia, Lydia, Michael, Dhenver at Johnmark na pawang anak lamang sila ng magsasaka.


Kaya naman muling bumalik sa mundo nila ang wizard. Ang tinutukoy kong wizard ay si Haring Malakas. Masayang ibinalita nito ang kanyang nasagap na impormasyon, sa kanyang mga nasasakupan.


"Ako'y nagbalik rito, para ibalita sa ninyo natagpuan ko na ang magtatanggol sa 'tin. Laban sa mga gustong sumakop sa mundo natin at sa mundo nila," wika ni Haring Malakas sa mga kasamaan nito, "subalit sila'y mga bata pa lamang. Sa pagtungtong nila pareho ng bente anyos, ako'y magbabalik sa mundo ng mga tao. Para ipaalam sa kanila na sila ang magiging magiting na mandirigma, at magiging bayani sa mundo nila at sa 'tin."


"Pero mahal na hari! Ilang taon pa ang ating hihintayin bago sila lumaki. Baka nga patay na tayo no'n, dahil masasakop na tayo ng mga kalaban. Bakit ba hindi na lang tayo maghanap ng mga taong bente anyos na? Bakit kailangan pa natin hintayin iyong mga bata na lumaki?" wika ng isang matandang lalaki, na mahaba ang balbas at may hawak na makapangyarihan na tungkod. Na siyang tawagin ay 'Mayang' o mga huling mandirigma.


"Tama si Magiluz, mahal na hari! Tama ang kapatid ko. Maghanap na lamang tayo ng bente anyos na. Pareho na tayong mga matatanda baka nga wala na tayo kapag lumaki na sila." Pagsang-ayon pa ng isang matandang lalaki si Angeluz.


"Magiluz at Angeluz, hindi natin maaaring suwayin ang nakasulat sa propesya! Kapag wala na tayo, p'wede naman iba ang maghanap sa mga batang iyon para mailigtas ang mundo natin. Nandito naman ang anak kong si Prinsipe Adrian, kapag nasa bente anyos na rin ang anak ko. Puwede siyang pumunta sa mundo ng mga tao para hanapin ang mga batang nakatakda." Saad pa ni Haring Malakas.


Habang nag-uusap sila kung papaano nila matatalo ang hukbo ng mga kalaban. Bigla na lang bumukas ang pinto ng kaharian, at kasabay no'n ang pagpasok ng isang kawal na kung saan ay mayhawak itong espada, at hinang-hinang lumakad dahil na rin sa tumutulong dugo sa katawan nito.


"M-mahal na hari... pasensya na po kung nadisturbo ko iyong pag-uusap ninyo." Pautal-utal at halatang hinang-hinang pakiwari ng kawal.


"Anong nangyari sa 'yo!" Pag-alala ng hari.


"M-mahal na hari... nilulusob na po tayo! Nasira nila iyong nakabalot na mahika sa kaharian natin kaya sila nakapasok."


"Ano!" Gulat na pakiwari ng hari, "Ikaw Lady Monster! Itakas mo ang anak ko, ilayo mo siya rito! Hindi siya puwedeng mamatay isa siya sa mga magtatanggol sa mundo natin. At kayong lahat maghanda para laban na ito!"


"Sige po, mahal na hari." Wika pa ng isang babae, saka nito kinuha ang sanggol na si Prinsipe Adrian kung saan mahimbing itong natutulog sa kuna na malapit sa hari. Nang kargo na ang sanggol mabilis niyang ginamit ang kanyang mahikang teleportasyon, upang tuluyan  silang makalayo at makatakas sa malaking digmaan na mangyayari.


"Harapin ang mga kalaban!" utos ng hari, saka kanya-kanya silang naglabasan ng mga sandata at lumabas sa  kaharian para makipaglaban sa mga mananakop.


Sa labas ng kaharian, maraming dugo ang dumanas sa kalupaan. Maraming mga hukbo ang namatay sa bawat panig. Subalit hindi pa rin sumusuko ang hari ng mananakop na si Haring Devinsiya, gustong-gusto pa rin niya makuha ang kaharian ni Haring Malakas pati na rin ang kapangyarihan nito.


"Itigil muna ito Haring Devinsiya!" wika ni Haring Malakas nang makita niya itong uupo sana sa trono niya, dahilan ay unti-unti itong humarap sa kanya nang nakangiti.


"Mahal kong kapatid! Na-miss kita bunso, na-miss mo rin ba ang kuya mo? Bwahahaha."

"Itigil muna ito! Ano ba ang gusto mo?"

"Gusto ko? Simple lang, itong kaharian mo." 

"Pero may kaharian ka rin naman 'di ba? Bakit kailangan mo pa itong sakupin, bakit? Hindi na kita kilala! Hindi na ikaw iyong pinakamamahal kong kapatid!"


"Bwahahaha pinakamamahal na kapatid? Bakit minahal niyo ba ako? Pati mga magulang natin, ikaw lang ang mahal! Itinakwil niyo nga ako 'di ba? Itinapon niyo ako sa mundo ng kadiliman pero kalimutan na natin iyon, dahil ang mahalaga. Nandito ako para bawiin ko ang para sa 'kin." Ani Haring Demonyito.


"Dahil ninakaw mo ang kayamanan ng Persia. Ninakaw mo ang ilan sa mga makapangyarihang elemento!" giit pa ni Haring Malakas, "Hindi mo iyon magagawa! Patayin mo muna ako, bago mo maagaw ang kaharian ko! Ang kaharian namin!" dagdag pa nito. Hanggang sa unti-unting nagkaroon ng bolang apoy sa mga palad niya. Saka niya ito itinapon sa kapatid, subalit mabilis nawala si Haring Demonyito na kanyang ikinagulat.


"Bwahahaha!" napalingon bigla si Haring Malakas nang marinig niya sa likuran ang malakas na tawa ng kapatid, subalit bigla ulit itong naglaho, "Itigil muna ito!" 


"Titigil lang ako kapag napatay na kita!" saad ni Haring Demonyito, saka niya sinuntok ng malakas ang hari ng Persia dahilan upang sumampak ito sa pader, at may konting mga dugo sa labi nito, "Isang suntok lang lumipad ka na agad. Ang hina naman pala ng hari rito! Hindi ka nababagay maging hari lalo na ang pangalan mo! Bwahahaha."


"Magdasal ka nang mataimtim, dahil ito na ang kamatayan mo!" mabilis  nagkaroon ng isang espadang gawa sa apoy sa mga palad nang hari ng kadiliman. At mabilis itong ginamit sa kapatid na sanhi ng pagkamatay nito. Kaya naman, nakuha nito ang kaharian pero ang dating mapayapa ay naging isang miserable, lalo bago na ang pamamalakad dito. Hanggang sa lumipas ang mga taon ay mas lalong lumala ang mundo ng Persia.


"Hanggang ngayon hindi niyo pa nahahanap ang anak ng kapatid ko, anong silbi ninyo!" galit na pakiwari  ni Haring Devinsiya, "Wala kayong silbi!" hanggang sa ginamit ng hari ang kanyang mahika upang patayin ang mga kawal na hindi nagtagumpay sa kanilang mga misyon. Gano'n na ang patakaran, huwag ka nang bumalik kapag hindi ka nagtagumpay sa ibinigay nitong misyon dahil siguradong mamamatay ka.


"Itapon iyang mga basura na iyan!" utos ulit ng hari, para itapon ang mga bangkay. Kaya naman mabilis nila itong sinunod. Hanggang sa tuluyan silang naglaho.



Abangan...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 19, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MANDIRIGMA (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon