Chapter 6: We meet

0 0 0
                                    

2 days later.......

  Mag-isa labi, hinde pa rin pumapasok si Ree. Hinde niya pa alam kong kailan siya papasok ulit. Hinde makayanan ng sikmura niya na pumasok nalang habang si daddy niya hinde pa gumigising, lalo na at under comatose na. Bumisita ako kahapon lang sa hospital. Nakita ko si Ree, magbabantay mugto ang mga mata. Naiyak nga ako sa kalagayan niya ngayon eh.

  Parang bumalik ako sa nakaraan. Alam ko pakiramdam ni Ree, nangyari na yon sakin noong si daddy mismo ang nakaratay sa hospital bed. I'm dying for him to live just like Ree's wanted to.
Iyak lang siya ng iyak kagaya ng ginawa ko noon kay daddy. May bunsong kapatid pa si Ree, 7 years old palang yon at nangyari na to sa kanila. Napaka bata pa niya para pagdaanin to.

  But I'm just hoping and praying na sana maging ok ang lahat.

Dederetso muna ako ng canteen, bibili lang ng favorite kong chocolate na chocofudge. Pampagana lang mamaya bago ako dederetso sa music room para mag-insayo. Ngayon mismo ang simula para mag-isayo  sa darating na kompetesyon. Kasama ko sana ngayon si Ree,kaso wala eh, kinausap na rin ako ng mentor namin na si miss Karen. Ok lang daw kong mag-isa lang ako, wala naman daw kaming magagawa. Kaya gagawin ko nalang to para sa kanya.






  Sinabihan rin naman ako ni Ree na hinde na siya muna sasali sa kompetesyon, aayaw rin sana ako sa kompetesyon pero hinde pumayag si Ree tsaka si miss Karen. Kaya ito, nanlulumo pa rin hanggang ngayon, ito yong ibang pagkakataon na isasalang ako sa isang kompetesyon na ako lang mag-isa. Waaaaa, ewan ko lang kong kaya ko pa yon! Sana nga.







  Bumili agad ako ng Choco fudge pagkapasok ko sa canteen, palagi talaga akong bumibili nito pag stress ako, malungkot, galit ako, lalong-lalo na kong mag-iinsayo ako sa pagpiano. Ito kasi yong paborito namin ni Sophie , parehong-pareho talaga kami. Siya kasi yong nagbigay sakin ng Choco fudge noong mga bata pa kami habang tinuturuan niya kami ni Ree magpiano pero si Ree ayaw niya nang chocolate ewan ko ba don ayaw niyang tumaba daw siya, bata-bata pa ang arte. Pagkatapos non, hinahanap-hanap ko na agad ang chocolate na to. Ganon din si sophie kagaya ko, pag stress, malungkot, galit at magpapiano ito agad kinakain naming dalawa.


Aalis na sana ako pagkaabot ng tindera sakin ng choco fudge ng makita ko si Brent sa gilid ko.
Nang-init na naman ang tenga't pisngi ko dahil sa kanya. May kong ano namang bakulaw ang nagwawala sa tiyan ko. Ang gwapo niya talaga sa malapitan. Brent bakit ang lakas ng tama mo sakin? Anong klaseng baril ang ginamit mo? Bakit tinamaan ako sayo ng ganito?




Napaiwas naman agad ako ng tingin ng napansin niyang tinitingnan ko siya. Ayan ka na naman Tonie, may girlfriend na yong tao, wala kanang pag-asa! Umalis kana dito!


   Nang nakalabas na ako ng canteen , nakahinga naman ako ng maluwag. Whooooo! Ayan, tama yan Tonie, pigilan mo ang sarili mo tuwing makikita mo siya!


" Hi Tonie" - ito na naman siya. Kukulitin niya naman ako. Pero may dapat pala akong isuli sa kanya. Kaya kinuha ko muna sa bag ko ang dapat kong isuli sa kanya. Inabot ko kaagad yon sa kanya ng makuha ko yon.



" Salamat nga pala para dito, nalabhan ko na yan. Malinis na." Kinuha niya naman sakin non at ngumiti muna bago niya ilagay sa bulsa niya.



" Hmmm, wala yon, kailangan mo rin naman to. Pero mukhang ok ka naman ngayon, buti naman at ok kana, wag kasing mag-isip ng malalim kong ayaw mong makapa---- aray ko naman!" - hinampas ko siya sa braso niya. Ipapaalala niya lang ang nangyaring epic sakin.



Mistake Of OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon