Regrets

74 9 1
                                    

Masaya tayong magkasama. Nangako sa isa't isa na anumang pagsubok na dumating di tayo maglalayo. Pangakong hanggang sa pagtanda nandidiyan ka sa aking tabi at di mo iiwan. Sasabayan mo pa ng kantang magpapatulog sa akin. Minsan pa, inakala mong tulog na ako, kaya niyakap mo ako ng mahigpit at bumulong sa aking tenga na mahal na mahal kita. Tuwang tuwa ako nun, kaya hanggang sa pagtulog ko, dala dala hanggang sa panaginip. Tanda ko pa, noong mga panahong kinailangan ko ng masasandalan, hindi mo ako hinayaang mag isa. Ayaw mo akong nakikitang umiiyak, kaya yayakapin mo ako para lang sa damit mo maipunas ang luha ko.
Lumipas ang mga araw, marami na ang nag bago. Palagi na tayong nagtatalo at nag aaway. Pinapangunahan mo lahat ng bagay. Sinasabi mo na hindi na kita kailangan at may mahal na akong iba, kahit hindi naman totoo , dahil ikaw lang ang mahal ko. Ipagtutulakan mo pa ako sa iba, kahit nasasaktan kana. Ginagawa mo padin. Hindi ko maintindihan kung bakit ka nagkakaganyan. Hindi ko man masabi sayo na mahal kita, lahat naman naipaparamdam ko. Umabot sa point na pagud na pagod na ako at ayoko na. Nandyan ka pa din at naghintay. Naayos ang lahat sa atin. Sa oras na iyon, hinawakan mo ang kamay ko at sinabing di mo ako makakalimutan, habang tumutulo ang luha mo at bigla mo nalang akong niyakap. May gusto kang sabihin sakin, pero iniyak mo nalang sa akin. Gusto kong sabihin na mahal din kita kaso, may kung anong pumipigil sa akin. Hanggang sa sabay na tayong nakatulog.
Ang saya ng umaga ko na kasama kita, Ang cute mo pala kapag tulog ka. Kaya niyakap kita at bumulong ako sa tenga mo na mahal din kita. Ngayon ko lang nasabi sayo. At ngayon ko lang nagawang yakapin ka. Sa pagyakap ko, alam kong may mali. Hindi ko maramdaman yung paghinga mo kaya kinutuban ako. Hinawakan ko ang kamay mo at tila malamig na ito. May nakapa akong hawak hawak mong papel. Binasa ko ang mga nakasulat dito.

" Ito ang pinaka masayang araw sa akin, dahil nakasama kita sa huling buhay ko. Salamat kahit hindi mo nasabing mahal mo ako, ramdam ko sa puso ko na mahal mo din ako. Nung nalaman kong maysakit ako at may taning na pala ang buhay ko, wala akong ibang inisip kundi ikaw na mahal ko. Ito ang mga panahong pinanghihinaan na ako ng loob, kaya napapangunahan kita sa lahat ng bagay, dahil ayaw kong mawala ka sa tabi ko. Pinagdududahan kita dahil natatakot akong maiwan mag-isa at ipagpalit sa iba. Hindi ko na sinabi sayo ang mga bagay na ito, dahil gusto kong makapagdesisyon ka ng tama at di mo ako mahalin ng dahil lang sa awa. Mahal na mahal kita! Ngayon ay malaya ka na. "

Umiiyak at di ko mapigilan ang luha ko. Bago ko pa man masabi ang mga bagay na gusto kong sabihin sayo, huli na pala ang lahat. Iniwan mo na ako. Hindi ko man lang nasabi na mahal kita at nayakap nung panahong nandyan kapa. Yuon na pala ang huling beses nating magkasama. Kung maibabalik ko lang. Hindi na aalis pa sa tabi mo. Ang sakit palang mawalan ng pinakamahalagang tao sa buhay ko. Mga araw na hindi ko kinakaya dahil mahal kita. Ngayong wala kana, tsaka ko nakita yung pagmamahal mong totoo. Ngayong wala kana, may pagsisising hindi ko nasabi sayo. Ang mahal kita.

Bigla akong nagising sa panaginip na iyon. Habang nakangiti at pinupunasan mo ang mga luha ko. Habang tulog pala ako, nasabi ko na sayo na mahal kita. - The end....

This Is Our StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon