GOODMORNING.. yung feeling na pagkamulat palang ng mata ko ikaw na ang nakita ko. Napangiti naman ako syempre kaya sabi ko GOODMORNING DIN.Tapos halata naman sayo na masayang masaya ka. Tinanong mo ako kung bitin pa ba ang tulog ko kasi aalis na sana tayo. Ang sabi ko naman AYY HINDI OKAY NA AKO MAGBIBIHIS LANG AKO TAPOS ALIS NA TAYO HA. pagkatapos kong sabihin nun nagayos na ako, after a minute lumabas na tayo ng kwarto. Pagkalabas natin ay nagpaalam tayo sa kuya mo at syempre nagpasalamat na din. Kinailangan nating sumakay ng tricycle papunta sa may kanto nyo. Sa kanto pagkababa natin napagdesisyunan natin na maglakad nalang. Habang naglalakad nagulat ako kasi bigla mong hinawakan ang kamay ko sabay sa paglalakad, napatingin ako at hinigpitan ko din ang hawak ng kamay ko sa kamay mo, habang naglalakad tayo napansin ko naman na halos lahat ng madadaanan natin kakilala ka. Yung una natin nadaanan tinanong kung sino kasama mo at sinagot mo naman sila sabi mo GIRLFRIEND KO HO. sabay lakad. Hahaha nakakakilig that time! Mga ilang minuto naman ayy nagsalita ka HINDI PADIN AKO MAKAPANIWALA. Sabi ko naman HINDI KA PA BA NANINIWALA NITO? Sabay taas ng kamay ko na nakahawak sa kanya. Nung nasa tapat na tayo ng bahay nyo binilisan natin ang lakad papunta kila ate sabi mo DALIAN NATIN MANGINGILAG MUNA TAYO SA BAHAY BAKA MABATO NG INAY. ako naman no comment basta kasama kita kahit saan. Hahaha. At ayun nakarating na nga tayo sa bahay ni ate. Pagkadating natin dun nakita ko na agad si ate at agad kong pinuntahan sya. Kaso parang nagtatampo sya. Ang sabi nya sakin e nagantay daw pala sya satin kaya nag sorry ako ng todo todo kay ate ikaw kasi di mo pinatext sakin at dahil naintindihan naman ni ate kaya napatawad na nya ako. Dun ako matutulog kila ate ikaw naman sa bahay nyo. Nung mag gagabihan na dumating ka sa bahay ni ate ng nakamotor dala yung pang ulam na binili mo sa castillo. At the best part is pinagluto mo ako ng beef steak, hahaha! Matalsik yon kasi mamantika pinagmamasdan kita habang nagluluto ang i find it sweet hahaha! Napakasaya talaga ng mga panahon na yon. Matapos ang pakikipag espadahan mo sa mantika finally naluto nadin. Pagkatapos nun kumain na tayo, ilang oras palang bago tayo natapos nagpaalam ka na sakin sinabi mo sakin na MATULOG KA NA HA. UUWI NA AKO. sabi ko naman OO SIGE KAYA KO NA SALAMAT HA. sabi mo NO PROBLEM. Sabi ko naman SIGE MAGINGAT KA HA BUKAS NALANG ULIT. sabi mo OPO BYE NA ILOVEYOU. Sumagot naman ako ng ILOVEYOUTOO. Habang nagaayos kami ni ate ng tutulugan kinekwento ka nya sakin. Inaasar ka daw dahil sa binigay kong kwintas. Sabi ko GRABE BAKIT NAMAN PANGET BA? sabi ni ate HINDI NILOLOKO LANG SYA NG MGA PINSAN NAMIN. sabi ko AH KALA KO NAMAN PANGET. tapos biglang natawa si ate at sinabi nya na ALAM MO BA SABI NG PINSAN KO SA KANILA? sabi ko ANO NAMAN? sabi ni ate SABI NYA NAIINGIT LANG KAYO BAKIT KAYO BA NABIGYAN NA BA KAYO NG GANITO? WALA PA! sabay tawa mo daw. Habang sinasabi naman ni ate yon napapatawa lang ako. Parang gusto sana kitang makita ulit pero dahil di ko naman alam bahay nyo kaya wala akong magawa. Di naman kami agad natulog ni ate kinwento ko ang mga nangyari bago kami makarating dito. Sinabi ko na sinagot na kita kasi desperas ng pasko kaya mas magiging maganda ang pagpasok ng pasko saming dalawa, pagkatapos namin magkwentuhan nakatulog na ako siguro sobrang pagod na din hindi naman kasi ako sanay na makapunta ng malayo pero masasabi ko na naging makabuluhan naman anh bawat araw na nagkasama at magkakasama pa tayo di na ako makapaghintay na magumaga na kasi bukod sa magkikita tayo ay pasko pa, para sa akin ikaw ang best gift ni santa that time.
BINABASA MO ANG
My Love Story ❤️
De TodoI just want to share my feelings by making this thing ✌️ sana magustuhan nyo first time ko tong gagawin. Hahaha. Medyo kinikilig pa nga ako habang ginagawa ko to! Kapag nagustuhan nyo THANKYOU pag hindi THANKYOU padin Basta this is it!