Pasko Together.

10 0 0
                                    

December 25, 2013 .. Maaga kaming nagising ni ate para magluto ng almusal which is pancit canton. Bumili sya ng apat na pancit canton na kalamansi at niluto na ito. Pagkatapos naming kumain ay dumating ka na babagong gising lang. Tinanong kita kung nagalmusal ka na sinagot mo naman ako agad ng OO TAPOS NA PO. tapos sabi ko EDI AYOS. After nun nagkwentuhan tayo ng kung ano ano. Pagtapos nun niyaya mo ako na pumunta sa kubo kung saan andun yung iba mong pinsan para ipakilala ako. Habang papalabas tayo sumabay si ate satin sinabihan mo pala si ate ba mauna na kami at may pupuntahan ka lang pagtapos nun umalis ka na. Kinuha muna ni ate ang cellphone nya na nakacharge sa kwarto bago kami umalis. Pagkakuha nya ay umalis na kami sa isang bahay naman ay tinuro sakin ni ate ang iyong inay na may hawak na bata nginitian ko lang naman mula sa malayo ito ilang hakbang pa e ang tatay mo naman ang nakita namin at nagbless ako dito. Ang tatay mo naman ay no comment maliban sa pagtango nya sa akin sa kubo naman maraming tao tapos nagsasayawan sila nakita na kitang andun nasa kubo na. Dali dali naman kami sa paglalaka papunta sa inyo. Sa kubo nagpapatugtog lang kayo tapos yung iba nagsasayaw sayaw. Naging masaya naman ako sa panonood ko sa kanila. Maya maya ay dumating angkapatid mong babae. Pinakilala ako ni ate sa kanya sabi nya SI (pangalan ko) GIRLFRIEND NG IYONG KUYA!
Ako naman tumingin ako sa kanya at ngumiti. Kaso pagkatingin ko ay para syang nahihiya at sabay umalis na. Maya maya ay tinanong mo na ako kung gutom na ako at kung ano ang gusto kong ulamin? Sabi ko naman KAHIT ANO OKAY LANG SAKIN tapos sabi mo TARA MAGMOTOR TAYO BILI TAYO NG PANGULAM NATIN. Ako naman excited syempre kasama ko sya diba? Sa castillo yun yung nagsisilbi nilang bilihan ng kung ano ano like pang ulam, bigas, etc. moving on. Andun na nga tayo sa part na namimili na tayo tinanong mo ako kung ano ang gusto kong ulamin sabi ko naman HMM, FAVORITE KO ADOBO? KAYA MO BA YON? sabi mo naman OO NAMAN YUN LANG.!? PWES MATITIKMAN MO ANG ADOBO NA PUNO NG PAGMAMAHAL. Oh diba? Yung lalaking pasimpleng banat? Sya talaga yon e. Matapos natin bumili umalis na agad tayo para maluto mo na agad ang adobo. Tinuro mo sakin ang bahay nyo. Tinignan ko lang at tumango sayo sabay sabi mo ALAM MO BA IKAW LANG ANG BABAENG NADALA KO DITO AT IPINAKILALA SA BUONG PAMILYA KO. Nagulat ako that time di ko naman akalain na masasabi mo yun diba? I really didn't expect. Matagal bago ako nakasagot kasi nga nagloloading pa ako sa pagkakilig ko sa bawat salitang sinabi mo. Maya maya sabi ko SUS MANIWALA NAMAN AKO SAYO. Sabay tawa sabi mo KUNG AYAW MONG MANIWALA WAG KANG MANIWALA! Pagkatapos mong sabihin yon di natin namalayan na nasa tapat na tayo ng bahay ni ate kaya bumaba na ako tapos bigla mo akong tinanong kung gusto kong pumunta sa bahay nyo? Sabi ko naman OO NAMAN SYEMPRE. PARA MAS MAKILALA KO ANG PAMILYA MO. Sabi mo naman TALAGA? ALAM MO BA NA SINABI KO SA SARILI KO NA ANG KAUNA UNAHANG BABAENG DADALHIN KO SA BAHAY AY ANG BABAENG GUSTO KO OR PAPAKASALAN KO? That time mas nagulat ako as in di ako nakapagsalita naisip ko na kapag ba nagkataon na makapunta ako maaaring ako na ang the one na ihaharap mo sa altar? Ang OA ko that time at sobrang tulala ako kaya di ko namalayan na sa aking paglalakad nauntog ako sa isang kawayan malapit kila ate. Natauhan nalang ako nung nakita kita kita palapit sakin at sinabi mong OH. OKAY KA LANG KALA KO KASUNOD LANG KITA sabi ko OO SORRY TARA NA PASOK NA TAYO. habang nagluluto ka di ko maiwasang mapatingin sayo kasi seryosong seryoso ka sa ginagawa mo. At habang pinapanood ka di ko namalayang nakaidlip na pala ako sa sofa nila ate. Maya maya narealize ko na parang may nararamdaman akong hangin sa mukha ko unti unti kong binuksan ang mata ko at nagulat ako kasi nakatitig ka sakin. Sabi ko BAKIT? Sabi mo WALA TINITIGNAN LANG KITA TAPOS NA AKONG MAGLUTO KUMAIN KA NA AALIS MUNA AKO AT MAY GAGAWIN AKO SA BAHAY PWEDE BA? Sabi ko SURE! Sabay tayo ko sa kinahihigaan ko sabi mo naman OKAY SIGE KAIN KA MADAMI HA ILOVEYOU. Sabi ko naman sige ILOVEYOU TOO. INGAT KA HA. Palabas ka na ng pinto pero bigla kang bumalik at sinabing MABILIS LANG TO BIBILISAN KO PARA DI NATIN MAMIS ANG ISAT - ISA pagtapos nun umalis ka na ng tuluyan ako naman naiwan sa upuan ng tulala dahil sa makalaglag panty mong sinasabi at dahil dun tinawag ko na si ate para kumain at syempre dahil masarap ang nagluto at yung boyfriend ko pa kumain talaga ako ng marami.

My Love Story ❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon