Hindi ko lubos akalain na dalawang buwan na ang nakalipas, sabik na talaga akong malaman kung ano ang tinatago ni Fairel sa akin, hindi ko alam pero laging sumasagi sa isip ko kung may malala ba siyang sakit?
Leukemia?
Lahat na ng simptomas ng leukemia ay pinakita ni Fairel nang walang kaalam alam, hindi naman ako mangmang para balewalain ang mga ito. She had frequent cases of puking with blood, heavy menstruation, nosebleeding, she is anemic, easily bruised, matagal maghilom ang sugat o pasa sa kanyang katawan, and all that.
Sinabi rin ni Tito Heraya noon na ang kapatid ng mama ni Fairel na yumaong asawa niya ay namatay dahil sa leukemia, what if that sickness is hereditary? Damn.
She is indeed hiding something from me and I am tried of acting blind for two goddamn months, kailangan kong malaman bilang nobyo niya ang kanyang kalusugan, hindi na ako matatahimik pa lalo't alam kong malaki ang posibilidad na leukemia talaga iyon.
Alam kong tinangka ko siyang saktan noon, pero binaon ko na ang lahat ng ito sa limot, lahat ng plano at pagkasabik na maghiganti, wala na akong nararamdaman na ganun. Simula sa gabing iyon na nakita ko na mali ako at tama si Fairel sa kanyang sinabi.
Ako na ang mismong sumisira sa sarili ko. Which is why I stopped with all my plans, I will give her the second chance she deserved, we both deserved. Pero bakit parang may mali sa desisyon ko?
Nang dumating ako sa Zeraphine Subdivision ay tinabi ko ang kotse ko sa harap ng bahay ni Fairel, lumabas na ako at saktong iyon ay bumukas ang tarangkahan ng bahay ni Reina, bumungad naman siya.
"Tornado..." Ngumiti siya ngunit hindi umabot sa mata, napatingin ako sa pulsuhan niya nang napansing may mga sugat ito na parang hiniwa niya, nang nakita niyang nakatingin ako roon ay tinago niya ang kamay niya sa kanyang likod.
I frowned, "ano ang ginagawa mo sa sarili mo?"
Lumapit ako at umurong siya, "h-ha? Namamalik mata ka lang siguro-"
Hinablot ko ang kamay niya at tinitigan ang sugat sa kanyang kamay, "were you trying to commit suicide? What the fuck, Reina? Sobrang malapit sa pulso mo ang mga sugat! You could have gotten yourself killed by your own hands!"
Nagsimula siyang umiyak saka niya binawi ang kanyang kamay, "mas mabuti na iyon kesa sa lagi kitang nakikita na pumupunta dito p-pero... hindi naman para sa akin ang pagpunta mo kundi... para kay Fairel. Saka lagi mo akong pinapatay, Tornado. Unti unti mo akong pinatay habang nakatanaw ako sa inyo ni Fairel sa bintana ng kwarto ko, iniisip na sana ako si Fairel, sana sa akin siya naglalambing, sana..."
Natigilan ako dahil sa kanyang sinabi, wala sa sarili kong pinunasan ang kanyang mga luha, tinabig naman niya ang kamay ko, "sino nga ba naman ako, di ba? Isa lang naman ako sa mga babae na naghahabol sa iyo, isa lang naman ako sa mga pinagsawaan mo, isa lang naman ako sa mga kinama mo..."
Parang kumirot bigla ang puso ko, humugot ako ng malalim na hininga, "never try to kill yourself again." Seryosong utos ko, hindi siya umimik kaya naman hinawakan ko ang kamay niya, "promise me."
Kumuyom ang kamao niya, "p-promise..."
Ngumiti ako at saka ko siya niyakap, "linisin mo ang sugat mo para hindi ma-infect, alagaan mo ang sarili mo, ha?"
Tumango siya.
Tuluyan na akong umalis at tumungo sa bahay ni Fairel, tulad ng inaasahan ko ay nasa salas siya at kasalukuyan niyang pinapanood ang dati niyang teleserye, iyon ang lagi niyang pinapanood dahil may kopya siya ng CD, nang napansin niya ang presensya ko ay agad siyang lumapit at siniilan ako ng mabilis na halik sa labi.
"You're watching your TV show, again?"
Tumango lang siya at muling bumalik sa pagkakaupo sa sopa at panonood, "may popcorn sa mesa."
"Let's talk, Fairel." Seryosong sagot ko.
"Nag-uusap na tayo."
Humarang ako sa screen ng TV at saka ko pinatay ito kasabay ng pagkawala ng ingay, si Fairel naman ay natigilan dahil sa naging aksyon ko, "I want a serious talk."
She nodded.
"Never lie." Dagdag ko.
She gulped, seems like she already have an idea what I want to talk about. Nakapako lang ako sa aking kinakatayuan habang nag-iisip kung paano sisimulan. "Are you sick?"
Nanlaki ang kanyang mga mata, "naiihi ako-"
I hissed, "stop changing the subject. Are you sick?" Seryosong tanong ko. "Leukemia ba?"
Yumuko siya at nagsimulang tumulo ang kanyang mga luha, pinunasan niya ang basang pisngi niya saka humugot ng malalim na hininga at marahang umiling, "Bleeding Disorder... hemophilia..."
Lumapit ako sa kanya at lumuhod para pantayan siya mula sa pagkakaupo sa sopa, hinaplos ko ang pisngi niya at mataman siyang tinignan, "why are you hiding it from me?"
She gulped, "I was diagnosed three months ago kaya tumigil ako sa showbiz," nanatili akong tahimik habang pinapakinggan siya, my mind was buffing and processing all of her answers, "bigla na lang dumudugo ang ilong ko noon, mabilis masugatan, mabilis manghina, at lahat lahat na. When I went to a checkup to my trusted doctor... kinuhan ako ng CBC at doon nalaman na may Bleeding Disorder ako..."
"Who else knew beside your doctor and me?"
Umiling siya, "kayong dalawa lang..."
"How threatening is your Bleeding Disorder?"
"Incurable... pero... pero the side effects can be minimized..." Bulong nito at nagsimula na naman siyang umiyak, I pulled her for a hug to comfort her, hindi ko mahanap ang tamang salita kaya yakap na lang ang binigay ko. "Kung hindi naagapan... my brain could have been damaged by the bleeding, pwede ring internal bleeding..."
Pinatahan ko na siya, hindi ako makapaniwala na may kinikimkim siyang sakit, "sorry..." Mahinang usal ko, she forced a smile and wiped her own miserable tears.
"I'm okay..."
Umiling ako, "you need treatment, Fairel."
"All I need is to be with you until my last breath." Hinalikan niya ako sa labi, her warm lips pressed against my lips felt so right, but a part of me was saying no, humugot ako ng malalim na hininga nang matapos ang halik namin, "handa akong mamatay..."
Hinawakan ko siya sa gilid ng kanyang mata at hinaplos gamit ang hintuturo, "you can't die, isipin mo ang mga magulang mo, ang mga nagmamahal sa iyo, be strong. Death is just an escape. You have to fight."
"Pero hindi na magagamot pa ang sakit ko..."
"I don't care, the effects can be minimized, right? Who knows a day will come and you will no longer have the Bleeding Disorder."
Ngumiti ng mapakla si Fairel, saktong iyon ay may tumulong dugo sa kanyang ilong, nataranta naman si Fairel nang naramdaman iyon at agad na tinungo ang banyo, ako naman ay napatitig lamang sa tinahak ni Fairel kung saan nag-iwan siya ng mga patak ng kanyang dugo sa marmol.
Agad ko siyang sinundan at nakita ko siyang naghihilamos, nang matapos iyon ay lumuhod siya sa sahig at nagsimulang umiyak.
I went closer and hugged her, the sight of a broken angel pained me, she buried her face against my chest and cried, hinaplos ko ang kanyang likod habang abala siya sa paghagulgol. Wala man lang akong magawa. I'm so fucking useless.
"You will receive treatment, okay?"
She nodded...
"Be strong, Fairel."
***