Everybody deserves to love and be loved. Yung iba nga lang, nasosobrahan sa mga nagmamahal kaya sa huli, nahihirapan silang mamili.
While others, ayaw pumasok sa isang relasyon dahil takot masaktan. Maybe sa past relationship nya, nasaktan na at na-trauma. Kaya ayaw nang mag mahal ulit.
Yung iba naman ayaw talaga. Pero hindi mo mararanasan ang pinaka masayang bahagi ng buhay. Ang
Magmahal. Hindi magiging excitimg ang iyong pagiging tao kung di mo ito mararanasan.Pero wag naman tayong mag madali. The right person will come in the right time. Sit back and relax. Wag mainggit sa mga tao sa paligid mo. Wait for your turn.
By the way, I'm Alexandria Santos. But you can call me Alex for short. I'm 16 years old. 1st year College student. Business Ad nga pala course ko para happy! ^_^
Friday ngayon. Free day namin. So, laundry day ko naman ngayon. Habang naglalaba, nag ffb ako. Washing machine naman eh. haha!
Ka-chat ko kasi yung ex ko. 3 years na kaming wala pero last 3 months lang nawala yung feelings ko for him. Friends naman na kami ngayon.
And I'm totally over him! :)
Hindi naman kasi kami naging bitter sa isa't isa eh. Ay, siguro ako bitter pero hindi sakanya. Sa ibang tao. Haha!
Naalala ko tuloy nung nag gagala kami ng mga kaibigan ko. May nakita kaming mag bf-gf, ang sweet nila. Pero bigla ko nalang sinabi na "Sus! Magbebreak din kayo." pero syempre yung tone na hindi nila maririnig. Ayoko kayang mapa away! haha :D
Pero itong mga friends ko, sabay sabay na tumingin sakin with their poker faces and then I say "Why?" with matching tawa pa. Konti lang. haha :D
*chat pop up*
Jake: Oi. Anu na? Buhay ka pa ba? Haha!
Ay, kachat ko pa nga pala to.
Me: Yup. Haha! Sorry. Edi masaya! Congrats!
Jake: Sus! If I know nagseselos ka lang kaya ang tagal mong mag reply. Hahahaha
Me: Ay? Grabe! Ang feeler mo! Di no! xP hahaha
Jake: Hahaha. Joke lang eh. Basta sa kasal namin punta ka ha?
Me: Agad agad? Excited! Hahaha! Pero sige pupunta ako. hahaha!
Jake: Oo ah! dadating din tayo jan. hahaha! osige pala. bye na. Ingat ka ha?
Me: Sige. Ingat ka din. Magpaka bait ka na. God Bless You! :)
Jake: You too. :)
* Jake Harry Chua has signed out *
Nag out na din ako at sinampay ko na yung mga damit with matching soundtrip pa.
Now Playing: Before I let you go
Medjo maemote yung radio eh. haha
Sa kalagitnaan ng masayang pag sasampay ko, biglang may tumawag. Unregistered number.
Sinagot ko naman.
(Hello? Sino po sila?)
(ALEEEEXX!! SI NICOLE TO!! I'M BACK! HAHAHA)
grabe! konti nalang mababato ko na tong phone ko! Ang lakas ng boses nyaaaa! >//<
(Oh! Ikaw pala? Wala na bang itataas yang boses mo? Hindi pa ko nabingi eh.)
(Eto naman hindi na nasanay sakin. Namiss lang kita bes ih. hahaha! Kita naman tayo.)
(Sige. gusto ko yan! haha!)
(Ay! Tamang tama! May chika ako sayo at may ipapakilala ako sayo. Hihihi)(Sino nanaman yan?)
(Basta mamaya 7pm sa ayala ha? Buhbye bes!)
(Teka...)
Ang galing ng bestfriend ko! Binabaan ako. Pero kahit ganyan yan mahal ko yan!
Teka, Sino nanaman nga pala yung papakilala nya sakin? Boyfriend nya kaya? Pero ang bilis naman nya ata magpalit ngayon?
Every mid year kasi nagpapalit yan pero hindi nya naman sinasadya. Maganda kasi si Nicole kaya lapitin ng lalaki. Friendly din kasi kaya yung mga nagiging bf nya, seloso. ayun. nagbebreak sila. Mapride din kasi si Nicole eh. Teka. Iba nga pala yung friendly sa flirt ha? Hahaha!
Natatakot na tuloy ako sa papakilala nya. Mamaya yung katulad nanaman ng dati. May pinakilala kasi yang boyfriend nya tas nagkagusto sakin. Syempre di ko inentertain no! Sa kaibigan ko yun eh. Pero di nya kami natinag ni bessy. Super Best friend kaya kami! Haha! Until one day nalaman ni bes na hindi lang pala sya ang girlfriend nung bf nya. Chick boy pala.
Kaya si bes? Ayun. Super mega ultra cry ang lola mo sakin.
Hanggang sa nawala at ngayon lang bumalik kaya nga hindi din naka save number nya sakin eh.
1 month din syang nagliwaliw.
Ganyan yan palagi kaya sanay na ko.
Pinaka matagal na nya yung 3months.
Mayaman kasi yan kaya Go lang ng Go! haha :D
Natapos na kong mag sampay at nag pahinga ng konti at nanood ng tv.
After nung pinapanood ko, nag ayos na ko. May date nga pala kami ni Bes.
I put some light make up on. Pants and blouse lang then doll shoes. Di naman ako fashionista. Simple lang para hindi ganong pansinin and clip nga pala for my bangs. haha.
Paalis na ko. Nilock ko na yung pinto kasi wala naman sila daddy eh.
Paglabas ko ng gate namin...
Bakit nandito to?
BINABASA MO ANG
One of a kind ♥ (Chapter 1)
Teen FictionCan this be love? Or it is just my illusion? He's too perfect. The perfect one in my dreams. Lahat na ng gusto ko nasakanya na. He is one in a Million. Siguro hindi lahat ng tao type sya, pero ako? Gusto ko sya! I LIKE HIM SO MUCH! ♥ Hindi lahat ng...