Point Of View:
-Eyn Krishnel C. Ford-
Phone rings ..
"Hello."
"Kitty"
"Nyeeee! Corny mo naman Fierce."
"Tss. Punta ako diyan."
"N-naku! W-wala ako dito."
Hindi siya pedeng pumunta dito eh.
"Ha? San ka?"
"Edi nasa puso mo!"
Sana maniwala siya! Sana kiligin na lang siya.
"Ah. Kaya pala di ako makahinga Eyn, may basurang nakabara!"
"Anong sabi mo Fierce?! Baka sinadya ko yan para mamatay kana! Hahaha!"
"Heh! Asan ka ba? Tama na kakornihan."
Ayan na naman si sungit haha!
"Wala nga ko dito. May lakad ako!"
"Sama ko."
"All girls yun!"
"Ah ge, wag na. Bye"
-End Call-
Tapos binaba niya na. Nagalit ko ba siya?
Hindi naman kasi talaga pwede eh, pupunta kasi dito si Folex, 5 years kami nagkita and curious talaga ako kung siya ba talaga yung Folex na nang-iwan sakin, sobrang sama ng loob ko sakanya. Ewan ko nga din kung bakit pumayag akong sumama sakanya eh. Nainis naman ako sa sarili ko.
Pag sumama ako sakanya, maiinis lang ako. Masasaktan na naman ako. Pero hindi ko naman din dapat takbuhan tong ganitong sitwasyon. Gusto ko rin kasing malinawan, kung bat matapos yung mga promise niyang nalaman bigla bigla siyang aalis. Wow lang talaga.
"Babu ko!"
Tss. Speaking of the devil.
"Wag mo nga akong tawagin ng ganyan. Close ba tayo?"
"Ah ganon babu, ang arte mo na ha. Galit ka ba?"
"Obvious?"
"Wag ka na magalit! Diba babu naman kita, tapos babu mo ko. Diba sabay pa nga tayong tumatae noon."
Tapos yung muka niya parang nakaawa na hindi ko maintindihan! Nagpapacute ba to? Effective eh. Tss.
"Ewan ang baboy mo kamo! Saka bata pa tayo non!"
"Tss. Dalaga ka na nga."
"Eh ano naman sayo?"
"Wala, mas lumala ka. Mas lalo kang naging masama babu."
Tapos nag pout pa. Bwisit lang!
"Anong sabi mo?!"
"Sabi ko miss na miss kita."
Medyo nag-init naman yung muka ko sa sinabi niya. Bakit ganon? Bakit ang lakas pa rin ng epekto sakin. Hindi! Si Light ang First Love ko. Oo si Light ang First Love ko! Hindi si Folex! Puppy love lang yon! Puppy Love! At si Fierce na ang boyfriend ko ngayon, etong Folex na to? Wala lang to.
"Sa tingin mo kikiligin ako?"
Pagtataray ko sakanya.
"Hindi, gusto ko lang malaman mo yung nararamdaman ko."
"K-korni mo! Diyan ka na nga!"
Nagulat ako nung bigla niyang hawakan yung kamay ko.
"Di mo ko pedeng iwan, kasi diba sasama ka sakin ngayon?"
BINABASA MO ANG
Ako? Inlove sa gago? [Unexpected Love Revised Version]
RomantizmBakit sa lahat ng gago, sa'yo pa?