Lintek na mga Corrupt !

1.8K 27 31
                                    

Lintek na mga Corrupt !

Lintek na mga corrupt

Kayo naman talaga ay walang binatbat

Dapat sa inyo ay hampasin ng patpat

Sa mga kamay na kahit minsan ay di nagkaroon ng balat

Kayo ang totong salot sa lipunan

Tinik sa lalamunan ng karamihan

Inyong ninakawan nanahimik na kaban ng bayan

Na higit na kailangan ng mga taong nalugmok sa kahirapan

Kapag may nahuli kayo ay nagtuturuan

Gusto nyo bang putulin ko daliri ng sinoman ?

Mga bibig na nilalabas ay puro  kasinungalingan

Maawa kayo kailangan na naming ng katotohanan

Wala ba sa bokabularyo ninyo ang salitang konsensya?

Kung wala ay dapat pala kayong ibalik sa elementarya

Naturang mga edukado at edukada

Ngunit bakit ang mga ugali ay daig pa ang mga taga-iskinita

Lubos kaming nagtiwala

At ilang beses na rin ninyo itong sinira

Wala na ba talagang natitira ?

Na ang katapatan sa kanya ang nangunguna

Paano na ang mga susunod na dekada ?

Kung ngayon pa lang ang corrupt ay trending na !

Sa tingin mo ba maganda pa ang hinaharap nila?

Kung ngayon palang hustisya ay laos na

Tayo,ikaw,sila at ako !

Bakit di tayo magtulungan upang pag-asa ay matamo?

Naniniwala ako na makakabangon pa tayo

Basta burahin ang corrupt sa puso at isip mo !

Bato – bato sa langit tamaan ay wag magalit ..

Nakakaumay na po kasi ...sa araw araw yaan na ang labas sa tv ..yung totoo show ka ateh....!!

Lintek na mga Corrupt !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon