Waiting and Finding

10 0 0
                                    

09/26/13 9:11 PM Thursday

Waiting and Finding

Haiiiiiii. Sa totoo lang matagal ko na dapat pinost itong something kong to. Hahaha. Pero ngayon lang ako ginanahan ipost. Bare with me.

Physics namin noon at dahil may chuchu kami sa school, pinaggawa kami ng essay ng teacher namin regarding sa chuchu ng school. Hahahaha. Basta essay yon. At habang gumagawa ako, napansin ko yung katabi ko (lalaki yon; you know, usual boy-girl seating arrangement) na parang problemado. Yung kamay niya nakalagay sa noo niya, nakakunot yung noo at nakatingin sa papel ko pero parang tulala.

“Uuwi ako mamayang 10.” Bigla niyang sabi saken. Unconsciously tinignan ko yung clock sa itaas ng board namin and it says 9:30. Tapos I resumed writing. Then nagsalita ulit siya. “May hinahanap kasi ako eh.” After a minute, saka lang ako nagsalita.

“Ano hinahanap mo?”

“Di ko alam eh.”

Nung una, napa-WHAT ako. May hinahanap siya pero he doesn’t know? Then I asked him further questions. Pero bago ko magawa yun, he said,

“Actually, hinihintay ko to eh. Pero alam mo yun, I got bored so I decided na hanapin nalang yun.”

“Hinahanap?”

“Oo, feeling ko nga hinahanap ko sarili ko e.”

Alam niyo yung relate? Shaks relate ako eh. Alam niyo kung bakit? Kasi I’m also waiting for something or someone. I don’t know who or what. Pero alam ko sa sarili ko na hindi ko hinihintay na malaman kung sino ako, yung sarili ko. Srsly. And I’ve been feeling this ever since I’m a Sophomore high or Junior high yata… Look at me now; I’m on my Senior high na kaya! Medyo nakakagago kasi I’m waiting for something/someone na hindi ko alam ng sobrang tagal.

Dahil relate ako sa sinabi niya, kinuwento ko yung akin. Na I’m waiting and everyday, alam ko sa sarili ko I’m preparing myself until the day na dumating na yung hinihintay ko. Alam niyo yun, I’m preparing kasi baka masaktan or whatever ako sa kung ano or sino man yon. Alam ko kasi may magbabago sa sarili ko at may mararamdaman ako once na dumating na nga yun. It could be happiness, sadness, fear or even pain. Walang masama magprepare naman eh. 

Sinabi ko sa kanya lahat yun. Kainis lang at wala siyang reaksyon. Hahaha. Tas tinanong ko siya kung kelan niya naramdaman yun, sabi niya nung Wednesday daw. (Friday namin to napag-usapan.) Tapos sinabi ko rin na kung paghahanap sa sarili yan, matagal talaga yan.

So ayun. Does it make sense? He is finding while I’m waiting?

TUNGUNU PLEASE.

Alam niyo kung bakit ganyan reaction ko?

Kasi… Shet wait.

First love ko yung guy na yan na katabi ko na naghahanap ng sarili.

Oh diba. And everyone thinks I’m still into him. Like hello, ang tyaga ko ah. If ever I’m still into him, 4 years na tong feelings ko. Grabe diba?

We have a common friend na classmate din namin. Alam niya yung tungkol sa feelings ko ang about this waiting and finding chuchu na yan. Tapos sabi niya saken alam ko daw sa sarili ko kung ano yang hinihintay ko na yan pero hindi ko lang maamin kasi may boundary na humarang. I kept on asking him kung ano yun. Puro “Di ko alam! Ako ba ikaw?” ang palagi niyang sagot. Until kakakulit ko…

“Baka naman si *insert the guy’s name here* yung hinihintay mo ah?!”

I blinked twice when I heard him told me that. Like, srsly? If ever, ilang taon ako naghihintay tapos siya lang pala?!

As you can see kasi, we’re classmates nung freshman high. Then he moved somewhere and spent his sophomore and junior high sa somewhere na yun at ngayon lang ulit kami naging classmates. So basically, it’s like I’m actually waiting for him.

YAK SA AKIN BA TALAGA GALING YUN?

So ayun nga. Sinabi ko sa friend ko na hindi siya yun. Tapos sabi niya

“Try mo i-connect. Nawala siya for two years at nung nawala siya, nagstart yang paghihintay mo. Tapos ngayon nako-confuse ka pa. Baka nga ikaw yung hinahanap niya tapos siya yung hinihintay mo eh!”

I don’t know actually kung anong irereact ko dun. Alam niyo yun? Putapeteng nakorner ako! Nakakainis. Di ko alam kung anong mararamdaman ko. Kung matutuwa ba ako na may nagsabi saken ng ganyan or kung malulungkot ako kasi alam kong walang mangyayari sa paghihintay ko o maiinis ako kasi hanggang ngayon siya parin.

As you can see, ang alam ko sa sarili ko move on na ako. Pero watdafck is this feeling. Kaasar lang! Ayoko ng ganito. Kill me please. :(

So, ayun lang. Bahala na kayo humusga.

Whatever~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon