Dear Ikaw,
Napaka unfair naman… Ikaw ang saya saya mo na… samantalang ako, eto, IKAW pa rin ang MAHAL. Ikaw pa rin ang dahilan ng mga pag gawa ko ng kung anu ano. Ayokong sabihin na sana ay makalimutan din kita. Dahil ang tunay na hiling ng puso ko ay sana AKO NA LANG… AKO NA LANG ULIT. TAYO NA LANG ULIT. Alam ko sa puro sakit na naramdaman ko ay may bahagi pa rin sakin na nakalaan para mahalin ka. Dito ko na rin aaminin na hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako. Umaasa na magiging tayo ulit. Kahit na may mahal ka nang iba. Hindi ko rin alam pero sa nakaraang buwan na wala ka sakin ay lagi kong inaalala ang “TAYO” gabi gabi. Naalala mo ba yung mga panahon na sobrang saya natin? Yung kulang na lang ay magpakasal tayo sa sobrang pagmamahal natin sa isa’t isa? Yung kahit na anong away natin ay nagkakaayos pa rin tayo at mas lalo nating napapatunayan ang pagmamahal natin? Hayyss.. grabe naiiyak ako, naiiyak ako sa sobrang pagmamahal ko sayo. “Bumalik ka na sakin” yan yung gusto kong sabihin sayo. Kung bibigyan lang ng pagkakataon na maibalik ang lahat, gagawin ko ang kahit na ano para lang maging okay ulit… Gusto kong itanong “WALA NA BA TALAGA?” “HINDI MO NA BA AKO MAHAL?” pero natatakot ako… Dahil halata naman na yung sagot mo. Halata naman na WALA NA TALAGA. Pero alam mo kaya pa kitang ipaglaban, kaya ko pang patunayan sa buong mundo na mahal na mahal kita.. hindi ko lang magawa dahil alam kong kaya mo rin ipaglaban ang pagmamahal mo sa kanya….
Ang sakit grabe, sobrang sakit.. masakit na palayain mo yung taong mahal mo dahil hindi na ikaw ang mahal niya.Daig ko pa ang pinapatay sa tuwing naiisip ko na hindi na ako ang mahal mo.. Hindi na ako ang hinahalikan mo, hindi na ako ang pinapatulog mo, hindi na ako ang kinakantahan mo. HINDI NA AKO ANG PRINSESA MO.. Miss na kita. Sobrang miss na kita. MISS KO NA ANG TAYO… Bumalik ka sakin ah.. tatanggapin pa rin kita.. Sabihin na nating tanga ako. Wala e, ganun talaga.. SInubukan kong kalimutan ka at magmahal ng iba, kaso ikaw pa rin talaga.. Mas lalo lang akong nasasaktan. Hindi ko kaya.
Gusto ko na ayusin ang sarili ko, gusto ko na maging Masaya, pero ang kaligayahan ko ay nasayo, nasa puso mo. Kelan kaya ako makakamove on? Kelan ako hihinto sa pagmamahal ko sayo? Namimiss ko na rin kasi yung dating ako eh… pero wala na rin yung ako nay un dahil sa sakit na nararamdaman ko… Mag aayos na lang siguro ako.. bilang ako.. hnd bilang PRINSESA MO.
Nagmamahal,
Nena.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Biglang nag bell .. tapos na pala ang lunch break ko… Hindi ko alam kung bakit nangingiti pa rin ako kahit na may anim na taon na nang isulat ko tong letter na to. Ang korni ko ! hahahahaha =)))
“Nena, narito na ang bago mong assistant sa department mo” sambit sa akin ng office mate ko… Lumingon ako sa kanya. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan ..
“IKAW?”
