Chapter 2 - Pt 4 Morgenstern Residence

16 0 1
                                    

Ella's POV.

Ibinaba ako sa harap ng Morgenstern Residence. Pano ko nalaman? May gate kase. Lol. Malaki at kulay black. Alam nyo yung villa sa loob ng subdivision? Ganun yung style. Yung mga bahay sa bandang unang part ng subdivision ay mga bahay na kanya kanya yung bakod. Mga mukha ngang kastilyo pero iba to. Feeling ko papasok ako sa isang hacienda na nakalagay sa loob ng subdivision. Nagpaalam na ako agad kay Ish. Niyakap ko sya ng mahigpit. She deserves it. Alam kong kabado sya. Ngumiti sya pero hindi parin naitago yung totoong nararamdaman nya.

Ako din medyo kinakabahan pero wala ng atrasan to. Si Adam ang inspirasyon ko. Luhhh Korni.

May gwardya sa gate. Attentive naman sya sa pagsalubong sakin. 

"May I help you Mam?" Wow. Umi-english si Koya.

"Hmmm. I guess. I'm scheduled to meet the butler of the Morgenstern Residence." Kalmado kong sabi. Aba di ako papatalo sa guard. 

"Name Mam?" tanong nanaman nya in English. Aba si Koya, lakas. Kinuha nya yung cellphone mula sa bulsa nya at may dinadial.

"Cinderella Rodriguez."

"Wait a minute Mam." Sabay talikod sakin.

A minute? Siguraduhin mong minute lang yan ha! 

After 4 minutes ..

Che. Yung minute ni Koya. Laking joke. May dumating na kotse at binuksan yung gate para makapasok ako. agad na bumaba yung driver na nakasuot ng blue uniform at black na slacks. 

Medyo malayo nga yung lalakarin kaya pala may nagsundo pa. Pero kung lalakarin ko to, okay lang din. Ang ganda kase ng mga bulaklak sa daan. May mga puno din. One day magkakaroon ako ng ganitong garden, makakahiga ako sa bed of roses. Tatanggalan ko muna ng tinik.

After 15 minutes nakarating din kami sa harap ng isang MANSYON. Malaki talaga. As in, tapos combination ng white and black. Medyo formal pero ang elegante. Yung ibang bahay kase pag black and white parang walang dating. Pero ito iba. It must be the design. I mean halatang hindi to basta basta pinatayo lang. Malamang pinag-isipan yung design.

May guard agad na lumapit para buksan yung pinto ng kotse. Medyo nalula ako nung tiningnan ko kung gaano kataas yung mansyon. Parang mall. Four floors at malapad din. 

I was ushered inside. Di ako nakaget over dun sa guard. Lol!

"This way Mam." Sabi nung isa guard na sumalubong sakin. Ay may part 2 pala. Isang mahabang hallway yung sumalubong sakin. Hindi kami sa maindoor dumaan. May pintuan sa bandang kanan ng building este bahay. Pag bukas ng pinto nakita ko kaagad yung lalaking nakatayo sa tapat ng bintana. Nakasuot sya ng black suit at halatang pormal ang buhay sa loob ng kastilyong 'to. Nakakakaba lalo shimayyyyy.

"Good afternoon Miss Cinderella." Bati nya kahit hindi pa humaharap. Kung yung mga guard kanina english englishan lang. Ito iba. May accent. Okay nawawala na yung kaba ko. Naexpire na. 

"Good afternoon..." Di ko sigurado kung paano ko itutuloy. Hindi ko alam pangalan nitong kaharap ko.

Humarap sya bigla at nakangiting abot naman sa mata. Nasa 40+ na siguro yung edad nya.

"Hank. Call me Hank." Lumapit sya sakin para kamayan ako. Naglakad narin ako papasok. Pinipigilan ko tumawa. HEYNGKKKK. Ganyan kase yung tunog. Wala lang natatawa ako eh. Hindi naman ako ignorante, pero ang imba lang pagpopronounce nya. 

Naupo kami sa sofa. Tatlong malalaking shelf yung nakahilera sa kabilang dulo ng pader. May lamesa at dalawang upuan. 

"Hmmm. Can I ask a question?" Awkward padin pero hindi na talaga ako kabado.

"Yes of course" Nakangiti parin sya. Natural yata tong palangiti. Yung mga guhit kase sa mukha at gilid ng labi nya halatang laging nagugusot.

"Lahat kayo nag eenglish?" Yeah. Stupid question.

"We speak tagalog. But since our masters here are half American, we can't help it. Nahawa hawa nalang." -Ako

"Okay. So they don't speak tagalog?" - Ako

 "They do. Nahawa nadin sila sa amin." Natatawa nyang sabi. Nahawa nadin ako sa tawa nya.

"So ano yung available schedule mo?" Tanong nya bigla sakin. Oh yes. Yung nga pala dahilan ng pagpunta ko dito.

"May klase ako ng Monday, Tuesday and Friday. Bukod sa mga araw na yun free na po ako. Maliban nalang sa mga araw na kelangan mag-asikaso ng thesis." Sagot ko.

"Sige so pwede ka ng Wednesday, ngayon, Saturday at Sunday. Gusto mo na ba magstart bukas?" Nabigla ako sa tanong nya. Ganun nalang yun? Sabagay, gusto ko bang pahirapan nya pa ako?

"Opo." Sagot ko ulit na may kasamang ngiti.

"So kung hindi ka nagmamadali, pwede kitang i-tour sa mga part ng bahay na pwedeng puntahan. Pumirma ka nadin pala ng kontrata. Okay ka na para sakin. Nakausap ko narin ang Tita Almira mo kaya tiwala akong suitable ka sa job na to." Kinuha nya yung folder na nasa maliit na coffee table sa harap namin.

May kumatok at pumasok sa pinto na katulong. Talagang naka-maid unifom, kulay black with white apron. May hawak syang tray na may lamang dalawang baso ng juice at dalawang platitong may lamang slice ng chocolate cake.

Pagkatapos kumain nag-umpisa na kaming mag tour sa bahay. May music room, swimming pool, gallery room, at kung anu-ano pang room sa first at second floor. May malaking veranda din bawat floor. Ang elegante ng loob. Bukas naman daw namin i-totour yung third at second floor. Nahalata nya siguro na hinihingal na ako. Huli naming pinuntahan bago bumaba ulit ay ang kwarto sa second floor. Unang pinto sa kanan katabi ng hagdan. White at pink naman yung kulay sa loob. Floral ang design ng wallpaper. Dun daw ang venue ng pagtuturo ko kay Jessie. Wala rin sya dahil nasa mall so bukas ko nalang makikilala ang estudyante ko.

Halos mag aalas singko na nga makalabas ako ng hacienda nila. Inihatid ako diretso sa labas ng subdivision. Bukas simula na ng pagtuturo ko. Maging okay kaya pakikitungo namin sa isa't isa?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 26, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Unfairytale LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon