♡ Chapter 39 ♡

292 25 5
                                    

|| Irene's POV ||

"Unnie, mag usap tayo" kagad na sabi ni Joy sakin nang makapasok silang apat sa dressing room naming lima.

"Ano ba yun?" Kunot noo kong tanong, umupo naman sila sa isang sofa at tumingin sila sakin ng seryoso.

Anong problema nila? Atsaka hindi naman ako mabaho eh, bat ayaw nilang tumabi sakin? Napakalawak yung sofa na inuupuan ko, tapos dun sila naupo sa kabilang sofa na pinaglalagyan ng mga gamit. Kaya ang ending, nagsisiksikan sila dun.

Kumuha ako ng tubig sa lamesa saka uminom, nakakatakot kasi silang tumingin sakin eh. Kung makatingin sila parang nakapatay ako ng madaming tao, tsk.

"Linoloko mo ba si V oppa, unnie?" tanong ni Joy kaya nabulunan agad ako.

Ano?! Linoloko?! Like duh, hindi ko kayang gawin yun. Atsaka, eto ba yung dahilan kung bat sila nagagalit sakin kanina? Kasi sa tingin nila niloloko ko si V? Wtf, hindi totoo yun. Sang lupalop sila kumuha ng ganyang balita?!

"Ano?! Syempre hindi! Anong klaseng tanong yan?! Eto ba yung dahilan kung bat kayo nagagalit sakin?" Nanliit yung mga mata ni Wendy sa sinabi ko.

"Oo unnie, eto nga yung dahilan kung bat kami nagagalit sayo. Atsaka anong hindi totoo na linoloko mo siya? Kung ganun, ano yung nakita naming lahat kanina na nagtatawanan kayo ni Mark? May pa akbay akbay pa siya, tandaan mo nga unnie. May boyfriend ka! Wag kang lumande!" Sabi niya kaya hindi ko na napigilan yung sarili ko at nasampal ko siya ng malakas.

Ako pa yung masama dito?! Ako pa yung naging malande?! At ako pa yung natawag na manloloko?! Aba, matinde. Eh hindi ko nga ginawa yun eh, galing naman nila manghusga.

"Ako?! Malandi?! Wow ah? Ang galing niyo namang manghusga, ni hindi niyo pa nga alam yung totoong istorya eh, tapos sinasabihan niyo na akong malandi!" Napatayo si Joy at lumapit sakin.

"Hindi kami humuhusga, unnie. Totoo naman diba? Lumalandi ka kay Mark oppa kasi alam mong may gusto pa din sayo yung tao. Kung hindi ka nga lumandi, sana linayuan mo siya nung lumapit siya sayo! Pero hindi eh. Kapal naman ng mukha mo unnie, hindi kaba nakuntento kay V oppa at lumandi kapa kay Mark oppa?" Kumunot yung noo ko sa kanya at sinampal ko din siya ng malakas, kaya napalapit agad samin si Seulgi na masama ang tingin sakin ngayon.

"Ano ba unnie! Sumosobra kana ah?! Bat mo ba sinampal si Wendy atsaka Joy?!" Sinamaan ko din siya ng tingin atsaka umirap.

"Kasi sumosobra na din sila eh, tinatawag nila akong malandi kahit hindi naman!"

"Bakit, hindi ba totoo?! Malandi ka naman unnie, eh. Matagal na. Kaya mukhang naiitindihan ko na si V kung bat niya pinili si Eunji unnie kesa sayo. Kasi si Eunji unnie, mabait, ikaw? Napaka landi mo!" hindi ko na din napigilan ang sarili ko at pati siya, nasampal ko.

Sobra na sila, ganun ba yung tingin nila sakin? Malandi? Sila yung taong pinakatitiwalaan ko, at sila lang yung naging tunay kong kaibigan. Kaya hindi ko alam kung bat sinasabihan nila ako ng masasamang salit kahit wala naman akong ginawang masama.

Mabilis kong pinunasan yung tulong lumuha sa pisngi ko atsaka mabilis na umalis sa dressing room namin, hindi ko na kasi kaya eh. Atsaka baka masampal ko pa si Yeri, kaya mas mabuti nang umalis nalang ako.

Nang pagkalabas ko sa dressing room namin, nadatnan kong hindi pa tapos yung pagp-photoshoot nila V.

Nagkatinginan kami ni V at nakita kong kumunot yung noo niya sakin, hindi ko napansin na umiiyak pala ako habang nanonoud sa kanila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagkatinginan kami ni V at nakita kong kumunot yung noo niya sakin, hindi ko napansin na umiiyak pala ako habang nanonoud sa kanila.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at marahang pinunasan yung luha na tumutulo sa pisngi ko.

Tumakbo akong umalis sa lugar na yun kahit ilang beses kong narinig na tinatawag nila pangalan ko, hindi nga ako pinapalabas nung guard kasi wala daw akong disguise na sout, medyo marami rami na yung mga fans sa labas kaya medyo delikado na.

Binigyan ko lang siya ng isang suntok kaya agad siyang natumba, at dun na ako nakaalis sa lintek na buliding yun.

At dahil sa kanina pa ako tumatakbo, hindi ko namalayan na nakarating na ako sa isang park na konti lang yung tao.

Pumunta ako sa isang malaking puno atsaka umupo dun sa sahig habang nakasandal ako sa puno, wala na akong pakialam kahit madumihan pa damit ko.

Linagay ko yung ulo ko sa tuhod ko atsaka dun nagsimula sa pag iyak. Bat ba sila ganun? Bat hindi man lang sila maniwala sakin? At tinawag pa nila akong malandi, sinong hindi masasaktan sa sinabi nila? Wala diba? Lalo na kung mga tunay na kaibigan mo ang nagsabi nun.

"Alam mo, sabi nila mas lalo daw papangit yung isang babae kapag umiiyak" rinig kong sabi ng isang lalaki na mukhang kilala ko.

Nag angat ako ng tingin at imbes na manlaki yung mata ko, nanliit yung mga mata ko habang nakatingin sa kanya.

"Mark? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya pero ngumiti lang siya sakin kaya mas lalong uminit yung ulo ko.

Nakakastress si Mark, alam niya ba yun? Tsk.

*****

A/N: Pampahabol lang ito, 😂. Next update ko ay sa Saturday na ✌.

Look Into My Eyes 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon