Nagkausap at nagkasundo sina Jeff at Nathan na kunin na lang si Alvin bilang testigo para sa kaso nila laban kay Madam Jean. Nagkaroon sila ng pulong sa mansyon para i-plano ang pagsampa muli ng kaso sa kanyang kapatid.
Kabilang doon ay; si Jeff, si Nathan, si Don Rolando, Nanay Joyce at ang abugado niya na si Atty. Vincent Dimaguiba.
"Titestigo din kayong dalawa sa paparating na paglilitis . Wala namang iba pang tao doon sa warehouse kundi kayo lamang at ang tatlong lalaki na kumidnap sa inyo" paliwanag ng abugado "Pero sa kasamaang-palad ay namatay sila sa ingkwentro noon"
"Pero dalawa lamang ang nakita ko noon na nasa labas ng warehouse" sagot ni Nathan "So nasaan na ang pangatlong lalaki?"
"Posibe na ang sunog na bangkay na inilibing ninyo sa libingan ni Jeff ay ang pangatlong lalaki" paliwanag muli ng abugado.
"So, it means na wala na talagang ibang ebidensiya kundi si Alvin na lang?" sabat naman ni Jeff.
"Tama ka, Mr. Hidalgo"
"So kailan na ulit natin siya masasampahan ng kaso, Atty?"
"Nasa piskal na ang kaso at nakabinbin pa din ito dahil nga walang matibay na ebidensiya" patuloy pa rin ang paliwanag ni Atty. Dimaguiba "Kailangan natin si Alvin para buhayin muli ang kaso. Dapat siya lumabas sa kinatataguan niya at ilabas ang kanyang statement, na makapagturo kay Jean na siya ang nagplano at nag-utos ng pagkidnap sa inyong dalawa"
"Dapat mo na siyang kausapin sa lalung madaling panahon, Jeff" payo ni Nathan sa kanya
"Sige" sabay hinga ng malalim "Kakausapin ko siya kaagad bukas"
"And by the way, Mr. Hidalgo" dugtong ng abugado
"Ano yon?"
"Kailangan na ninyo na magpakilala na ikaw at si Jeff ay iisa" payo niya sa kliyente
"Ayaw ko. Masisira ang mga plano ko"
"Pero Sir. As I said. Ito na lang ang natatanging paraan para mapakulong si Jean" paglilinaw niya "Kailangan mo nang bitawan ang mga plano mo dahil walang kwenta na iyon. Ito na ang pinakamalakas mong alas para sa kanya"
"Anak. Tama si Attorney" dugtong ng kanyang ina sa kanya.
Tumingin naman siya kay Don Rolando kung ano ang kanyang masasabi pero tumango na lang ito at ngumiti sa kanya.
"Sige. Payag na ako, Atty" buntong-hininga ni Jeff
"Good" sagot ng abugado "At bago tayo matapos ay may huli akong sasabihin sa inyo"
"Ano yun, Atty?"
"Simula bukas ay hindi na ako ang inyong magiging abugado"
"Ha?? Bakit naman?"
"Aalis na kami ng bansa ng pamilya ko. Doon ko na kasi ipagpatuloy ang pagiging abugado ko sa Amrerika dahil mag-aaral muli ako"
Nalungkot ang mukha ni Jeff sa balita sa kanya ng abugado pero wala naman siyang magagawa at tinanggap niya ito "Matagal-tagal din ang naging serbisyo mo sa akin, Atty"
"Oo nga. 17 years to be exact" ngiti nito "Parang tinuring din kitang kapamilya"
"Ako din naman, Atty. Pero wala naman akong magagawa at tanggapin iyon dahil para din yan sa career mo"
BINABASA MO ANG
The Heiress (A CHINITO BOOK III)
Novela JuvenilAng Ikatlong Aklat ng CHINITO. Pagkatapos nang pagkamatay ni Jeff, makukuha ba nila sa kamay ni Madam Jean ang yaman na dapat sa kanila? O hahayaan lamang nila ito at tuluyan mawala sa kanila. Ano ang papel ni Sky (na isang inosente na dalaga at ang...