Lumingon siya sa tumawag sa kanyang likuran. Hindi niya alam kung sino iyon pero pamilyar ang boses. Humarap siya sa tao at nakita niya na si Alvin ang taong iyon "Alvin? Thank god" sagot nito.
"Wow. Look at you. Parang walang nagbago sa'yo ah" sambit nito na parang walang nangyari "Hindi pa rin nagbabago ang mukha mo. Parang bata ka pa rin at parang estudyante"
"Salamat" sagot nito
"Bakit ka pala nandito?? Mabuti na lang naabutan kita" patuloy pa rin ang pagsasalita niya kay Jeff "Sakto din kasi ang paglabas mo eh. Nakarating na ako"
"Nandito ako para humingi ng tulong sa'yo"
"Tulong?" ulit niya "Sige. Ano yon?"
"Gusto ko na tumestigo ka laban kay Jean. Sabihin mo sa harap ng judge ang buong katotohanan na plinano lahat ni Jean ang pagkidnap niya sa amin"
"S-sige. Walang problema Jeff. Basta ikaw" pagsang-ayon nito "Gagawin ko lahat para sa'yo"
"Salamat"
"Kelan ba ang hearing?"
"Wala pa. Pero sabi ng abugado ko na maglabas ka daw ng statement para buhayin muli ang kaso noon ni Riley na sinampa niya kay Jean"
"Ahh. Sige. Huwag kang mag-alala. Maglalabas ako ng statement"
"Salamat Alvin" ngiti niya na pahapyaw "Sige. Alis na ako"
"Sandali lang muna Jeff" tangkang pagsakay ni Jeff sa sasakyan pero pinigilan siya sa kamay ni Alvin
"Oh bakit?"
"Yung tungkol noon..."
"... Tapos na yon, Alvin. Pinatawad na kita. Matagal na panahon din yun" paliwanag niya kay Alvin
"Salamat naman Jeff kung ganon" panglulumo ng mga mata niya
"Pero hindi ibig sabihin na babalik ang lahat. Kailangan mo pa din na patunayan sa akin na nagbago ka na talaga" kondisyon nito "Kailangan mong tumestigo laban sa kanya"
"Huwag kang mag-alala, Jeff. Tetestigo ako. Gagawa na ako mamaya ng statement laban sa kanya" pangako ni Alvin
"Salamat" ngiti ulit niya
"Grabe. Na-miss kita, Jeff. Ikaw? Hindi mo ba ako na-miss?"
"Miss siyempre"
"Mahal na mahal pa rin kita. Yung ang totoo. Nagsisisi talaga ako sa ginawa ko noon sa'yo"
"Alam ko naman na nagsisisi ka, Alvin. Pero hanggang diyan lang. Huwag mo akong mahalin" sambit ni Jeff "Kasi minsan... kung sa sobrang pagmamahal, hindi mo na namalayan na nakakasakit ka na pala ng tao. Kaya pigilan mo na ang pagmamahal mo sa akin"
"Sige" tango ni Alvin "Kung iyan ang gusto mo. Pero mamahalin pa rin kita sa kahit sa malayo dahil hindi pa rin maalis sa puso ko na ikaw ang mahal ko, Jeff"
Walang sagot si Jeff at sumakay na lang ito sa kanyang sasakyan. Pinaandar ito at umalis.
***
Pagkatapos ng kanilang usapan ay kaagad bumalik si Jeff sa kanyang mansyon. Gusto niya kasing mag-usap muli sila ng kanyang kaibigan na si Jacqui na matagal niya nang hindi nakita.
BINABASA MO ANG
The Heiress (A CHINITO BOOK III)
Подростковая литератураAng Ikatlong Aklat ng CHINITO. Pagkatapos nang pagkamatay ni Jeff, makukuha ba nila sa kamay ni Madam Jean ang yaman na dapat sa kanila? O hahayaan lamang nila ito at tuluyan mawala sa kanila. Ano ang papel ni Sky (na isang inosente na dalaga at ang...