Sumama si Stephen sa kanyang ama pabalik sa mansyon ni Jeff. Tanggap niya na kasi na si Jeff ang totoong mahal ng kanyang ama at hindi ang ina niyang manggagamit.
Nang pagpasok nila sa mansyon ay nandoon si Jeff at Sky nakaupo sa may hapagkainan at nag-uusap.
"Stephen. Bumalik ka?" bati ni Jeff sa kanya.
"Oo, Jeff. Pinaliwanag ko na sa kanya ang katotohanan" sagot naman ni Nathan habang tinatapik ang balikat ng anak.
"Mabuti naman kung ganon" ngiti niya kay Stephen "Kumain ka na ba? Baka nagugutom na kayo" alok niya sa dalawa ng pagkain.
"Ahhmmm. Tito Jeff?" sabat ng binata sa kanya na parang nahihiya
"Bakit Stephen?"
"Hmmm. Pwede po ba kayong makausap? Nang tayong dalawa lang?"
"Sige" sagot nito habang nakangiti "Nathan, Sky? Excuse muna ha. Akyat muna kami" paalam niya.
"Sige po, Papa" pagsang-ayon ni Sky
Pumayag naman silang dalawa sa paalam ni Jeff at umakyat silang dalawa sa malaking opisina nito sa third floor ng mansyon.
Napanganga na lamang ang binata sa kanyang nakita nang pagpasok nila sa opisina. Dahil ngayon lang siya talaga nakakita ng ganitong kalaking opisina.
"Parang nagulat ka ata Stephen" sambit ni Jeff
"Sorry po, Tito. Ngayon lang kasi talaga ako nakapasok sa ganitong klaseng opisina eh. Parang bahay na nga namin ito eh" sambit ni Stephen "Ang laki talaga ng bahay ninyo"
"Hindi naman malaki ito" habang kumukuha ng tasa ng tsaa at binigay sa binata "Umiinom ka ba nito? Or you prefer coffee?"
"No. Okay na ito, Tito. Thank you po"
"Good" habang lumalakad patungo sa kanyang upuan at kaagad umupo dito "So, ano ang dapat nating pag-usapan Stephen?"
"Ahhmm. Tito? Tungkol po doon sa pagsumbong ko sa inyo kay Mommy... at pagdala ko sa kanya sa hotel?" habang malakas ang kabog ng dibdib niya "Galit ba kayo sa akin?"
"Galit?? No. Hindi ako galit sa'yo, Stephen" sagot ni Jeff "Naiintindihan ko naman kung saan ka nanggangaling. Kahit papaano ay naranasan ko din naman iyan, na may ibang babae ang tatay ko"
"Talaga po?" sabay higop ng mainit na tsaa
"Oo. Pero matagal na panahon na iyon at hindi na kailangan pag-usapan iyan" mungkahi niya "Ikaw? Baka may gusto ka pang pag-usapan natin"
"Hmmm. Meron pa po"
"Sige. Ikuwento mo lang"
"Tito? Sorry po. Ngayon ay alam ko na ang katotohanan tungkol sa inyo ni Daddy. Sorry sa ginawa ni Mommy kay Daddy. Sorry kung napanganak ako sa mundong ito. Nang dahil sa akin ay nasira ang ibigan ninyong dalawa"
"Don't say that, Stephen. Huwag mong isisi ang sarili mo sa lahat na nangyari at huwag kang humingi ng tawad kasi napatawad ko na ang nanay mo sa ginawa niyang iyon" sambit ni Jeff
"Pero Tito. Malaki ang naging kasalanan ni Mommy sa inyo"
"Alam ko yun, Stephen. Pero huwag na nating ibalik ang nakaraan sa amin ng Mommy at Daddy mo dahil magkaibigan lang kami" paliwanag ni Jeff sa kanya "At kung may alitan man silang dalawa, sila na dapat ang mag-usap. Hindi na ako sasabay pa sa problema nilang mag-asawa dahil may sarili akong problema"
BINABASA MO ANG
The Heiress (A CHINITO BOOK III)
Novela JuvenilAng Ikatlong Aklat ng CHINITO. Pagkatapos nang pagkamatay ni Jeff, makukuha ba nila sa kamay ni Madam Jean ang yaman na dapat sa kanila? O hahayaan lamang nila ito at tuluyan mawala sa kanila. Ano ang papel ni Sky (na isang inosente na dalaga at ang...