One Shot

1 0 0
                                    


"Oh! Carlo ma' bro, musta na yung date nyo?" Yan agad ang bungad saakin ng maingay kong kapatid na tomboy.

"Date ka dyan." Ganito talaga to mang-asar eh. Wala pa kasi akong naka-date at lalong-lalo na wala pa akong naging girlfriend.

"Hina mo kasi brad eh." Inakbayan pa ako ng loko. "Gayahin mo kasi ang da moves ko eh, alam mo pre ang mga babae-"

Hindi nya natuloy ang sasabihin nya ng nakita nyang pababa si mama sa hagdan. Gaga kasi tong kapatid ko eh, tomboy pa daw.

Ako nga pala si Carlo Santos  ( alam ko ang ganda ng pangalan ko diba? ) may ate akong tomboy pero babae pa rin naman siya manamit kaso babae rin ang tirada nun kaya girls, ingat kayo minsan. Mabuti pa nga siya eh ang daming chicx nun, samantalang ako, nganga.

Isang babae lang naman ang pinakasam-asam ko eh. Si Leslie. Kaya lang napaka tomboy nya rin eh. Tropa sila nitong magaling kong ate na mahal ko rin, pero kahit ala tomboy siya ay marami paring nagkakagusto sa kanya, at isa na ako run. Pero nga pareho kaming babae ang gusto puta.

"O, nandito ka na pala anak, kumain ka na" yaya sa akin ni mama.

"Tapos na po ako kumain ma. Goodnight"

"Goodnight ma." Ate Carla yan, tomboy kong ate. Galing ng pangalan namin noh? Carlita nalang sana siya eh.

"O sige na matulog kayo ng maaga ha?" Mama.

"Naman ma! Gwapo- ay este ahmm" tignan mo to si ate di pa masabi ang word na maganda. "Maganda kasi ang genes natin kaya dapat alagaan."

"Asus. Sige goodnight na." At tumalikod na si mama at pumuntang kwarto niya. Wala na kasi si papa, namatay sa isang aksidente bata pa lang kami.

"So Ano na?" Ate.

"Huh?"

"Si Abby!"

"Abby? Anong meron sa kanya?" Nga pala may kapatid kasi si Leslie, si Abigail.

"Ha? Ah. Mahal mo yun diba?"

"Ano? Saan mo nakuha yan?"

"Si Leslie kasi eh"

"Oh. Ano si ate Leslie?." Impormasyon din to dre. Yan talaga ang silbi nitong ate ko sa love life ko eh.

"Wala. Tulog na ako."

"Hoy!"

At bigla nalang umalis si Carlita at tumatakbo pa nga ang tomboy. Maka Carlita ako noh? Kung Carlita siya, so ako si Carlito? Huwag nalang.

Kinabukasan pumasok na ako sa skwela. Third year college na ako, at Pol. Sci.yung course ko, sina Leslie naman at si ate ay criminology, galing noh?

"Hey Carlo!"

Napalingon ako. "Hi Abby." Pareho nga pala kami ng course kaya marami kaming kaparehas na schedule. Ang ganda niya talaga, kaya mahal ko kapatid nyan eh. Haha.

Pagkatapos ng klase ay tinungo ko agad ang hallway.

"Carlo, wait!" Ano daw? Gwapo daw ako? Ang hangin ko naman.

Nilingon ko ang tumawag sa akin at nakita ko si Abby na hinihingal.

"May problema ba?"

"Ice cream tayo! Halika na!" Tapos hinila niya lang ako papuntang Ice cream shop. Si Abby parang kapatid ko na siya kasi magkababata kami tapos yung mga ate namin close so kami rin noh.

Bumili lang kami tapos pumunta kami sa isang park.

"Carlo, There's something I've always wanted to tell you"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Si Carlo At Si AbbyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon