Dear Diary,
Break na kami.
~~~
Ito na ang huling sulat ko dito sa pinakamamahal kong diary. Actually, hindi sana eh pero naiinis ako pag nakikita ko tong diary na to na regalo sakin ng aking boyfriend i mean 'EX' boyfriend. Yup, break na kami ni Jordan, he really end up our stupid relationship without a reason. Masakit para sakin ang basta bastang iniiwan lamang. Mahal ko siya at alam niya yun pero manhid siya and I'll never forget him. The wound is still here in my heart, I really love him.
***
-Hyden University-
*KRIIIIIIIING!!!*
"Hoy! Heather, kanina ka pa jan! Ang kupad mong magsulat!"- Inip na pagkasabi ni Fairah.
"Eto na po! Patapos na oh!"
Bwisit kasi oh! Siya na ngs yung nagpapadrawing siya pa yung magagalit! Aba, demanding. Pasalamat siya dahil kaibigan ko siya kung hindi baka pinag sasapak ko na tong babaeng to!
"Tada!"- Ngiting pagkakasabi ko. Sa wakas natapos na rin.
"Akin na!"- Dali daling kinuha ang pinaghirapan kong drawing saka umalis. Well, late na kasi siyang mag pass ng assignment eh wala man lang 'Thank you' sakin hayst.
Tumayo na ako sa kinauupuan ko saka umalis. By the way, I'm Heather Coleen grade 11, 16 years old half british-half filipino. Nung buntis pa ang mama ko ay iniwan na kami ng daddy ko kaya si mama lang ang tumayong magulang upang ako ay itaguyod. Status? I'm in a--- I mean I'm single. Ugh! Wag na nating talakayin pa ang about jan! Si Fairah Joyce Tan naman, uhmmm.. She's my bestfriend half japanese-half filipino medyo tamad actually tamad talaga pero pabayaan na natin siya baka mag away pa kami eh. Ang tatay niya ang may ari sa isang famous japanese restaurant sa japan at ang nanay niya ay dating sikat na singer simula nung nakapag asawa na siya ay hindi na niya pinagpatuloy ang pagiging biritera niya at mas pinagtuonan niya ang kaniyang pamilya.
Andito na pala ako sa bahay. Haaay, sa wakas matutulog na ako.
***
-Hyden University-
Aga ko namang pumasok, boring! Medyo kakaunti lang ang mga studyante dito sa campus at ang masaklap ako lang ang tao dito sa classroom. Anyways, gutom ako di pa kasi ako kumain eh. Punta muna ako ng canteen.
Lakad.......
Lakad......
Lakad......
Lakad......
*BOOOOGSH!*
Ay impakta! Nauntog likod ko sa dinding! Ouch! T_T di ako makatayo sa lakas ng impact.
"Bwiset! Ang laki mo kasing dambuhala eh!"
Aba! Siya pa ang nag reklamo imbis tulungan ako dito! Lalaki pa man din. Di ko siya tinignan dahil naiinis ako.
At umalis siya..
"Hoy!!! Wala ka talagang kwentang tao! Mamatay ka na!"--Inis na pagkasigaw ko.
Wala siyang hiya! Di talaga ako tulungan! Ouch!
***
"Malapit ng mabali ang buto mo you need to take your rest. Sa susunod mag i-ingat ka."--tugon ni Miss Chi (school nurse).
"Opo Miss Chi"--sagot ko
Iniwan niya ako dito clinic dahil may meeting daw sila. So eto ako ngayon, imbis makipag tsismis eh nakatunganga lang ako dito at nag-iisa :'( Hay nako sadlife ! T_T