A/N: Hello world!! I'm back! Sorry sa pagiwan, nanaman. T___T Napakabusy kasi ng college life eh. Wala na nga akong time sa sarili ko. Pasensya na talaga. Babawi ako with 3 chapters updates in a day. Thank you sa pag suporta!
- pool, dead
-
Taeyeon's POV
First day of rehearsal para sa bagong album. At first time lang ulit namin magkikita after three days. Umiiwas ako eh. Ayoko ko kase yung nararamdaman ko para sa kanya.
"Wala pa si GD kaya, stay put ka lang muna dyan Taeyeon-ssi." Sabi nung cheorographer namin at lumabas na siya ng dance pactice room. Hay. Sana hindi siya umattend. Ugh, gusto ko namg kalimutan yung nangyari.
Kahit mapostpone nalang ulit yung debut namin. Speaking of postpone, napostponed ang debut date namin as a duo. Dahil hindi na kami masyadong nagkikita ngayon. Kase nga, umiiwas ako at ayokong malapit siya sakin. Naiilang talaga ako. Hindi pa nga ako makatingin ng maayos sa mga mata niya eh.
Dahil wala namang magawa dito, magse-selca muna ako. Tagal ko nang di nakakapagselca eh. Tagal ko na ding hindi naa-update ung ig ko. Kawawa mga followers ko.
Okay. 1.. 2.. 3 ... Click!
Ang ganda ko. lol sariling puri. Kahit buntis na ako. Ay oo nga! Buntis nga pala ako! Aish, hindi pa naman ako kumakain ng maayos lately. Sorry baby, wala ka pang two months pero pinapabayaan na kita.
Hmm, 7:45 palang. Mamaya-maya pa daw si Jiyong pupunta kaya, kakain muna ako. Hehehehe. ^_^
"Ahm, Mr. Kim, cafeteria lang po ako." Paalam ko sa cheorographer namin at nagnod lang siya. Dali-dali akong pumuntang cafeteria nang may nakabangga ako...
Nasanggi ako sa balikat ng mahina samantalang napalakas ang impact ng nun sa kanya kaya nadapa siya. Pweh. Buti hindi natamaan ang tyan ko.
"Ouch."Sabi niya. Agad naman akong lumapit sa kanya.
"Ahm, Miss, sorry ha?" Sabi ko dun sa babaeng nabangga ko at tinulunga kong tumayo.
"Ah hindi okay lang." Tapos ngumiti siya sakin. Hindi fake ang ngiti niya. "Wait, bakit parang kilala kita." Sabi niya bigla.
Oo nga. Para bang nakita ko na siya. San nga ba yun?
"Ikaw yung babaeng nagtanong sakin sa may Han River diba?" At ikaw si Kiko, na girlfriend ni Jiyong. Balak ko sanang idagdag yun kaso..
"Oh right! Ikaw yung babaeng yun! Nice to meet you, I'm Kiko Mizuhara."
"Taeyeon. Kim Taeyeon." Sabi ko sabay ngiti.
"So ikaw pala yung leader ng Girls' Generation! I'm so glad I met you in person! I'm a fan! Especially you." Sabi niya.
"Really? Di ko akalain na magkakaroon ako ng fan na isang top model sa Japan." Sabi ko sa kanya kaya napatawa siya.
"Naku, hindi naman. Anyways, what are you doing here? May boyfie ka ba dito at dinadalaw mo?" Boyfie?! Pinagsasasabi neto?
"Ha? Anong boyfriend? Wala akong boyfriend. Tsaka nagrerecord kami ng Jiy--G-Dragon dahil may collaboration kami."
"Oh?! Loko yung si Ji ah! Di niya sinabi sakin." Napatawa siya ng mahina at .. kru kru kru. Katahimikan. Awkward.
"Ahm, actually, wala pa si GD diyan. May rehearsal nga sana kami kaso tulog pa daw sabi nung manager niya." Sabi ko sa kanya.
"Ganun? Hays. Di parin talaga nagbabago. San nga ba punta mo?"
"Sa cafeteria. Kakain sana muna ako bago kami magsimula."
"Would you mind if I join you? Tulad ng sabi mo, wala pa naman si Ji kaya boring din. At nagugutom narin ako. ^_^" Lah. Di niya ba nararamdaman na iniiwasan ko siya. Kase mamaya, biglang dumating si Jiyong.
"Ahm, s-sige." At naglalakad na kami papuntang cafeteria. Jusko jugigo. Ano ba kasi 'tong gulong napasok ko? Azar nemen eh!
Nakarating na kami sa cafeteria nang daldal siya ng daldal. Iniisip ko nga eh, pano kaya nakatagal si Jiyong sa kanya? Ang daldal. -_- Sarap lagyan ng packing tape yung bibig. -_- Sumasakit na rin yung leeg ko kakatango. -_- Bwisit. Hindi ko na nga papansinin. Isa pang bwisit eh. =_=
"Hindi ka pala masyadong madaldal no? Alam mo si Ji, yan ang gusto niya sa babae. Yung mga tahimik lang. Kaya nga nung sinabihan niya akong ayaw niya skain sa sobrang daldal ko, sinapak ko siya. Ako kase gustong gusto ko talaga sa kanya. Mula palang magdebut sila." Eh sino ba kaseng matutuwa sa sobrang daldal? Naiirita na nga ako eh.
"Oh? Talaga?" Sagot ko nalang habang kumukuha ng pagkain.
"Oo! Ilang buwan din siyang ganyan sakin. Pero di nagtagal, nasanay na siya. Ayun, mahal na din niya ako. Ahihihi. Kinikilig ako! Hahahaha!" Dahil sa kadal-dalan niya, naiwan parin siya sa counter. Umupo na agad ako para makapagsimulang kumain.
"Tss. Magsasawa rin yun sayo." Bulong ko.
"Ha? May sinasabi ka Taeyeon?" Opps, akala ko, sa isip ko lang yung sinasabi.
"Wala. Ansarap lang nung pagkain." Sabi ko sabay subo.
"Oo nga daw. Ngayon lang kase ako nakakain dito eh. Si Ji kase, lagi kami sa restuarant." Geh, kwento pa. Pano ko nga ba nakasama etong babaeng 'to dito? Jugigo. Sumasakit ulo ko.
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake [G-Dragon x Taeyeon Fanfic]
FanfictionOne mistake and everyone will judge you.