Liham Para Sa Kaibigan Kong Nakalimot Na.

69 0 0
                                    

Mahal kong Kaibigan,

         Kamusta ka na? Miss na miss na kita! Ilang buwan na nga ba kitang hindi nakakausap at nakikita, sa wari ko'y taon na din ata.
        
        Naalala ko kung paano tayo nagkakilala at talagang namang naging matalik na magkaibigan pa. Taon pa yun nung 2012 naghahanap ako nun ng trabaho kasi bagong Graduate lang ako nun, at ikaw naman ay tumigil ka sa pag-aaral kasi may anak kang kailangan supportahan.
            Nakakatuwa nga eh! Nung nagkita tayo kasi na late ka pa noon, tapos yun habang nasa waiting area kami at naghihintay, dumating ka na sadyang kay ingay at wag ka todo bistida ka pa at dala ang makulay mong bag. Hahaha!!
Habang nag hahanda ang lahat para ma-interview ikaw itong todo kwento kung kani-kanino. Biglang nagkatinginan tayo at pinatulan ko na din ang kwento mo, medyo nangati na din kasi ang dila ko, at yun naging kadaldalan kita pamatay kaba at oras habang hindi pa natatawag sa interview. Tapos yun tinawag ka at pagkatapos ako naman at parehas tayong natanggap, tuwang-tuwa nga tayo eh napapa-palakpak panga tayo dahil sa wakas natanggap at may trabaho na.

      Nag-daan ang ilang araw at naging linggo mas naging close tayo dahil halos mag kasing ugali tayo sa mga kalokohan eh nagkaka parehas din. Naging buwan na din ang lumipas bigla na lang nag open up ka sa akin na sadyang aking kinagulat. Naisip ko nalang na "This Girl trust me" so yun I decided na makinig sa kwento at pinagdadaanan mo, gulat na gulat nga ako kasi sadyang mahirap pinag daanan mo pang pelikula, at naisip ko na maswerte ako sa buhay ko kahit hindi ito perpekto.

      Bigayan ng baon,sabay kumakain at minsan kailangan halos hawig ng damit pa tayo sa loob ng opisina natin. We are the cheerleader and the mascot sa loob ng office natin parehas kasi tayong kalog at talagang may saltik.
       Ilang buwan na din tayo sa loob ng workplace natin tapos pag same tayo ng break inuuna pa natin ang chikahan kesa kumain diba?? Sadyang nakaka miss. Meron pa nga yun ewan ko kung nalulungkot ko nun o masaya, tinanong pa kita kung ayos ka o hindi. Na kwento mo yung tatay ng anak mo na kayo pero hindi kayo pinanindigan, sobrang awang-awa ako sayo at inis na inis ako sa lecheng lalaki na tinago natin sa pangalang "Big Boy" siya yung lalake na iniwan ka dahil hindi pa handang maging tatay at ayaw ng obligasyon na biglang lumitaw tapos minahal mo ulit kasi naniwala ka na nagbago.
      Pinakilala mo siya sa akin at sa amin, nakita ko yung mga kislap sa mata mo na talagang mahal mo si Big Boy kaya yun as your friend siyempre kung saan ka masaya, I'll support you.

      Then, yun October na! Birth month natin at ng Baby mo. You asked sa office if possible na umabsent ka ng October 25 kasi 2nd birthday ng baby mo, pero hindi ka nila pinayagan kasi bago yung company walang mag subsititute sa sa gawain mo. So sad, kasi birthday nga ng Baby mo. Tapos pag tapos niyo mag usap ng Boss natin sabi mo "Hindi nalang ako papasok," sabi ko naman "Sigurado ka?baka pagalitan ka" then sabi mo "Bahala na! Alangan naman wala ako sa birthday ng anak ko, wala ngang tatay na tatayo sakanya,wala pa ako."

     October 25 na ayun pumasok ako around 11 am and yung shift mo nun is 10am, pag pasok ko sa office is nagpa-panic yung boss natin kasi may mga naghihintay sayo at walang ibang pwedeng gumawa ng gawain mo dahil nga wala naman pwdeng mag substitute sayo on that day.  So pag punta ko sa cubicle ko nakita ako ng boss natin at sabay sabi "Nasaan si Rose?" So ako medyo kinabahan at sagot ko " I don't know" but I do know. Then yun nagalit si Boss at yung foreigner na may ari ng company at ang usapan ay may suspension effect pang nalalaman. So yun ako naman dasal ng dasal na sana bukas wala na yung galit nila, at ayaw naman kitang tawagan para sabihin yun, while nag cecelebrate kayo ng baby mo ng birthday nya diba?
      Kinabukasan pumasok ka na at tahimik ang lahat pero ang alam kong gagawin mo is hihingi ka ng sorry sa Boss natin at iexplain ang side mo at ginawa mo naman. Your apology is accepted naman, so ako habang nag hihintay ng oras ko sa cubicle ko hinihintay din kita na lumabas from the Boss Office, after 20mins na pag hihintay ko bigla nalang akong kinabahan bigla kong naisip is yun ngang suspension eklavoo. Then after an hour waiting lumabas ka na may luha,at hindi ka dumerecho sa cubicle mo kundi sa labas ka ng office dumerecho,"kinabahan ako at sabing "Shit, parang may iba" 10 minutes nalang mag start ng shift ko pero tumakbo ako sa labas para habulin ka.

"Babsie, San ka punta?"

"Uwi agad?" Ang sabi ko.

Nagulat ako bigla mo akong niyakap at umiyak at sabi mo.

"Uuwi na ako Babsie"

"Tanggal na daw ako sa trabaho"

Yumakap din ako sayo ng mahigpit nun at parang ayaw ko na din pumasok sa loob. Iyak tayo ng iyak pero yun nga hindi ka naman nag sisi kasi sabi nga "Family First."

   Tumamlay ako sa trabaho for one week lagi akong late, hindi na din naging maayos yung mga ginagawa ko kasu nalulungkot ako. Then the Boss talked to me and said "Rass, I know you are very sad kasi wala na si Rose, but please stay with us baka kasi mag resign ka" ang sabi ng Boss sa akin. Well hindi ko naisip mag resign pero nung sinabi nya yun,ayon bigla nalang akong hindi pumasok at wala parang bula nalang.

     That's how I treasured you eh, hindi ka lang simpleng kaibigan sa akin but you are a sister to me. Pero kahit ganoon nangyari sa atin we are still communicating to each other kahit ako nandito sa Cavite at ikaw nasa Nueva Ecija.
    We keep on talking and talking sa phone about sa buhay natin, we updating each other always. Lakas maka LDR. Wahahaha!!

To be continued... 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Liham Para Sa Kaibigan Kong Nakalimot NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon