Unang Kabanata

7 0 0
                                    

Sa isang hindi tukoy na malawak na komunidad, sa isang barangay na tinawag na PAT ay nagsimulang lumipat at manirahan ang Pamilya Atrasado. Si Inang Atrasado at Amang Atrasado. May mga anak sila na 'triplets' na ang mga pangalan ay Jei-Jei, Fei-Fei, at Mei-Mei.

Nagsimula silang umupa ng isang maliit na bahay sa loob ng Barangay PAT. Sinimulan ng Pamilya Atrasado na dito manirahan at tuparin ang kanilang mga pangarap.

---

Sa maliit na bahay na may sukat na limampung metro kwadrado ang inupahan ng Pamilya Atrasado. Sa likuran ninyo ay may bakante pang lote na matagal ng nakatiwangwag. Ang loob ng bahay ay may isang palikuran at may dalawang maliit na kuwarto. Ang 'triplets' na sina Jei-Jei, Fei-Fei, at Mei-Mei ay magkakasama sa isang kwarto at ang kanilang Ina at Ama ay nasa kabilang kwarto malapit sa may kusina. Ang kwarto ng triplets ay malapit sa palikuran. Si Mei-Mei, ang bunso sa 'triplets' ay madalas pumunta ng palikuran upang dumumi. [ susundan ]

---

Si Mei-Mei madalas madumi dahil ang kanyang tiyan ay may problema lagi kapag nakakainom ng gatas ng kalabaw. Palibhasa nga at galing sa isang hindi pinangalanan na probinsiya ang Pamilya Atrasado kaya ang gatas ng 'triplets' ay nagmumula sa gatas ng kalabaw. Ang Amang Atrasado, sunog ang kanyang balat dahil sa maghapong pamamalagi sa kanilang bukid na isinasaka. Ang kalabaw na pinagkukunan ng gatas ng 'triplets' ay naibenta upang ang perang kinita ay magamit sa pagluwas at paninirahan sa Barangay PAT. Si Mei-Mei ay pinaka-'special' sa 'triplets' dahil sa angking kagandahan ngunit may katangahan sa kanyang mga kinikilos. Bagamat siya ay nagdadalaga, batang-isip pa rin kapag siya ay mangusap sa kanyang mga kapatid na sina Jei-Jei at Fei-Fei. [ susundan ]

---

Si Mei-Mei ay ipinanganak sa ganap na ika-siyam ng gabi nang taong hindi na maalala ng kanyang Ina dahil sa sobrang pagod nito sa panganganak sa 'triplets'. Maputi si Mei-Mei, ipinaglihi sa makopa ng kanyang Ina kaya mamula-mula ang pisngi nito. Habang nagdadalaga si Mei-Mei lumilitaw ang kanyang aking ganda dahil ayon sa kanyang Ina, si Mei-Mei ay kamukha ng kanyang lola na si Maria Clara. Nagsimula palang umusbong ang kagandahan ni Mei-Mei, lapitin na siya ng mga 'boylet' sa kanilang pinanggalingang probinsiya. Madaming kalalakihan ang naaakit sa kagandahang hindi inakala ng kanyang Ina. Ngunit bagamat, may aking kagandahan si Mei-Mei, kapansin-pansin ang likas na katangahan niya sa lahat ng kanyang kinikilos. [ susundan ]

---

Ang Amang Atrasado ay mahal ang kanyang mga 'triplets' ayaw niyang mapahamak ang mga ito lalo na ang kanyang bunso na si Mei-Mei. Napansin ng Ama na si Mei-Mei ay likas nga talagang may katangahan. Minsan may nanligaw kay Mei-Mei at inalok siya ng manliligaw nito ng kaunting pera bagama't nagdadalaga na si Mei-Mei parang ganap na babae na dahil sa kaartehan ninyo sa kanyang katawan. Ang isang manliligaw niya ay halos araw-araw siyang abutan ng pera upang pambili ng mga anik-anik o pampaganda. Lingid ito sa kaalaman ng kanyang mga magulang. Kapag abala ang magulang ni Mei-Mei, lumalabas ito ng bahay dala ang cellphone na Nokia 5110 upang i-text ang lalaking madalas ay mag-abot sa kanya ng pera. Halos walang ginawa ang manliligaw ni Mei-Mei kundi ang ipakita nitong kaya siyang suportahan ng lalaki. Nagsabi pa ang lalaki kay Mei-Mei na handa itong magtrabaho sa abroad para masuportahan lamang si Mei-Mei. [ susundan ]

---

Nalaman ng dalawa pa sa 'triplets' ang ginagawa ng manliligaw ni Mei-Mei. Kaya pinagsibihan ng dalawa niyang kapatid na itigil ang pagtanggap ng pera sa lalaking manliligaw nito. Dahil sa likas na katangahan ni Mei-Mei, pumayag ito sa gusto ng kanyang mga kapatid. Iniiwasan niya ang lalaki na ang pangalan ay Sandong Buhangin dahil ang ugali nito ay magaspang at nagagawa pang kunin ang simpatya ng mga kapatid ni Mei-Mei para mapaibig nito ang tangang nagdadalaga. Madalas kapag nakikita ng lalaki si Mei-Mei na may kausap na ibang lalaki, pilit itong nagpapa-load ng AllTEXT 20 upang sabihan ang kanyang mga kambal sa ginagawa ng kanilang kapatid. Nakarating ito sa kaalaman ng kanilang Ina. [susundan]

---

Ang Inang Atrasado aynagbilin kay Mei-Mei na kung hindi titigil sa pagtanggap ng pera mula kaySandong Buhangin ay mapipilitan itong pauwin at doon lumagi sa kanyang lolo nasi Juan Tanga. Umiyak si Mei-Mei dahil mas gusto niyang manatili kasama ngkanyang mga magulang at kapatid na manirahan sa Barangay PAT. Unti-untinginiiwasan ni Mei-Mei si Sandong Buhangin at tuwing nagti-text ito kung nasaansiya ang sagot ni Mei-Mei ay 'the person you are texting is out of her mind,please look for someone else better than Mei'. At dahil nauubusan ng pang replysi Mei-Mei sa sobrang kulit at magaspang na pag-uugali ng lalaki, si SandongBuhangin ay naisipang ituloy ang kanyang planong makapunta ng abroad at doonhanapin ang kanyang kapalaran. Si Mei-Mei, bagama't nawala sa buhay niya anglalaking ubod ng kulit, isang matipunong lalaki naman ang pilit na gustongpumasok sa buhay ng pinakatangang anak ng mga Atrasado. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PAMILYA ATRASADO Unang KabanataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon