CHAPTER 1
Si Fretzie Joans Ruite Bercede ang tinaguriang pinakasikat sa kanyang school, sa Northbridge High at halos lahat ng mga lalaki ay nagkakandarapa sa harapan niya para lang maging boyfriend ng dalaga. Napakaganda niya at hindi mo maipagkakaila kung bakit lahat ng mga lalaki ay nagkakagusto sa kanya dahil na rin sa kanyang mala-anghel na ugali. Pinambabato siya sa mga beauty contests sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas bilang representative ng Northbridge at talaga naman, palagi siyang nananalo. Siya rin ang laman ng mga gossip column, sports column at pati na rin sa academics column sa kanilang school paper dahil nga sa kanyang kasikatan sa paaralan. Ngunit hingid sa kaalaman ni Fretzie, ay may tila isang lalaking ayaw sa kanya. Siya ay walang iba kundi si James Reid.
Para kay James ay hindi pa sapat ang kagandahan at kabutihang asal ni Fretzie para sa kanya. Tila parang may kulang pa sa dalaga. Napupusuan ni James ang isang dalaga na sa tingin niya ay mas maganda at mas mabait pa kaysa kay Fretzie at heto ay ang pinsan niya na si Yen. Ngunit may iba ng nagugustuhan ang dalaga, si Sam. Si Sam na pinakasikat na Dance Troupe member sa Northbridge. Siya ang Head Member ng Dance Troupe at magaling nga talaga siyang sumayaw kaya naman hindi napigilan ni Yen na mahulog sa binata.
Hayy..ang pag-ibig nga naman. Napakagulo. Si James na ayaw kay Fretzie ngunit nagkakagusto siya kay Yen samantalang si Yen naman ay nagkakagusto kay Sam habang si Sam ay umaasa pa ring magkakabalikan sila ni Fretzie. Magulo hindi ba?
Panibagong araw na naman sa Northbridge High at kadadating palang ni Fretzie sa school kasama ang kanyang mga kaibigan na sila Kazel, Devon at Linn. Si Kazel Kinouchi ang pinakamataray sa grupo ni Fretzie. Shopaholic siya kaya naman hindi mo makikita na nag-uulit si Kazel ng damit. Si Devon Seron naman ang "one of the boys" sa apat ngunit tanggap siya ni Fretzie sapagkat may pagka-tomboy din naman ang dalaga at si Linn Oeymo, ang pinakamahinhin sa apat. Siya ay ang "peacemaker" sa grupo nila sapagkat gusto niya ay walang nag-aaway. Conservative at sensitive si Linn kaya naman mabilis siyang mapaiyak.
Naglalakad ang apat na dalaga papunta sa kanilang locker ng hindi sa inaasahang pagkakataon ay nabunggo ni Fretzie si James at hindi sinasadyang nabitawan ni James ang iPod niya at naapakan pa ito ni Fretzie. Nakita ni James na nasira ang kanyang iPod at hindi niya maiwasang uminit ang ulo. Nakita ni Fretzie na nagliliyab na si James sa galit. "Fretzieeeeeee!!! What have you done? Look at this!" pasigaw na sabi ni James habang pinupulot ang nasirang iPod at pinamumukha niya kay Fretzie ang nagawang kasalanan nito.
"Oh my gosh! I'm sorry, hindi ko sinasadya na maapakan. Papalitan ko na lang siya, mas bago pa at mas maganda." pag-aalalang sabi ni Fretzie. Halata sa boses niya na ang panginginig dahil na rin sa sobrang takot niya kay James. Ngayon lang niya nakita na ganoon magalit ang isang James Reid.
"Do you know what I lost because of you?" pagalit na tanong ni James kay Fretzie. Umiling-iling si Fretzie habang nakatungo sapagkat nahihiya siya ng sobra sobra kay James.
"I've lost everything! My music, my memories, my videos and even some of my important documents are inside this iPod that you recently stepped on! You can replace this iPod but those important things inside...well, you can't." sabi ni James habang pinipilit niyang pakalmahan ang kanyang sarili sapagkat alam niyang nasisira niya ang magandang imahe ni Fretzie sa school.
"Sor--" magsosorry na dapat si Fretzie ngunit bigla na siyang inalisan ni James. Iniwan ni James si Fretzie na nakatayo roon at nakatungo. Hindi na napigilan ni Fretzie na mapaluha sapagkat sobra ang kanyang pagkahiya kay James at pati na rin ay napahiya siya ni James sa harap ng maraming tao. Nilapitan siya nila Kazel at tsaka siya niyakap ng mahigpit upang kahit papaano ay mapagaan nila ang loob ni Fretzie.
"Halika, ayusin mo sarili mo sa washroom." sabi ni Linn sabay akbay kay Fretzie at pumunta na sila sa washroom.
"Guys! punta na kayo sa room niyo, wag niyo ng intindihin pa ang nangyari kay Fretzie kanina." sabi ni Devon sa mga taong nakapalibot pa rin sa may hallway ng school.

YOU ARE READING
A Million Kisses
Hayran KurguPaano kung mahulog ka sa taong pinaka-ayaw mo? Mako-control mo pa ba ang nararamdaman mo?