Chapter 3

263 4 0
                                        

Chapter 3

Sabado na kaya naman tanghali na gumising si Fretzie. Bumangon siya at tsaka tumungo sa kanyang banyo at naghilamos at nagsipilyo. Ipinusod niya ang kanyang buhok at tsaka lumabas ng kanyang kwarto. Bumaba na siya ng hagdanan at may napansin siya na parang may ingay na nanggaling sa kusina. Isang babae at isang lalaki. Ang babae ay si Yen at ang lalaki ay hindi niya mamalayan kung sino ngunit pamilyar na ang boses. Bumaba na siya ng tuluyan at nagpunta sa kusina para malaman niya kung sino ang naguusap sa roon. Nagulat siya nang makita niya si James na nasa kusina at nakikipagusap kay Yen ngunit hindi siya napapansin ni James sapagkat nakatalikod ito sa kanya.

"Oh, Fretzie, gising ka na pala." sabi ni Yen. Nakatingin lamang si Fretzie sa likod ng binata at ibinaling niya ang kanyang tingin kay Yen nang nakita niyang humarap sa kanya ang binata.

"Bakit nadito si James?" tanong ni Fretzie sabay punta sa refrigerator at kinuha ang isang carton ng gatas.

"Why? Am I not allowed to come here?" sarkastikong tanong ni James. Tiningnan lang siya ng dalawang dalaga at tsaka napangiti si Yen.

"Hindi." sagot ni Fretzie sabay upo sa tabi ng pinsan niya.

"Kasi nagyayaya si James na manuod daw ng movie since it's weekend." sagot ni Yen sa tanong ni Fretzie kanina.

"Ahh...sino sino mga kasama?" tanong ni Fretzie.

"Enrique, Sam, Linn, I'm not sure with Kazel and Devon but I'm hoping that they could come and then Yen is also coming." sagot ni James.

"Ahh...tanungin ko na lang yung dalawa. Wait, tawagan ko na lang." sabi ni Fretzie sabay tayo at tsaka nanakbo pataas ng hagdan. Maya-maya lamang ay naririnig na nila James at Yen si Fretzie na bumababa ng hagdan at may kausap pa sa kanyang phone. "Oo...ay, ganun? Sige, next time na lang. Bye." sabi ni Fretzie sa kanyang kausap. Ipinatong niya ang kanyang cellphone sa dining table at tsaka umupo ulit sa tabi ni Yen.

"Ano sabi?" tanong ni Yen.

"Devon can't come...she has a championship game and then Kazel can't come because her family would be out of town this weekend." sagot ni Fretzie.

"So, that means that Enrique, Sam, Linn, Yen and you would come later." sabi ni James.

"At sinong may sabing sasama ako?" pabirong tanong ni Fretzie.

Napatigil si James sa pagkain ng oatmeal na niluto ni Yen at bahagyang nagulat sa sinabi ni Fretzie. "Haven't you agreed yet?" tanong ni James. "I was just kidding. Siyempre sasama ako." sabi ni Fretzie na nakangiti. Napangiti si James kay Fretzie at tsaka ipinagpatuloy ang kanyang pagkain ng oatmeal na iniluto ni Yen na pang-umagahan.

Pansamantalang nag-aabang sina James, Yen at Fretzie sa mall na malapit sa bahay ng mag-pinsan nang biglang nagvibrate ang cellphone ni Fretzie. Kinuha niya ito sa kanyang maliit na purse at binasa ang message. Pagkatapos niyang basahin ay tiningnan niya si James at Yen. "Guys, nagtext si Sam...san daw mismo ang meeting place." sabi ni Fretzie habang hawak hawak ang kanyang cellphone na tila naghihintay ng sagot ng dalawa para i-reply niya kay Sam.

"Starbucks." sagot ni James sabay lakad patungo sa Starbucks. Malapit lang naman ang Starbucks mula sa kanilang kinatatayuan kaya napagisipan ni James na dun na lang magkita kita ang grupo. Ibinaling ni Fretzie ang kanyang tingin sa cellphone at tsaka nagreply kay Sam habang sinusundan si James at Yen patungo sa Starbucks.

After thirty minutes...

"Hay, sa wakas! Dumating na rin kayo." pagbibiro ni Fretzie sa kadadating pa lang na magkasintahan na si Linn at Enrique.

"Nako, pasensya na kayo kay Enrique, ha? Masyado pa kasing nagpapogi para lang sa lakad na ito." sabi ni Linn.

"Bakit? Hindi ba ako pogi?" pabirong tanong ni Enrique habang nagpopose ng parang nagpapapogi.

A Million KissesWhere stories live. Discover now