Chapter 6
"Where the heck is Fretzie?" naiinis na tanong ni Kazel. Bigla namang naglaho ang inis ni Kazel nang may pumarada sa harapan nila ni Linn at Enrique. Nagulat ang barkada nang makita nilang bumaba si Fretzie sa kotse at mas lalo pa silang nagulat nang nalaman nila kung sino ang kasama ni Fretzie.
"Fretzie?!" nagulat na tanong ni Kazel.
"Kazel!" sigaw ni Fretzie sabay yakap sa kaibigan.
"Linn!" sigaw ulit ni Fretzie sabay yakap.
"Oh, bakit parang ngayon lang tayo nagkita-kita sa sobrang pagkayap mo?" natatawang tanong ni Linn.
"Eh kasi...palagi kayong busy tapos ako walang kasama. Mabuti na lang at nandiyan si James." sagot ni Fretzie.
Nagkatinginan ang magbabarkada nang marinig nila ang sagot ni Fretzie. Nagkatinginan din si Fretzie at James. "Kayo ha? Anong ginawa niyo habang busy kami?" tanong ni Enrique. "She stayed in my house." agad na pagsagot ni James. Halatang nagulat ang buong barkada.
"Guys, nothing happened. She just stayed there since no one's in her house and she's afraid of being alone then, we watched a whole lot of movies and she slept. Plus, Yen told me to look after her so I let her sleep in my house." paliwanag ni James. Napangiti naman si Linn at Kazel kay Fretzie at tsaka hinigit siya palayo sa barkada.
"Asan si Devon?" tanong ni Fretzie.
"She's still in Malaysia." sagot ni Linn.
"Anyway, baka magkadevelopan kayo ni James niyan, ha?" pangloloko ni Kazel.
"Ano?! Hindi noh! Si Sam lang ang mahal ko at wala ng iba," sagot ni Fretzie. "Tsaka si Ate Yen ang mahal niyan noh!" dagdag pa ni Fretzie.
"Sige, ganyan pala ha? Sige, pinky swear. Promise mo sa'min na si Sam lang talaga ang mahal mo at hindi ka mahuhulog kay James." sabi ni Linn. Napangiti naman si Fretzie. "As if naman na mahuhulog ako sa lalaking yun." sagot niya.
"Dude, ano? Kamusta na kayo ni Yen?" tanong ni Enrique kay James. Naalala naman agad ni James ang mga nangyari sa kanila ni Yen kahapon sa park kaya naman biglang nag-abot langit ang mga ngiti ni James.
"She still didn't agreed yet to be my girl. She said na pakiligan ko pa raw siya." sagot ni James.
"Sus, yun lang naman pala eh! Kung ang pagpapakilig mo lang ang magpapasagot sa kanya, eh di bakit hindi mo gawin?" sabi ni Enrique. Tumango naman si James. "Gagawin ko naman yun eh." sagot ni James.
"Dapat lang." sabi naman ni Enrique.
Bigla namang tumunog ang PA system at napatigil naman ang barkada sa pagkwekwentuhan upang makinig sa announcement ng PA system. "Good morning, students. To all officers of each club, please report immediately to the Assembly Hall for some short meeting." sabi ng announcer.
"Sige, punta na ako." sabi ni Fretzie. Si Fretzie ay ang president ng Theatre Club kaya naman kailangan niyang pumunta sa Assembly Hall. "Me too." sabi rin ni James. Si James naman ay ang President ng Sports Club dahil na rin sa kanyang pagiging swimmer, gymnast at triathlete. "Sige guys, ako rin kailangan ko rin pumunta sa Hall." sabi ni Linn.
"Sige, punta na kami sa class." sabi ni Enrique at Kazel.
"Bye! See you guys later." sabi nila Fretzie, Linn at James.
Naglakad na palayo ang tatlo papuntang Assembly Hall. Napapansin ni Linn na parang masyado naman atang close kung maglakad si Fretzie at James dahil magkadikit ang kanilang balikat habang naglalakad. Pinabayaan na lamang ito ni Linn at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Pagdating nila sa Assembly Hall ay puno na ito ng estudyante kaya naman sa dulo sila napunta. Habang naglalakad ang tatlo ay may biglang tumawag kay Fretzie. "Fretzie!" Napalingon si Fretzie at nakita niya na si Shey at Tricia ang tumawag sa kanya. Bigla namang naglaho ang saya sa mukha ni Fretzie dahil naalala niya ang mga sinabi ng dalawa. Napansin namam ito ni James.

YOU ARE READING
A Million Kisses
FanfictionPaano kung mahulog ka sa taong pinaka-ayaw mo? Mako-control mo pa ba ang nararamdaman mo?