Chapter 7
"Guys, okay lang kayo?" nag-aalalang tanong ni Linn. Napangiti naman si Sam at si Fretzie naman ay napilitan. "Oo naman. Si Fretzie ang tanungin mo." sagot ni Sam. Tiningnan ni Linn at James si Fretzie na napapaluha na sa sobrang tawa. "Oo naman. Si Sam naman kasi eh, sobra kung makapagpatawa." sabi ni Fretzie. Nakahinga na ng maluwag si Linn at James dahil sa inakala nila na may masamang nangyayari sa dalawa.
"Uwi na nga lang tayo." sabi ni Fretzie.
"Tara, I'll take you home." sabi naman ni Sam.
"No, I'll take her home. Besides, my house is nearer than yours." sabi ni James. Napatingin si Sam kay Fretzie pati na rin kay James. Tumango na lamang siya at napabuga ng hangin. "Be sure to take her home safely." bilin ni Sam.
"I will." sagot ni James. "Sam, sabay ka na sa akin." alok ni Linn. "Sure. Sige, mauna na kami ni Linn." sabi ni Sam. Pagkaalis ni Linn at Sam ay halata sa mga mukha ni Fretzie at James ang tuwa. "So, san na tayo?" tanong ni Fretzie.
"Dunkin' Donuts." sagot ni James.
"Ha? Bakit dun?" tanong ni Fretzie.
"Just wait and see." sabi ni James sabay kindat kay Fretzie.
"Okay." sagot ni Fretzie na napapatawa.
Habang naglalakad sila patungo sa parking lot ng school ay biglang napatingin si James kay Fretzie. "You know, bestfriends have this so called 'nicknames' for each other. What do you want me to call you?" tanong ni James. "Uhm-" magsasalita na sana si Fretzie nang bigla siyang sinumbatan ni James.
"I don't want those nicknames that is already used like Fretz, Charming, or even Charms." sabi ni James. "Charming? Paano mo nalaman yun?" tanong ni Fretzie. "It's pretty obvious." sagot ni James. "Now, what do you want me to call you?" tanong ni James.
"Ewan ko. Siguro mamaya na lang pag may naisip na ako. Pag may naisip ka ha, sabihin mo." sabi ni Fretzie.
"Okay." sabi ni James. Sumakay na silang dalawa sa kotse ni James at tsaka nagdrive patungo sa isang branch ng Dunkin' Donuts. Pagpasok nila roon ay sila lamang ang costumer. "Good evening, Sir James." bati ng isang employee.
"Sir James?" tanong ni Fretzie.
"Yes, my father owns Dunkin' Donuts." sagot ni James.
"Ahhh!! Alam ko na itatawag ko sa'yo." sabi ni Fretzie na parang bata.
"What?" nakangiting tanong ni James.
"DD." sagot ni Fretzie.
"DD?" tanong ni James.
"Yes, DD. DD for Dunkin' Donuts." sagot ni Fretzie. Lahat ng employee sa loob ay sa kanilang dalawa nakatingin at may mga ngiti sa kanilang mga labi. "Si sir, oh. May type na ata." sabi ng isang babaeng employee. "Oo nga eh." sagot naman ng isa. Naka-order na si James at Fretzie at tila nagsasaya sila sa piling ng isa't isa.
"Wanna go walking?" tanong ni James.
"Sige ba." sagot naman ni Fretzie sabay tayo.
"I still don't have an idea on what to call you." sabi ni James habang pinagbubukas niya ng pinto si Fretzie. Naglakad lakad sila hanggang sa naabot nila ang park. Wala ng masyadong tao sa park dahil gabi na. "DD." tawag ni Fretzie.
"Yes." nakangiting sagot ni James.
"DD, upo muna tayo." sabi ni Fretzie.
"Okay." sagot ni James.
Naglakad sila ng sandali hanggang sa maka-upo na sila sa malapit na bench. "Fretzie, what's your favorite chocolate? Just asking." tanong ni James. "Ako? Uhm...Patchi. Kasi my brother have these so called list of 'special chocolates' and one of them was Patchi. So, parang naweirdohan ako sa name kaya tinanong ko siya. He said that it's one of the most expensive chocolates and he promised me to buy one no matter what the price is." sagot ni Fretzie.

YOU ARE READING
A Million Kisses
FanfikcePaano kung mahulog ka sa taong pinaka-ayaw mo? Mako-control mo pa ba ang nararamdaman mo?