Nandito kami ngayon sa isang kalsada at nakikita kong madaming nagkukumpulang tao sa kabilang linya.
“Anong nangyayari doon?” tinuro ko ang kinaroroonan ng mga tao kay Ybeth.
“ipapakita ko sayo ang proseso ng pagpunta sa langit.” nagsimula siyang maglakad sa gitna ng kalsada.
“kalsada.” parang nanigas ang aking mga paa, “sasakyan” parang naninikip ang aking dibdib. Nararamdaman ko ang lakas ng ugong nito. Kagaya noong oras na sinalpok ako ng malaking truck.
Nilakasan ko ang loob ko at muling hinakbang ang aking mga paa.
“kailangang maging malakas ako. Isa akong protektor”.
Naunang nakarating si Ybeth sa kabilang linya. Nakita kong nakatayo ang isang lalakeng nakaputi sa harapan ni Ybeth na wari'y nag-uusap sila.
Kapareho din siya ng aming damit. Ibig sabihin anghel din siya, ang kaibahan lang ay ang wala siyang marka sa leeg.
“siya si Hans, Isa siya sa membro ng mga Acceptors. Ibig sabihin sakanila muna dadaan ang kaluluwa bago mapunta sa mga Indicators.” pinagmasdan ko ng maigi ang lalake at nakita kong may marka din ngunit iba sa amin. Isa itong hugis puso na nakalagay sa may malapit sa pulso niya.
Nakita ko ang isang babaeng nakahiga napinaliligiran ng mga tao, halos mabalutan ng dugo ang kanyang damit .
“halika na!” pagtawag ni Hans sa babae at siyang ikinagulat ko ng sumulpot ang kaluluwa nito sa aking tabi mukhang nagtataka ito. Ng mabaling ang tingin niya sa mga tao, napatakip na lamang ito ng bibig.
“sumama ka saamin ” saad ni Hans. Labag man sa loob ng babae ang nangyayari wala siyang magagawa.
Pinagmamasdan ko lang nangyayari sa aking paligid.
“Prieme, subukan mong gamitin ang kapangyarihan mo. Isipin mong makakapunta ka sa itaas at gamitin mo ang pwersa mo para makontrol ito” nabigla ako sa sinabi niya. Pero sinubukan ko ito.
Pinikit ko ang aking mga mata at inisip na makakapunta ako sa itaas. Nakaramdam ako ng parang malakas na pwersa na bumabalot sa katawan ko at gaya ng naramdaman ko kaninang bumaba kami sa lupa ay siya ding nararamdaman ko ngayon.
Nang buksan ko ang aking mga mata laking gulat ko nanaman ng makita ang aking kinaroroonan. Nandito kami sa itaas, sa isang hall na napakatahimik sa harapan ng isang malaking nagliliwanag na poste.
“nandito tayo sa kwadro ng mga Indicators. Sila ang magdidikta kung saan babagay ang kanyang kaluluwa. Dahil may limang klasipikasyon ang mga kaluluwa. Una ay ang mga Warriors, Protectors, acceptor at ang mga ordinaryo.” napatango nalamang ako at pinagmasdan ang tatlong malalaking pintuan . pintuan kung saan ka papasok sa grupong iyong kinabibilangan.
Warriors sila ang unang sasabak sa mga labanan kung mayroon man.
Protectors sila ang taga pangasiwa ng kaharian at tagapagbantay, tagapagtanggol at taga pag ayos sa mga ordinaryo.
Acceptors sila ay ang mga grupong laging nasa lupa ang trabaho, sila ang taga pagsundo sa mga kaluluwa, at sila ang tagahatid sa mga Indicators.
Indicators sila ang bahalang huhusga sa kaluluwa, sakanila nakasalalay ang papupuntahan ng nga kaluluwa. Sila ang kumikilatis sa bawat isa.
Ordinaryo sila ang tumutulong sa pangangasiwa sa kaharian.
Yan ang mga klase ng kaluluwa na nabubuhay sa kaharian.
“Corrine Bueno, 23 taon. Kabilang ka sa grupong Acceptor. Hindi kayo halos namamalagi dito dahil ang trabaho niyo ay nasa lupa, si Hans ang pinakamataas na miyembro ng Acceptor. Hans ikaw na ang bahalang magpaliwanag sa kanya kung ano ang dapat gawin” anunsyo ng babae, nakikita sa kanyang mga mata ang dedikasyon sa misyon at ang awtoridad sa kanyang pagsasalita.
“Serina ang kanyang pangalan, siya ang pinuno ng mga Indicators.” gaya ng aking hinala siya din pala ang pinuno. Nakita ko ang kanyang marka sa kanyang leeg isa itong Libra. Sa aming marka ay nakapwesto sa kanang bahagi ng aming leeg, sakanila naman ay sa kanan naman.
Pagkatapos ng pagpapakilala pumunta kami sa huling grupo, sa kuta ng mga warrior.
Pumasok kami sa isa sa mga malaking pintoan na kanina ko pang pinagmamasdan, sumalubong saamin ang isang matikas na lalake.
“Dravis! Masaya akong makita ka, kasama ko si Prieme ang pinakabagong miyembro ng Protector squad. ” iniabot ko ang aking kamay at nakita ko ang kanyang braso na may marka ng dalawang magkasanggang espada .
“masaya akong makilala ka.” boses palang ni Dravis ay parang matatakot na ako. Hindi naman sa matatakutin ako ngunit sa palagay ko siya ang pinuno ng mga warrior.
“siya ang pinuno ng mga Warriors.” at sinagot nga ni Ybeth ang aking palaisipan.
“Ngayon na alam mo na ang proseso at ang iba't ibang grupo. Sanayin mong kontrolin ang iyong kapangyarihan upang sa gayo'y mas mapapadali ang ating trabaho. Bumalik na tayo sa ating silid upang tayo'y makapagpahinga kahit kaunti.”
Sinubukan ko ulit gamitin ang aking kapangyarihan at unti-unti makakaya ko nang kontrolin ito.
Nang dumating ako sa aking silid, agad kong naramdaman ang aking pagkapagod kaya humiga na lamang ako sa aking kama.
“good night Prieme.” hindi ko na naramdaman ang aking sarili at tuluyan ng nahimbing sa pagkakatulog.
BINABASA MO ANG
Fight for Love
FantasyDEATH. A single yet powerful word. DEATH. Ito ang patutunguhan ng lahat ng may buhay sa mundong Ito. Kinakatakutan ng nakararami. Iniiwasang mangyari ng halos lahat. Ngunit ang kinakatakutang KAMATAYAN ay sya namang dahilan ng pagtatagpo ng dalawang...