~ Alexander Kyle Taylor ~
*kring.kring.kring*
Yan ang tunog ng alarm clock ko.
*kring.kring.kring*
Dahil sa ingay nagising ako at pinatay ang alarm. Bumangon na ako at naligo. Pagkatapos kong maligo ay ginawa ko na ang morning routine ko. Kumain na ako.
"Dad! Pasok na po ako!" Sigaw ko. Hindi ko pa kasi nakikita si Dad.
Lumabas siya at binigyan ako ng allowance. Nag-drive na ako patungong school. Sinundo ko pa si Jana sa house nila. Good boyfriend kaya 'to.
Habang nasa biyahe kami. Tahimik lang.
Pagpasok namin sa parking lot. May mga fans kami.
"Ay! Ang gwapo ni Alex!"
"Ah, bagay talaga sila ni Jana. JaLex kami!" Sabi nung isang babae. JaLex?
"Yeah girl! JaLex na rin ako. Jana and Alex! Kyahhh!" Girl 3. Ahhh.
"Ang sweet niya oh! Sinundo pa talaga niya si Jana para magkasabay sila!"
"Hindi sila bagay! Mas bagay kami!"
"Alexander Kyle Taylor! Ang gwapo mo! Akin ka nalang!"
Ilan lang yan sa mga narinig kong tilian.
Pagdating namin sa room. May nakita akong picture naming dalawa ni Iris nung nag-kiss siya sa cheeks ko nung panahong inihatid ko siya sa bahay nila. May nakalagay pang, 'akala mo mahinhin, may tinatago palang landi'.
Sino naman ang nagpakalat nito? Malaman ko lang kung sino ang nagpakalat nito, hindi na makaka-graduate dito.
Hindi ko alam, pero agad hinanap ng mata ko si Iris. Pero wala siya. Nakita ko si Thea.
"Thea, nakita mo ba si Iris?" Tanong ko sa kanya.
"Huh? Hindi mo ba siya kasama? Sabi niya, nag-text ka sa kanya, magkita daw kayo sa likod ng school." Sabi pa niya.
Huh? Hindi ko naman siya nakasama eh. Wala naman akong load. Sino kaya yun?
"Hindi ako nag-text sa kanya." Sabi ko.
"Huh!? Are you sure!? Sabi mo pa nga sa text, naki-text ka lang." Sabi niya.
"Hindi, hindi talaga. Kahit kailan hindi ako nanghiram ng cellphone ng iba." Sabi ko naman.
"Hala! Asan kaya yun? Masama ang kutob ko." Sabi pa niya. Bigla naman akong kinabahan. Tama siya.
"Tawagan mo nalang kaya." Sabi ko.
Tinawagan naman niya pero hindi sumasagot. Mas lalo akong kinabahan.
Nag-decide kami ni Thea na pumunta sa likod ng school. Pagdating namin doon nakita namin ang isang babae na nakahiga at naka-blindfold at naka-tape ang bibig. Ang gulo ng buhok niya. At ang dami niyang pasa. Nakatali pa ang kamay niya sa upuan.
"Oh my!" Sabi ni Thea. Tumakbo siya patungo kay Iris. Sinundan ko nalang siya. Tinanggal niya ang blindfold at ang tape sa bibig niya. And then, we found out na si Iris ang babaeng ito. Hindi agad kami nakapagsalita. Napahawak nalang si Thea sa kanyang bibig.
"Oh my! Alex! Dalhin natin siya sa clinic!" Nagpa-panic na sabi niya. Binuhat ko naman siya patungong clinic.
'Pag may mangyari sa bestfriend ko, hindi nila magugustuhan ang gagawin ko.
BINABASA MO ANG
Sweet Love
Teen FictionSunrise... We played together... Dumating ang araw ng pag-uwi nila, kasi nagbakasyon lang sila dito sa Pilipinas... We stop playing... Face to face... Then she gave me a locket... And she kept the key... Promising to each other, we get married and t...