Mabilis na tinaas ni May ang kamay niya at ito'y nagliwanag naman agad. Binuhat ko ng magkabilang kamay ang dalawang bangkay ng zombie at ibinato ito sa One-Eyed Samurai.
"FROZEN LICH!"
Nagmaterialize ang Frozen Lich ni May sa unahan ko at mabilis itong gumawa ng mga frozen spears para ibato ng sabay sabay sa One-Eyed Samurai. Tulad ng mga bangkay na zombie na binato ko hinati lang din ng monster boss na ito ang mga frozen spears ng Frozen Lich.
"SHOTGUN PUNCH!"
"FIRE BALL!"
Tumakbo ako papalapit sa monster boss habang may hawak-hawak na bangkay ng another zombie at ibinato ko ito sa kanya. Sabay-sabay na tumama ang Shotgun Punch, Fire Ball, at ang bangkay ng zombie sa One-Eyed Samurai ngunit katulad din ng nauna nadepensahan pa din ito ng monster boss sa tulong ng isa pang tumubong braso dito. Subalit ang di inaasahan nito ay ang mabilis kong pagsulpot sa may kaliwang bahagi nito. Ginawa kong distraction ang tatlong projectiles na iyon upang hindi niya mapansin na mabilis akong nagtatakbo papalapit sa kanya.
Dahil sa hindi karaniwang tigas ng balat ko ay hindi na ako nagamit ng beginner's knife dahil mas malaki ang nagagawang damage ng suntok ko kesa sa kutsilyong iyon.
Hinablot ko ang isang braso nito at hinigit ito papunta sa akin. Dahil sa force na inexert ko kasabay ng unexpected na pagsulpot ko sa kaliwa ng monster boss ay nagulantang siya at nawala sa balance. Sinubukan niyang mag-retaliate at ini-slash niya sakin ang isang samurai sword na hawak ng dalawa niyang kamay ngunit bago pa ito tumama sakin ay sinalubong ko ng headbutt ang ulo niya. Sa lakas ng force na ginamit ko sa paghigit ng isa niyang kamay nadagdagan ang damage na nabigay ko sa kanya.
Pagkaheadbutt na pagkaheadbutt ko dito sinipa ko ito sa sikmura palayo.
"IGNORE ALL! FOCUS FIRE!" Sigaw ko
Swiis
Swiis
Boom!
Bang Bang!
Bang Bang Bang!
Sunod-sunod na pag-atake ng Frozen Spear, Fire Ball, Shotgun Punch at baril ang tumama sa One-Eyed Samurai.
"Heal!" "Heal!" "Heal" Sigaw ni Nonnee, Teddy at May.
Dahil sa One-Eyed Samurai lamang kami nagfocus may mga zombie ang inaatake kami pero thanks sa Iron Skin konting scratch lang ang natamo namin at hindi mapasok ng bacteria or whatever virus ang aming katawan.
"Pano ako!" sigaw ko!
"Mamaya nagkucool down pa! Makunat ka naman tiis ka muna!" Sigaw ni Nonnee habang tinitignan an gaming dakilang tagapulot na si Bryan habang pumupulot ng mga potion na nakakalat.
Dahil sa Frozen Spear at Fire Ball nagkaron ng makapal na usok na humarang sa One-Eyed Samurai. Mabilis din naman itong inalis ng ihip ng hangin. Dahan-dahang lumabas sa usok ang One-Eyed Samurai at naglakad ito ng dahan-dahan papunta sa amin. Naninigas sa yelo ang kaliwang bahagi ng katawan nito at kita sa kanang bahagi naman nito ang pagkasunog. May limang tama ng bala ang mukha nito.
"Heal!" agad akong ginamitan ni May ng heal niya.
"May, mag-ipon ka na ng maraming-marami na Frozen Spear!"
"Bakit?"
"Basta!" sagot ko dito
Isa-isang nagmaterialize ang mga lumulutang na Frozen Spear sa paligid ng Frozen Lich. Ramdam ko ang lamig na inilalabas ng mga ito.
"Tang ina, hingal na hingal na ko!" hingal-hingal na sabi ni Teddy habang nakakapit kay Nonnee.
ROOOOOOOOOOOOAAAAAaaaaaaaarrrrrrrrrrr!
Sumigaw ng napakalakas ang monster boss na parang sa laro kapag mamamatay na ang boss lalong lumalakas! Yumuko ito at mabilis itong tinutubuan ng braso. Isa-isang nalabas ang mga braso nito sa iba-ibang parte ng katawang nito.
"SHIT!"
"JYX!"
Mabilis akong tumakbo papunta sa nakayukong One-Eyed Samurai. Tumalon ako at pinagdikit ang aking dalawang kamaon at inihampas ito na parang hammer na pa-horizontal. Napansin kong lalo pang kumunat ang katawan nito. Kagaya ng una, nakayuko pa din ito at tuloy-tuloy na tinutubuan ng mga braso.
WAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHhhhhhhhhhhhhhhhh!!
Sigaw ito ng sigaw na tila nasasaktan sa bawat pagtubo ng mga braso nito. Hinablot ko ito sa buhok at ibinato ng mahina sa era. Pag-abot nito sa saktong taas in-upper cut ko ito gamit lahat ng aking lakas. Itinodo ko lahat lahat.
Booom!!
Tinamaan ito sa tagiliran habang nasa ere at dahil sa lakas ng pwersa na ibinigay ko ay lalo siyang tumalsik pataas.
"NGAYON NA! FOCUS FIRE!" sigaw ko!
Swiis
Swiis
Swiis
Swiis Swiis Swiis Swiis Swiis Swiis Swiis Swiis Swiis Swiis
Swiis Swiis
Swiis
Boom!
BOOOM!
Lahat ng skill na meroon kami ay binato nila lahat sa One-Eyed Samurai. Inaasahan at ipinagdarasal ng bawat isa sa amin na sana matapos na ito dito pero hindi kami pinakinggan ng langit .......
<WARNING!
Your "Unknown Party" personally witnessed the whole process of a evolving monster, if possible run.>
<Dungeon Boss: YinYang One-Eyed Thousand Armed Warrior
Boss Difficulty: 3>
BINABASA MO ANG
Beast Mode: On
Science FictionAng bawat isa sa atin ay may sari-sariling consciousness and inner thoughts, hindi mo pwedeng i-judge as a whole ang lahat ng tao dahil ang bawat isa sa mga ito ay magkakaiba, may uniqueness. Mabilis na tumatakbo ang oras pero sa iba ito'y mabagal n...