Prologue
Si Alexia Marie Steve Morgan ay ang kaisa-isang anak nina Haring Laurent Jacob Morgan na nagtataglay ng kapangyarihan ng Apoy at Hangin at Reyna Ruby Morgan na nagtataglay ng kapangyarihan ng lupa at tubig. Si Prinsesa Alexia ay napakaganda, napakabait at halos ng magagandang katangian ay nasa kanya na at namana niya ang lahat ng kapangyarihan ng kanyang magulang kaya siya ay napakalakas. Pinaghaharian ng kanyang mga magulang ang buong elementalia at ito ay nahahati sa apat na bahagi at ito ang kaharian ng Flamma (fire), Adaquo (water), Aether (air), Mundus (earth). Sa bawat kaharian ay pinamumunuan ito ng mga hari at reyna. Si Haring Laurent at Reyna Ruby ang pinakamataas sa lahat ng hari at reyna.
Noong una ay maayos ang lahat pero may isa na nainggit sa kay Haring Laurent at ito ang kanyang matalik na kaibigan. Dahil sa tinding inggit nito ay gumawa siya ng hukbo upang mapatalsik sa pwesto ang hari at nagkaroon ng digmaan. Dahil sa nangyaring digmaan ay napunta ang prinsesa sa mundo ng mga tao dahil pinatakas ito ng mahal na reyna ngunit di na nila alam kung saan napunta ang prinsesa. Nanyari ito samung taon na ang nakakalilipas at pitong taon palang ang prinsesa noon. Nasaan na kaya ang prinsesa? Naalala pa niya kaya ang elementalia? Mahahanap kaya siya ng hari at reyna?
Abangan...........
____________________________________________________________________________________
First time ko po gumawa ng fantasy.. pasensya na po kayo kung may mga errors. Pls. vote and comment po para po malaman ko kung maayos po ba ang aking pagkakagawa at ng maayos kop o at mapaigi ko pa ang aking pagsusulat.
BINABASA MO ANG
Elementalia Magicae Academia
FantasíaSi Lena Marie Aragon ay isang ordinaryong tao. Ulila na siya at nakatira siya sa kanyang inaakalang kamag-anak. Matalino, maganda, at mabait siya. Masaya siya sa kanyang buhay kahit di sila mayaman pero may kaya naman. Nag-aaral siya sa William Acad...