Nakauwi na kami mula sa ospital makalipas ang isang linggo
Ayos na ulit si Lolo ngunit na stroke sya.
Kahit hirap syang magsalita sinabi nya na gusto nyang makausap ang apo nya ..
Kaya sinabi ko ang gagawin kapag narinig nyang tumutunog ang cellphone nya.
Lumayo ako sakanya pero tanaw ko parin sya..
(Hello)
Narinig ko palang ang boses nya naiiyak na ko..
"Lo kumusta kana"
(Ok lang ako. Ikaw apo kumusta kana? Alam mu ba miss na miss na kita apo ko..)
Kahit mahirap sumagot dahil sa sobrang pag iyak. .
Sumagot parin ako
"A-ayos lang din po ..m-miss na miss na din kita Lolo..malapit na po akong umuwi..magkikita na tayo ulit..magpagaling na po kayo ah."
Sabi ko
"Oo apo magpapagaling ako ..basta umuwi kana ha." Sabi nya
"Opo lo..uuwi nako..lo mahal na mahal po kita."
Sabi ko at nagpaalam na sakanya.
Pagkatapos kong magpunas ng luha ay agad agad akong pumunta kay Lolo.
Tinatung ko sya kung bakit sya umiiyak..ang sabi nya masaya lang daw sya dahil tumawag na ang apo nya ngumiti ako.
Niyaya ko lang pumasok na sa loob pero ang sabi nya mamaya na daw
Napag isip isip ko na di ko pala kayang iwan si Lolo ni mawala sya ayoko.
Mahal na mahal ko sya Higit pa sa buhay ko at pinagdadasal ko na sana mas habaan pa ng diyos ang buhay nya para mas makasama ko sya ng matagal.
Natigil ako sa pag mumuni muni ng tawagin ako ng isa sa mga katulong sa rest house ..
kinuha ko ang dala nyang pagkain at nilagay sa lamesa.
"Lo kumain ka na..para gumaling kana agad." Sabi ko pagkatapos ay sinubuan sya ..
Lo..aalagaan kita hanggat makakaya ko...
kakayanin ko to..pero sana lumaban ka din at wag bibitaw...Kung papapiliin ako ng diyos kung sino ang pipiliin kong makasama habang buhay ..
Mas pipiliin kong makasama si Lolo mahal na mahal ko sya ..isasakripisyo ko lahat para sakanya.
Ganyan ko sya kamahal..
"Sana yung apo ko ang gumagawa nito ngayon " sabi nya
Gusto ko sana na sabihin na ..
"Ako po yung apo nyo ..si Ken ...andito na ulit ako hindi na kita Iiwan..Kaso hindi ko magawa ..baka hindi nya ko paniwalaan na ako ang apo nya..
Pagkatapos naming kumain
inalalayan ko sya papasok sa rest house binaybay namin ang mahabang pasilyo papunta sa kwarto nya ..Pagpasok namin ay inihiga ko sya hinintay kong makatulog sya bago ako lumabas ..
"Sweet dreams Lolo" sabi ko at tuluyang lumabas at pumunta na sa sarili kong kwarto.
BINABASA MO ANG
Be With Him Until He Was Gone (Completed)
HumorGaano mo kamahal ang Lolo mo? Kaya mu bang isakripisyo ang lahat para sa kanya? Hanggang sa huling hininga nya? Kaya mu rin bang makasama sya? Alagaan sya? kahit hindi ka na nya kilala bilang apo nya? Subaybayan natin ang buhay ni Kenneth Sandova...