Chapter 1
Lunes ngayon at maagang nagising si Lena dahil magpapaenroll siya ngayon. Five-thirty ng umaga siya nagising. Nagdasal muna siya at inayos niya ang kanyang higaan. Hinahanda na niya ang kanyang sarili sa pag-alis papunta sa school. Naligo siya at habang naliligo ay nag-mumunimuni. Iniisip niya kung ano ang mangyayari sa kanya ngayong bagong school year.
Lena POV
Exited na akong mag college! Isang buwan nalang magkacollege na ako. Ano kaya ang magiging experience ko? Sa William Academy ako mag-aaral ulit pero bilang college na. Isang itong private school mula elementary hanggang college. Malapit lang kasi sa amin ang school kaya dito ko nalang piniling mag-collage. Isang sakay lang jeep tapos mga 5-10 mins. lang ang biyahe mula sa amin papunta doon. Valedictorian ako ng elementary kaya naging Scholar ako ng high school. Pinag-iigihan ko sa pag-aaral para makabawi ako kina tito at gusto ko rin makatulong sa kanila. Nahihiya kasi ako at ayoko maging pabigat sa kanila.
Laking papasalamat ko sa kanila dahil kinupkop nila ako dahil ulila na ako sa magulang. Kapatid ni tito ang aking mama. Iyon ang sabi nila sa akin. Wala kasi akong maalala masyado sa aking pagkabata at sa aking mga magulang. Hindi ko ng alam kung bakit. Basta ang natatandaan ko nalang yung nag-aaral ako ng grade 1 hanggang sa ngayon. Sabi nila tito namatay daw sa aksidente ang aking mga magulang. Pero kahit ganoon pa man kalungkot ang nangyari sa akin nagpapasalamat pa rin ako Diyos dahil binigyan parin ako ng pangalawang magulang na kumukupkop sa akin ngayon at inaalagaan ako ng maayos at pinaparamdam sa akin ang pagmamahal sa isang anak. Wala rin kasing anak sina tito kaya siguro ako nalang ang tinuturing nilang anak. Haaay...ang drama ko naman...hahahaha.
Bilisan ko na nga para hindi mahaba mamaya ang pila ng magpapaenroll at makauna ako sa pila. Tawagan ko nga muna si besty para sabay kaming mag-paenroll. Hindi kasi ako sanay ng nag-iisa. Denial ko na ang kanyang number at pagkatapos ng tatlong ring ay sumagot na ito.
"hello! Good morning shia!" panimula ko.
"hello. Ang aga-aga mo naming mambulabog neng! Natutulog pa nga ang tao. Ano ba ng pakay mo aber at ang aga-aga pa..tsk..."
"ang hard mo talaga sa akin no? naappreciate ko talaga! Ngayon kasi ako magpapaenroll. Magpapasama sana ako sayo sa school dahil magpapaenroll ako ngayon tapos mamimili nalang din ako ng school supplies. Sige na bessy. Plssss..." paawa effect pa ako.
"o sige. Ngayon din ako magpapa-enroll. Salamat din sa pambubulabog. Nagising na ang diwa ako. Hahahaha.... Nanose bleed ako sa diwa ah. Hahahaha.... Epekto ba to nang panggigising mo sa akin ng maaga?
"baliw! Talaga lang kasi wala ka sa tino kaya ganyan ka. Mas magaling pa nga sayo ang unggoy eh. Hahahaha... Peace be with you bessy! Pero sige na mag-ayos kana para mauna tayo sa pila."
"eh ikaw nga tong hard sa akin eh. Porke matalino ka ginaganyan mo nako."
"uy! Joke lang yun wag kang mag-inarte. May tampo-tampo ka pang nalalaman diyan."
"Okay na pinapatawad na kita from the bottom of my ocean heart. Para malunod ka kung saka-sakali."
"Hindi ako best malulunod. Swimmer kaya to!"
"Oh! Ang hangin! Di ko carry. Pang Yolanda ang lakas."
"hahahaha. Sigi na. magready kana. Babye bessy. Muah"
"Ew! Sige na maghahanda na ako. Bye!"
At binaba ko na ang cellphone ko. Tiningnan ko ang oras at six-twenty na. Bumaba na ako at pumunta sa kusina para kumain. Pagkababa ko nakita ko naman si tita na naghahain na si tito ay naka-upo na at nagbabasa ng diyaro. Maaga rin kasi ang pasok nina tito sa kanyang trabaho pero si tita naman ay bakasyon dahil next month pa ang pasukan. Si tito Arman ay nagtatrabaho sa isang kumpanya at si Tita Cynthia naman ay isang elementary teacher.
"Good Morning tita! Good morning tito. Tita tulungan na po kita diyan." Nakangiting sabi ko. At hinalikan ko sila sa pisngi.
"Good morning din Lena." Sabi ni tita.
"Nakapag-enroll kana may pupuntahan ka ngayon?" tanong ni tito sa akin
"ngayon po ako tito mag-papaenroll. Kasama ko po si Shia. Sabay po kaming magpapaenroll. Bibili narin lang din po ako ng school supplies." Sagot ko.
"Kaya pala maaga kang nagising." Sabi ni tita.
"hehehe. Opo. Gusto ka po kasing mauna sa pila. Mahirap na po kasi magpatanghali."
At kumain na kami. Pagkatapos naming kumain ay tinulungan ko si tita magligpit at binigyan niya ako ng pera para pambili ng gamit ko tas dinagdagan niya pa pang snack. Ang bait talaga ni tita. Ang swerte ko talaga sa kanila. Lumabas na ako ng bahay at sakto naming nakasalubong si Shia.
"Uy! Tamang-tama ang dating mo ah. Dadaanan sana kita sa inyo." Sabi ko. Nasa kabilang kalye lang kase ang bahay nila. Walking distance lang pag galing sa amin.
"oo. Nga. Tara na."
Naglakad na kami sa may highway at nag-abang ng jeep. Nang dumating, sumakay na kami kasi hindi puno. Mabuti nakasakay na kami. After ten minutes ay nakarating na kami sa school. Konti palang ang mga estudyante. Mag-ieight palang kasi ng umaga. After 2 hours nakapagpaenroll na kami. Ang kinuha naming ni bessy na course ay BEED (Bachelor in Elementary Education). Pumunta na kami sa National bookstore para bumili ng gamit. Pagkatapos ay bumili kami ng snack. Habang kumakain ay nag-usap kami.
"Bessy, exited na talaga ako magcollage." Panimula ko.
"Ako rin bessy exited rin ako. Doon pa kaya mag-aaral si Joshua?" si Joshua Mendez ay is sa mga campus crushes sa school naming at crush rin nitong si bessy.
"aba malay ko. Bakit ako ang tinatanong mo? Ako ba si Joshua?"
"Wala lang alam mo naman mas nakakainspired mag-aral kung nakikita mo ang crush mo. Alam mo rin na except sa family ko ay siya ang greatest inspiration."
"suiguraduhing mo lang na inspiration talaga yan ha? Baka maging disperation mo yan. Hahaha. Mahirap na. di mo alam kung kalian kumilos si kupido."
"oo. Inspiration lang talaga. Ikaw ang kj mo rin kasi. Abnormal ka kasi. Biruin mo naman nakatapos kang high school di ka manlang nagkacrush."
"E wala eh. Anong magawa ko?"
"Yan kasi ang epekto ng pagiging NBSB."
"Wow ha! Nagsalita ang hindi NBSB."
"Well atleast ako hinihintay ko lang na ligawan niya ako. May pagka Maria Clara pa man din ako kahit papaano."
"O di sige ikaw na."
"Hahahaha. Wag ka naman maging pikon bessy. Mahal naman kita eh."
"Ew. O siya sige uwi na tayo."
"Okay."
At umuwi na nga kami. Nakakapagod rin. Sumakay na kami sa jeep. At nakarating na kami sa may high way malapit sa amin. Pagkababa namin ay nagpaalam na kami sa isa't isa.
TO BE CONTINUED...
____________________________________
Haaay salamat. natapos ko narin ang chapter one. Salamat pala sa mga nagbasa at nagvote sa story. sobrang saya ko kahapon dahil pinansin niyo ang story ko. sana po magustuhan niyo. feel free to vote and comment para mas maayos ko pa ang gawa ko. unang beses ko palang kasi ako gumawa ng story at fantasy pa. nagsulat rin ako ng mga poems. punta lang po kayo sa account ko kung gusto niyo magbasa. comment nalang din kayo and criticize my work. thank you ulit sa inyo.
Fr: Ate tin or Celestine
BINABASA MO ANG
Elementalia Magicae Academia
FantasySi Lena Marie Aragon ay isang ordinaryong tao. Ulila na siya at nakatira siya sa kanyang inaakalang kamag-anak. Matalino, maganda, at mabait siya. Masaya siya sa kanyang buhay kahit di sila mayaman pero may kaya naman. Nag-aaral siya sa William Acad...