#2: Call Center
"Good Morning! Iam Jessa Torres how may i help you?"
"Oh, Babae ka pala?"
"Yes, Sir? Do you need something or what?"
"No! I want you to be my Girlfriend!"
"Sorry, Sir. Wrong Number!"
"Hindi ako Wrong number. Gusto ko nang kadate!"
"I can help you po na makahanap ng Girlfriend na gusto niyo pero hindi po ako yun!"
"Oh okay. Bye!"
"Thanks for calling, Have a nice day." Napa-face palm na lang ako sa isang iyon. Hindi ko siya kineri! By the way.. That was not the first time na may na-encounter ako ganyan! Maraming beses na i mean.
Sakit lang sa ulo, Pero kailangan mo pa rin maging Nice, Kahit nakakairita na ng sobra. In short! "PATIENCE" Mahabang pasensya ang kailangan mo sa ganitong klase ng trabaho.
Yes! Iam a Call Center. And another yes.. Mahirap ang path na napili ko. Pero keri lang para sa Pamilya.
Hindi ako pwedeng magalit at mag-salita nang kung anu-ano sa mga taong nakakausap ko. Dahil hindi lang ako ang nakakarinig sa mga Client na nakakausap namin. Kaya kung maaari, Kung kayang Tiisin, Sakyan ang mga trip ng mga tumatawag dito. Sige lang! Pero kasi nakakainis na talaga!
May time pa nga.. Kumakanta ako dahil gusto ng Client na yun ang gawin ko. Even if wala naman talaga akong Talent sa pag-kanta. Nakakahiya lang sa kasamahan ko dito at naririnig nila ang Boses palaka kong Boses.
Pero tiis tiis lang dahil kailangan ko ang trabaho na ito at mahalaga saakin ito ngayon. Maraming umaasa saakin. Nandiyan ang limang kapatid ko at mga magulang ko na nasa Probinsya. Kaya kahit nakakapagod at nag-kakadang puyat na. Sige go lang! Dahil kailangan.
Pero ganon naman talaga ang Trabaho ng Call Center diba? Puyat, Kulang sa tulog at palaging pagod. Minsan nga hindi na ako nakakauwi sa bahay at dito na rin ako natutulog sa Agency. May pag-kakataon na inaabot na kami ng umaga bago matapos sa Trabaho dahil maraming Calls ang pumapasok.
And this time natigil sandali ang mga taong tumatawag at ito ang pag-kakataon namin na mag-pahinga. May kapalit rin kami sa pwesto kapag kailangan na talaga ng ilan saamin ang mag-pahinga. Kaya ngayon i decided na makipag-switch muna dahil mahigit isa't kalahating araw na akong walang tulog. Isang basong kape ang kailangan para mag-damagang nakaharap sa Monitor ng Computer.
"Uy! Thank you ha?"
"Welcome. Ano ka ba hindi mo naman kailangang mag-pasalamat saakin! Pare-pareho naman tayong nangangailangan ng pahinga. O sige na matulog kana muna at ang lalim na niyang Eye bags mo."
"Salamat uli." Ngumiti ako dita at tinapik pa siya sa balikat.
Pumasok na ako doon para mag-pahinga! Nang biglang mag-ring yung phone ko. Nakita ko naman na si Marco yung tumatawag, Kapatid ko. Ano kayang problema?
"Hello?"
"Ate si tatay.. Sinugod sa Hospital."
"O bakit anong nangyari kay Tatay?"
"Naaksidente po habang nag-lalako sa daan."
"Ha? E diba sabi ko sainyo, Huwag niyo nang pag-tatrabahuhin yan? O bakit niyo pinayagan?"
"Mapilit po kasi. Nahihiya na daw po sila sayo, Ikaw na lang ang palaging nag-bibigay dito."
"Ano ba naman yang si Tatay. Hindi nila kailangang mahiya. Para sasaan pa man yung nandito ako sa Maynila para mag-trabaho. E kaya nga ako lumuwas dito dahil alam kong pag nandiyan ako walang-wala tayo? O paano yan, Kumusta na si Tatay?"
BINABASA MO ANG
Sleep Paralysis [COMPLETED✔] #Wattys2016
ParanormalSleep Paralysis One shots ©KiteeKitty All Rights Reserved 2016