Marguarette's POV
Nandito kami ngayon nina Yna at Khiersten dito sa mga benches. Kinuha at ginamit kasi yung table na pinagpwepwestuhan namin tuwing umaga habang hinihintay na mag- bell. Nagkwekwentuhan lang kaming tatlo nang biglang sumingit si Mr. GGSS, sino pa ba, edi si Alfred."Goodmorning." Bati niya sa aming tatlo nina Yna at Khiersten.
Hindi na lang kami sumagot sa bati niya sa aming tatlo, umupo na lang siya sa tabi nina Yna at Khiersten samantalang ako ay nakatayo. Natigil ang kwentuhan naming apat nang biglang mapansin namin nina Yna at Khiersten na grabe yung pagkakamot ni Alfred sa likod niya.
"Ohh, anong nangyayari sayo?" Pag- aalalang tanong ko sa kanya.
"Ang kati ng likod ko." Sabay pagkakamot sa likod niya.
"Bakit?"
"Hindi ko alam."Kamot pa rin siya ng kamot sa likod niya. Napatingin si Khiersten sa pwesto ni Alfred at napatingin siya sa punong nasa likod nito.
"Alfred, may igad sa likod mo." Napatayo siya at si Yna dahil sa pagkagulat.
"Huh? Huh? Saan? Saan?" Pati si Alfred ay napatayo na rin.
"Ayan ohh, nasa likod mo lang." Sabay turo ni Khiersten dun sa igad na nakapwesto sa likuran ni Alfred. Tinapik kaagad niya yung igad papalayo sa kanya at maski sina Yna at Khiersten din ay napalayo."Wag mong kamutin, pumunta ka na dun sa clinic, bilisan mo." Natatarantang sabi ko sa kanya. Pagkatapos nun ay dali- dali siyang nagpunta sa clinic.
Alfred's POV
Hayz, kung alam ko lang na nakapwesto pala ako sa likod ng puno. Hindi sana ako naigad. 😅😂🙆
Sinunod ko kaagad yung sinabi ni Marguarette na magpunta ako sa clinic kaagad. Pagkalabas ko ng clinic ay umakyat kaagad ako sa classroom namin, medyo nawala na naman na yung kati pero nagkakamot pa rin ako."Ohh, anong nangyari sayo?" Tanong ng adviser namin na nakatayo sa labas ng classroom namin.
"Naigad po, Ma'am." Sagot ko sa tanong niya.
"Huh? Ano?" Ano? Ipapaulit pa talaga sa akin noh.
"Naigad po, Ma'am"
"Kailangan maligo ka sa suka.(vinegar)." Payo sa akin ni Ma'am.
"Grabe Ma'am, kadiri!"Habang kinakausap ako ni Ma'am ay napansin kong nagngingiti si Marguarette na nakatayo at nagpaparticipate sa morning assembly namin, malamang naririnig nito yung pinag- uusapan namin ni Ma'am. Naku, siguro kung siya yung naigad, malamang pagtatawanan ko rin to. 😂
BINABASA MO ANG
Trip lang
Short StoryHindi ko inaasahang may makikilala akong kagaya mo. Hindi ko inaasahang magiging malapit ako sa isang kagaya mo. Hindi ko inaasahang may mga alaalang mabubuo, kasama ang isang kagaya mo. Pero, higit sa lahat, hindi ko inaasahang iiwan ako ng isang...