Chapter 12
Ang bitter na niya.
Ako pa ata may dahilan D’:
Yung huling gabi bago mag graduation.. Nagdecide ako na magtext sa kanya. Hindi ko na kasi talaga kaya.
Message: Kahit ganyan ka pala, nakakamiss ko ng sobra.
Makalipas ang ilang sandali,
Message: :’)
NAGREPLY SIYA! Tapos, may biglang bumato sa bintana ng kwarto ko. Sinilip ko at laking gulat ko ng makita ko si Frina sa baba.
Kumakaway. Nakangiti.
Ano bang ginagawa niya dito?!
“Bakit?” bulong ko. As if maririnig niya -_-
Nagtext siya ulit.
Message: Pahiram ng gitara TT.TT
Yun pala.
Message: Sige..
Reply ko sa kanya.
Kinuha ko ang gitara ko at dinala pababa.
Paglabas ko, nakita ko siya na nakaupo sa sidewalk.
“Uy” sabi niya sabay ngiti..
“Pumunta ka pa dito para manghiram lang ng gitara?” tanong ko.
“Oo. Salamat ha!”
“Marunong ka palang tumugtog?” tanong ko sa kanya sabay abot ng gitara ko.
“Hindi.” Sagot niya.
Hindi marunong tapos nanghiram? Kalokohan.
Hindi niya kinuha yung gitara nung inabot ko na sa kanya, “Hindi ako marunong.. Kaya nga isasama kita!” sabi niya tapos hinila ulit ako.
At yun nga, nagtrespass na naman kami sa garden ng mga Yeo. Doon ulit kami umupo sa bench. Dun nagjam kaming dalawa.
Natapos ang gabi sa isang harana..
“O ito last na.” sabi ko sa kanya.
“Alam ko ba yan?” tanong niya.
Ngumiti ako at saka tumugtog, “You make me happy whether you know it or not..”
“ALAM KO YAN!” sigaw niya tapos ay dinugtungan ang kanta ko. “We should be happy.. That's what I said from the start.”
“I am so happy.. Knowing you are the one that I want for the rest of my days.. You're one of my days..” Sabay naming kanta.
O di ba? Para lang kaming sira? Hahaha. Tapos nung kantahan na iyon. Umuwi na ako. That was perhaps.. the happiest night I had with her!
Sya pa din ang laman ng isip ko until I reached my home.
Naabutan ko si Shie na gising pa! Nanonood.
“Ano yan?” tanong ko sa kanya.
“Notting Hill.” Sagot niya.
Notting Hill?
Yun yung sinasabi ni Frina ah!
Nilapag ko ang gitara ko sa sahig saka umupo sa tabi ni Shie.
Sa part na kung saan naglalakad si Hugh Grant kasama ni Julia Roberts yung naabutan ko.
Kahit nacocornihan ako. Nagstay ako sa tapat ng TV saka pinanood iyon. Hindi ko talaga maintindihan ang mga babae! Bakit kaya gustong-gusto nila ng ganitong mga palabas?!
Pero habang pinapanood ko yung eksena na yun. May naalala ako. Para kasing nangyari na yun.
Y-yung eksena sa garden! Nangyari na yon sa amin.
Tingini.
Tadhana?
Tinadhana?
Hindi ko alam. Basta.. Kung ano yung nangyari sa bida sa pelikula sa scene na iyon. Ganun din yun nanyari sa amin sa Garden nila Ting.
Sabay biglang tumugtog yung back ground music.
“The smile on your face.. Let’s me know that you need me. There’s a truth in your eyes.. Saying you’ll never leave me. The touch of you hand says you’ll catch me. Whenever I fall..”
Naalala ko yung sinabi ni Frina nung gabing yun. ‘You say it best. When you say nothing at all..’
Nagets ko rin sa wakas.
Tanga mo Blue -____-v
