ang buhay ko kung ihahalintulad mo sa iba eh napagkagulo , ung tipong parang LRT sa sobrang SIKSIKAN at sa sobrang daming gustong pumasok o makigulo wala ka ng magagawa kung hindi umayon sa mga nangyayari, ung iba naman mga 123 at hindi marunong magbayad at bigla bigla nalang papasok, tapos kapag nandun na sila sa pupuntahan nilang lugar lalabas nalang,
oo masaklap ang buhay pero nung makilala ko ang lalakeng laging nakaupo sa dulo ng tren biglang sumasaya nalang ang araw ko , hindi ko lubos mawari kung anu ba ang meron sya na kung susumuhin mo eh walang kahalintulad,
posible nga kaya ? posible nga kayang mahulog ang loob ko sa taong hindi ko kakilala ? at posible nga kayang mahulog ako sa taong ni minsan nakilala ko lang sa muka ? ni hindi ko makausap ni malapitan manlang ?
posible nga kayang magmahal ako ng taong walang pakialam kung siksikan man at magulo sa loob ng tren ? posible bang mahalin nya din ako ? kahit sa malayuan lang ?
BINABASA MO ANG
Train Station (Short Story)
Teen Fictionang pagmamahal ay mahahalintulad sa bagay na pinaglumaan , kapag nagsawa na itatapon nalang pero diba pwede pa naman gawin at pagmukhaing bago ang luma mong gamit o laruan ? kaso minsan dumadating sa point na naghahanap ka ng bago kasi paulit ulit...